Third person’s Pov
Ang kaganapan sa loob ng Vocal team room.
“Ano na kayang nangyari? hindi naman sila magsusuntukan ‘no?” nangangambang pahayag ni Seunggwan.
“Hindi naman siguro. Kawawa si Woozi hyung pag nagsuntukan sila ni Seungcheol hyung, hehe.” Pagbibiro ni Dk.
“Ikaw talaga! May problema na nga, kalokohan parin yang nasa isip mo!” pangaral sa kaniya ni Seunggwan.
“Sorry na, Hmm, pero hindi ko parin talaga maisip kung ano ang ikinagagalit ngayon ni Scoups. Kung si Wonwoo ang problema, e di dapat si Wonwoo ang kausapin ni hyung. Bakit si Woozi?” takang-takang pahayag ni Dk.
Jeonghan butt in, “Kung ano man yun, wag na muna nating alamin. Kaya nga tayo pinapunta ni Seungcheol sa loob ng kuwarto dahil may mga bagay na ayaw niyang ipaalam sa atin.”
“Woah! Ang cool mo talaga mama. Talagang ikaw lang ang nakakaintindi kay Papa,” pagbibiro na naman ni Dk na yumayakap-yakap pa kay Jeonghan.
“Ano kayang pinag-uusapan nila? Gusto kong malaman,” biglang salita ni Joshua.
Napatigil ang tatlo at napatingin rito. nakahiga si Joshua sa itaas na kama ng double bed habang nakatitig sa kisame.
“Aba Jisoo hyung, ngayon lang ata kita narinig magsalita mula kanina a.” pagtataka ni Seunggwan.
Bilang sagot ay tumingin lang ito pabalik at ngumiti. Bakit ang weird din kumilos ni Jisoo ngayon?
Samantala, ito naman ang kalagayan sa Performance team room.
“Waaaah! Nakakahiya! Gusto ko ng mawalang parang bula!” reklamo ni Dino na nagpapagulong gulong sa kama at isinusubsob ang mukha sa unan.
“E kasi naman, hindi ka nag-iingat,” Jun answered.
“Malay ko bang mayroong babae na... O? Bakit ang dumi ng mukha mo Jun hyung? Napano ka?” takang-takang tanong ng kanilang maknae.
“Huwag mo ng alamin,” simple nitong sagot habang pinupunasan ng towel ang mukha.
Kung tungkol naman kay Hoshi, kanina pa ito pa-ikot ikot sa kuwarto at hindi mapakali.
“Wala naman sigurong masamang mangyayari sa dalawa no?” pag-aalala ni Hoshi.
“Wala. Kaya wag ka ng maglakad lakad hyung. Nahihilo na ako,” reklamo ni The8 na hilong-hilo na kakapanood sa kilos ni Hoshi.
Sino bang may sabi kay The8 na panoorin niya si Hoshi? Wala naman hindi ba?
“Puntahan ko na kaya sila?” isa pang tanong ni Hoshi.
Hindi sumagot ang tatlo, kaya naman, naglakad na si Hoshi papalapit sana sa pinto. Mabuti na lamang ay napigilan siya ni The8, “Hyung! Dito ka nalang. Baka mas lumala pa ang sitwasyon.”
“Aishhh! Ano ba kasing problema?! Hindi ko maintindihan” Hoshi said while grabbing his own hair.
At sa huling room, ang hip hop team, ay may ganitong senaryo.
Pumasok si Hyeri sa loob ng kuwarto ng hip hop team na kinaroroonan ni Vernon, Wonwoo at Mingyu. Agad na napatingin sa kaniya ang tatlo. Pero kung tungkol sa kaniya na tulala at nakatitig lang sa ilalim ay hindi niya napapansin kung nasaan o anong kapaligiran ang nararanasan niya.
Ang isip niya kasi ay nakapokus sa kung ano ang pinag-uusapan ni Woozi at Seungcheol sa labas.
Slowly, ay itinapat ni Hyeri ang tainga sa tapat ng pinto, umaasang maririnig niya ang usapan ng dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/79939949-288-k814284.jpg)
BINABASA MO ANG
"Pretty U!"
Fanfic(Seventeen's fan fiction story) A kpop Idol named, "Seventeen," is famous korean boy group in Korea with 13 handsome members: Scoups, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, Dokyeom, Mingyu, Minghao, Seungkwan, Vernon and Dino. They are self-p...