Chapter 17 "Hints"

541 38 1
                                    


“Mingyu!” sigaw ni The8 mula sa labas habang kumakatok.

Kaya nagsimula nang mataranta si Mingyu na kasama ni Hyeri sa loob ng apartment ng dalaga.

“Hoy Mingyu! Alam kong nandiyan ka!” muling sigaw ni The8.

“Anong gagawin ko?” ang pabulong ngunit nag-aalalang tanong ni Mingyu kay Hyeri. Halos magtatalon na nga ang malaking bulas na ito!

“Edi buksan mo ang pinto,” ang walang reaksyong sagot ni Hyeri sa kaniya.

Well, para kay Hyeri wala naman dapat ikabahala si Mingyu kung sakaling mahuli sila ni Minghao na magkasama ngayon sa iisang bahay. Una sa lahat, mayroon silang mabigat na dahilan. Iyon ay dahil kasama rin naman nila sa bahay na iyon ang kuya ni Hyeri na si Seungcheol, na kasalukuyan namang nasa Cr para magsipilyo’t maghilamos.

“Hindi pwede,” pagtutol ni Mingyu na pinagkakasya ang sarili sa gilid ng sofa para magtago, “Kapag nakita ako ni The8 dito, baka kung anong isipin nun,” sabi pa nito.

“Kim Mingyu!” sigaw ni The8 mula sa labas.

Kung si Mingyu ay pinagkakasya ang malaking katawan sa gilid ng sofa, hindi naman na nakatiis si Hyeri at tumungo na sa harapan ng pinto. At bakit?


“Hoy! Anong gagawin mo?” naghe-hysterical na tanong at senyas ni Mingyu.

Panandalian siyang tinignan ni Hyeri, bago hinawakan ang doorknob at binuksan ang pinto.

“Ming...” muling sigaw pa sana ni The8. Pero nang bumungad sa kaniya ang dalaga ay napahinto ito.

“Hinahanap mo ba si Mingyu?” tanong ni Hyeri.

Hindi pa nakakasagot si The8 ay nakita na nito si Mingyu na nagtatago sa gilid ng sofa. Nang sumilip ng kaunti si Mingyu, ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Kaya dahil sa buking na ay tumayo na si Mingyu at bumati ng,

“Hello, hehehe.”

May halong pagtataka ay lumingong pabalik si The8 kay Hyeri na parang naghihingi ang tingin nito na paliwanag sa mga nangyari. Ngunit, bago pa man makapagpaliwanag ang dalawa ay lumabas na si Seungcheol sa Cr.

“O? Minghao, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Seungcheol.

“Hyung?” pagkagulat ni The8. Medyo nakaluwag siya ng malaman na hindi lang pala si Mingyu ang kasama ni Hyeri rito.

Pero ano nga ba ang nangyari sa tatlo at magkakasama sila ngayon?

“Dito ba kayo natulog?” tanong ni The8.

“Yup,” sagot ni Seungcheol na umupo sa sofa habang hinihimas himas ang ulo na sumasakit dahil sa pagkakaroon ng hangover, “Hoy Mingyu! Yung nangyari sa atin, hindi kiss ang tawag dun!” pagalit na reklamo naman nito habang pinupunasan ang mga labi.

“Tsss, bakit ikaw pa ang nagalit hyung? Ikaw nga ‘tong lasing na humalik sa akin e,” reklamo ni Mingyu na nakanguso.

“Sabing h-hindi halik yun! Pwe, kadiri!” sunod-sunod na reklamo ni Seungcheol.

Dahil napansin ni Hyeri na mukhang nalilito parin si The8 ay siya na ang nagpaliwanag.

“Lasing si kuya kagabi. Dito siya dinala ni Mingyu, at dahil sa pagod, dito narin nakatulog si Mingyu. Kaya wag kang mag-alala.”

Dahil sa mga narinig ay nawala na ang mga kung ano-anong mga maruruming bagay na kaninang umiikot sa ulo ni The8 habang papunta sa apartment na ito.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon