Chapter 9 "Past"

454 46 3
                                    

Seungkwan’s Pov

Bumalik si Wonwoo hyung sa Dorm na parang nakakita ng multo.

Dumating naman si Woozi hyung na malalim ang iniisip at sinungitan pa ako.

Then, dumating naman si Jun hyung na dumiretso agad sa C.r habang sumisigaw ng, “Kailangan kong bilisan! Baka umalis na siya!”

Tapos, bumalik naman si DK na pulang-pula ang mukha at nagtatakbo papuntang kuwarto.

Ang weird ng mga ‘yun. Ano bang meron sa labas ng dorm at pagbalik nila rito ay nagiging weird silang lahat?

Ako, si Dino, si Mingyu hyung, at si Vernon ay kasalukuyang nakatambay rito sa sala ng dorm. Nag-lalaro ng psp si Dino. Si Vernon naman, minamasahe ang likod ni Mingyu, tsk! Kakaselos!

And ako? Eto, naghihintay ng makakalaro. Asan na ba kasi yung ibang mga members?!

“Nandito na ako!” sigaw ni The8 pagkapasok na pagkapasok sa loob nitonng Dorm.

Wow! May sumagot ng panalangin ko.

“Hoy Minghao! Saan ka ba nagpunta?! Gabing-gabi na,” reklamo ko. Pero ang totoo naglalambing lang naman ako.

“Ah, naglakad-lakad lang ako sa park. Si Dk nga pala, nandito na ba?”

“Oo. Di nga ako pinansin kanina e. Ba’t mo natanong?”

“Eh kasi, bigla nalang siyang umalis nunng kasama ko si Hyeri e.”

Hyeri?! Si Miss K ba ang tinutukoy ni The8?!

Napahinto tuloy kami nila Mingyu hyung, Vernon at Dino. Nanlalaki ang mga mata naming tinignan si Minghao. Bakit sila magkasama ni Miss K?!

“Oh?” tugon ni The8 sabay takip ng bibig. Pero nung narealize niyang buking na siya ay nagtapat narin siya sa amin, “Eh kasi, diyan lang pala nakatira sa tapat ng Dorm yung kapatid ni Seungcheol, A.k.a si Miss K. Tapos aksidente kaming nagkita. Eh, sinamahan ko narin siya papunta sa convenience store,”

“Ano?! Si Miss K, diyan lang nakatira sa tapat nng Dorm natin?!” gulat na tugon ni Dino na nilapag ang psp na hawak, sa sofa, gamit ang paa, “Ahh, kaya pala nahabol niya rati yung Van natin,” Dino added.

“Aba! Hansol, tignan mo nga naman ang pagkakataon. Akalain mong magiging kapitbahay na nating yung crush mo? ano pang ginagawa mo ngayon? Punta ka na sa kabilang bahay!” panunukso ni Mingyu hyung.

Na hindi naman nagustuhan ni Hansol, “Mingyu hyung! Sabing hindi ko nga siya crush e!” sabay hampas ito sa balikat ni Mingyu.

Ang kulit naman kasi nitong si Mingyung hyung. Sabing hindi nga siya crush ni Hansol e!

“At tsaka, isa pa, kailangan na nating mag-ingat sa pagsasalita. Hindi lang  siya yung kapatid ni Seungcheol hyung na si Hyeri. Siya rin ang producer ng pledis,” paliwanag ko sa kanila while sitting pretty sa sofa.

At tumango naman silang lahat para sumang-ayon.

“At hindi lang siya ang babaeng isa sa mga fans ko na baliw na baliw sa akin,” pagdaragdag ko pa. Na walang sumang-ayon.

“Yabang!” sigaw ni Mingyu hyung pagkatapos akong batuhin ng pillow.

“Hahahaha!” tawa naman ni Dino dahil sa Ka-diva-hang pinairal ko ngayong gabi.

Bakit?! Nagsasabi naman ako ng totoo a. Di ba’t fan ko naman talaga si Miss K?!

Sa gitna ng pagtatawanan namin ay bumukas uli ang pinto at nakita ko naman na pumasok si Seungcheol hyung. Sa sobrang tuwa, (at pag-kaexcite na makakuha ng chizmiz tungkol sa kapatid niya) ay napatayo ako mula sa sofa at napatakbong lumapit kay Hyung.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon