Chapter 29 "Enemy?"

374 18 9
                                    

Mingyu’s Pov

Wala pa akong asawa, pero pagkagising na pagkagising ko, sandok na naman ang aking hawak. Kasalukuyan akong nagluluto ng hang over soup para sa akin at sa mg members na natutulog pa sa kani-kaniyang kwarto.

~ “Eiiiiiingkkk-~” langitngit ng bumukas na pinto. Tumalikod ako para i-check kung sino ang gising na. At hayun, nakita ko si Seungcheol hyung na nakatayo at brief lamang ang suot. “Good morning hyung,” bati ko.

Tumingin siya sakin, “Good morning,” ang bati rin niya.

“Hyung sumuka ka ba sa salawal mo?”

“Ha? Hindi.”

“Eh bakit ganyan lang ang suot mo?”

Nang yumuko siya ay nalaman na niya ang tinutukoy ko. Agad siyang bumalik papasok ng kwarto. Maka-ilang segundo ay lumabas muli siya na may suot ng jogging pants at t-shirt. Kaso...

“Hyung. Baligtad ang pagkakasuot mo t-shirt.”

“Ha?” Tinignan niya ang suot. “O-Okay lang yan. Para di ako maligaw. Ha-ha.”

Pinatay ko muna ang stove, bago siya pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Sigurado akong wala siya sa tamang wisyo. Naglakad siya na parang robot paparoon sa labas. “Hyung! Saan ka pupunta?!”

Tumigil siya. “Magsisipilyo.”

Huminga ako ng malalim. “Hyung, nandito ang banyo,” ang sabi ko, turo-turo ang tamang daan papunta sa banyo.

“Ay. Oo nga no. Hehe.” At sa wakas ay nakarating na siya sa loob ng cr.

Hindi ko masisisi kung bakit parang may saltik sa ulo ang leader namin. Pagkatapos ng mga nangyari kagabi, malamang na kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya kaya hindi siya makapagpokus.

This is the incident happened last night...

“Okay! Okay! Ang party na ito ay para kay Hyeri at Jeonghan hyung. So to congrats them, itaas natin ang mga baso and let’s cheers!”

“Cheers,” ang sagot lamang ni Seungcheol at Joshua hyung. Binigyan naman ni Dino si Hyeri ng isang glass ng beer. “Noona, C-Congrats,” bati nito.

“Teka teka! Sino ang may sabing pwede kang uminom?!” pagbabawal ni Seungcheol hyung.

“Bakit hindi? Nasa edad na ako,” reklamo naman ni Hyeri na kinuha na ang baso ng beer kay Dino.

Hindi pwede! Baka nakakalimutan mo kung ano ang ginagawa mo kapag lasing!”  sunod sunod na paalala ni Seungcheol. Hindi ko alam pero may pananampalataya ako sa sinasabi ni hyung.

“Eyyy, napaka-istrikto mo naman Seungcheol. Isang baso lang naman,” pag singit ni Jeonghan hyung. “Sige na Hyeri, tumikim ka na,”panghihikayat niya kaya itong babae, uminom na nga. Ang malala, inistraight niya pa ang alak. Wow ah. Wala sa itsura niya na heavy drinker siya.

Napaupo nalang pabalik si Seungcheol hyung at napasapo ng mukha. Teka nga lang! Bakit kinakabahan ako sa reaksyon ni hyung?! Senyales ba to na may delubyong darating!?

“Pero tanong ko lang,” Dino suddenly said while sitting on Hyeri’s side. “Kung tototohanin niyo ni Jeonghan hyung ang relasyon niyo, ibig bang sabihin, mamahalin niyo na ang isa’t isa?”

Mamahalin?

Mula sa kusina ay nabitawan ko ang sandok kaya nakuha ko ang pansin ng lahat. Sanay naman sila na may nahuhulog ako kaya after ilang segundo ay bumaling na uli ang tingin nila kay Dino, Jeonghan at Hyeri na naroon sa sala.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon