Chapter 19 "Light after 5 Years"

367 40 2
                                    

Third Person’s Pov

Iba-iba ang naging reaction ng mga miyembro nang masaksihan nilang itinuloy ni Jeonghan ang paghalik sa leading lady ng ginagawa nilang music video. Iisa lang ang pagkakapareho ng labing dalawang lalaking nanonood; pare-pareho nilang hindi nagustuhan ang ginawa ng kanilang kuya.

Hindi maipinta kung gaano kagulat si Hyeri nang maramdaman ang malalambot at matatamis na labi ni Jeonghan. Habang ang lalaki naman na ito ay dinadama ang labi ng dalaga.

“Cut!” sigaw ng direktor. Kasabay ng sigaw nito ay itinulak ni Hyeri si Jeonghan gamit ang magkabilang kamay. Medyo nanginginig pa ang kamay ng dalaga, halatang nagpipigil ng damdamin. Ang sabi kasi ni Jeonghan bago magsimula, hindi niya itutuloy ang halik at pepekein lang naman ito. Iyan din ang pangako niya kay Seungcheol bago magsimula ng scene nila. Kaya naman, parang hinampas ng maakas na baygo ang isipan ng lahat.

Hinihingal si Jeonghan na nakipagtitigan sa namimilog na mga mata ng hinalikan niya. Ilang beses siyang lumunok, kumurap at napakagat sa sariling labi. Pero wala itong naitulong para magkatotoo ang panalangin niyang sana’y panaginip lang ito!

“Akala ko hindi mo itutuloy Yoon Jeonghan?” nagtatakang tanong ng direktor na hindi rin makapaniwala sa nangyari.

“Uh?” ang tugon lang ng binata na para bang hindi parin nagigising sa diwa.

Tumayo si Hyeri, mabigat ang katawan at nakakuyom ang mga palad. Tumalikod siya at hindi man lang nakipagtitigan sa kaninuman bago tuluyang tumungo kung saan.

“A-Adlib ang tawag sa ginawa ko hindi po ba?” ang sambit ni Jeonghan sa direktor. Pasimple pa itong ngumiti na waring hindi apektado.

“Hmmm,” utas ng direktor na medyo nawindang, “sige mag-break muna tayo.”

Nakayuko ang ulo ay bumalik si Jeonghan papunta sa labing dalawang lalaki na nakapokus lang ang tingin sa kaniya. Huminto siya sa paglakad at inangat ang tingin nang makarating dito. At ano ang namasdan ng kaniyang mga paningin? Nakita niya ang nanggigigil na reaksyon ni Seungcheol, pati narin ang hindi maipaliwanag na ekspresyon ni Jisoo.

“S-Seungcheol,” Jeonghan called his name, na para bang handa siyang magpaliwanag. Ngunit, agad siyang pinutol ni Seungcheol mula sa pagsasalita.

“Akala ko ba hindi mo itutuloy?” walang buhay nitong tanong, ni hindi man nakikipagtitigan ng mata sa mata.

“K-Kasi...” paliwanag ni Jeonghan na hindi niya maituloy-tuloy. Seungcheol stood up, turned around and walked away.

Ilang segundo pa, si Jisoo naman ang tumayo at umalis rin papunta sa ibang direksyon. Dahil walang maipaliwanag si Jeonghan sa mga bata, napahawak nalang siya sa batok at umalis rin papunta sa kung saan.

“Lagi nalang akong pinapahamak ng mga ideya ko,” ang sabi ni Jihoon. Tumingin sa kaniya ang mga natitirang members. He also stood up and looked at Soonyoung. Then he said: “Hoy, ikaw na bahala sa mga bata,” before he walked away.

Lumipas ang ilang Segundo at bigla naming narinig ng pitong gwapong mga lalaki na ito na sina, Mingyu, Wonwoo, Minghao, Seokmin, Seungkwan, Hansol at Dino, ang sigaw ng isang lalaki na kanilang katabi.

“Waaaaaaa!” sigaw ni Jun na napasabunot pa sa buhok, “#selos! Sana pala, itinuloy ko na sa lips! Sana naisip ko rin yun! Aissssshhh! Nakakainggit si—Aray!”

Halos muntikan nang mangudngod si Jun sa lupa at namula. Paano siya hindi mapapahinto at mapapasigaw sa sakit kung halos lahat ng katabi niya, na kung tutuusin ay mas bata sa kaniya, ay binatukan siya ng ubod lakas?

“Tumigil ka nga,” naiinis na pagbawal ni Minghao.

“Bakit masama bang magselos?!” utas ni Jun na nakanguso pa.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon