Chapter 20 "Spin The Bottle"

403 37 0
                                        

Third person's POv

"Waaaaaaaa! Walang toothpaste!" sigaw ni Seungkwan habang hawak hawak ang Thomas train toothbrush niya. "Wala na bang toothpaste?!"

Ngunit wala man lang pumansin sa kaniya sa loob ng dorm. Nakita nalang niya si Seokmin na binubuksan ang garapon ng asin.

"Asin na naman? Hindi na ba magbabago ang buhay natin? Kapag walang toothpaste, asin ang takbuhan?" ang tanong ni Seungkwan na nauna pang dumakot ng asin pagkabukas na pagkabukas ni Seokmin ng garapon.

"Magpasalamat ka nga't asin ang pang-toothbrush natin. Yung iba, ito lang ang ulam," seryosong pahayag ni Seokmin.

Nagkatinginan sila ni Boo ng ilang segundo. Nung una ay seryoso ang mga tinginan nito, pero bigla nalang tumawa ng malakas ang dalawa.

"Hahahahhaha! Wag ka ngang magseryoso, hindi bagay!" tawa ni Seungkwan.

"Hahahaha, alam ko! Hahahaha," tawa rin ni Seokmin bago sinubo ang toothbrush na asin ang nakalagay.

"Wala naring shampoo," reklamo ni Seungkwan habang nagsisipilyo.

"Hindi na malakas magshampoo si Jeonghan hyung kasi maikli na ang buhok niya," tugon ni Seokmin. "Aha! Alam ko na kung bakit nauubos ang shampoo!"

"Bakit?"

"Yung kili-kili ni Mingyu, lakas gumamit."

Nagkatinginan ang dalawa bago lumagapak uli sa tawa. "Hahahahahhaha--" ngunit, nawala rin ang tawa nila nang maalala si Jeonghan. Nga pala, isang araw pa lamang ang lumipas mula ng nag music video shooting sila kasama si Miss K. Naalala tuloy nila yung ginawang pag-halik ni Jeonghan kay Hyeri, anupat, hindi nila namamalayan na nalunok na nilang dalawa ang pinang-toothbrush na asin.

"Ang alat naman," malungkot na saad ni Seokmin.

"Tama ka, ang alat," pag-sang ayon ni Boo na parang may iba itong ibig sabihin.

Kagisa-gisa ay may narinig silang tunong ng nagto-toothbrush sa bandang gilid nila. Nang lingunin nila ito, nakita nila si Wonwoo na bulang-bula ang bibig habang nagsisipilyo, hawak-hawak ang bago at malaking toothpaste!

"Hyung!" sigaw ng dalawa na galit na galit. Tsk, pinag-tiisan nila ang asin e mayroon naman palang bagong toothpaste.

"Bakit?" tanong ni Wonwoo na hindi alam ang sinapit ng dalawa. Narealize nalang niya ito nang makita ang mangilan-ngilang butil ng asin sa parehong toothbrush ng dalawa. "Ay sorry, nadala ko kasi sa kama ko yung toothpaste," paumanhin ni Wonwoo.

"Hey kids," pagtawag ni S.coups na bigla nalang sumulpot sa likuran nila. Tumingin ang tatlo ang pinakinggan ang sasabihin nito. "Si Jisoo, nakita niyo ba?"

Sabay-sabay na umiling ang tatlo. Kasabay ng pag-iling nila ay ang pag-iisip kung bakit hinahanap ngayon ng kanilang leader ang ex-boyfriend ng kapatid niya. Kinutuban tuloy ang mga ito kung baka may alam na si Seungcheol.

Nasaan nga ba si Jisoo?

Mag-isa sa apartment ay nakaupo si Hyeri sa sofa habang nakadukdok sa sariling tuhod. Sa tabi niya ay ilang beses na umilaw at tumunog ang kaniyang cellphone. Pero, wala 'atang balak ang dalaga na sagutin o tignan man lang kung sino ang tumatawag at nagtetext sa kaniya.

Iisa lang kasi ang nasa isip niya ngayon; Ang hinala sa totoong dahilan kung bakit nagpasya ang kuya Seungcheol niya umalis sa kanilang bahay sa LA, mga limang taon na ang nakakaraan. She is scared and worried at the same time. Paano kung tama ang hula niya? Paano kung totoo ngang may nararamdaman sa kaniya si Seungcheol?! Magiging magulo ang lahat, kung paanong nagiging magulo ang utak ngayon ni Hyeri.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon