Chapter 10 "Still"

501 40 2
                                    

Joshua’s Pov

I remember the day we first met. It was autumn. I was sitting at the bench malapit sa apartment na tinitirahan ko. Im from a rich family, pero mas pinili ko na mamuhay mag-isa. Living in a small apartment while singing and playing my guitar. Minsan, after class, tumutugtog ako sa mga Cafe or restaurant as a part time-job.

While sitting at the Bench, ay kumakain ako ng burger ng mga panahon na iyon. Then, nakita ko yung mga kalapati na unti-unting dumarami sa tapat ko. Kinakain pala nila yung mga nahuhulog na parte sa tinapay that i was eating. Hindi ko naiwasang mapangiti habang tinititigan sila. Naisip ko, ang mga hayop na katulad nila, ay pagkain lamang ang iniisip sa kada-araw na lumilipas. Hindi katulad ng mga tao. Obligado tayong magkaroon ng pangarap.

Hindi ko napapansin na lahat na pala ng burger na hawak ko ay napagpira-piraso ko at naipamigay sa lahat ng kalapati. Kaya nung time na kakagat na sana ako ay roon ko napagtantong ubos na ang lunch ko, tsk. So  nilabas ko ang wallet ko para kumuha ng pera pambili uli ng lunch. But, dahil hindi na nga safe ang mundo, may bigla nalang humablot ng wallet ko at tumakbo.

Agad akong tumakbo para sundan yung magnanakaw. Fortunately, may police officer kaming nakasalubong kaya nahuli rin ito at nakuha ko pabalik ang wallet ko.

Kaso, may isang mahalagang bagay pala akong naiwan sa bench doon sa park. ANG PINAKAMAMAHAL KONG GITARA!

Nagmadali akong bumalik sa park at sa bench kung saan ko naiwan ang aking gitara. Then, i saw her. A beautiful lady wearing a peach dress, with a cute hat. She is playing my guitar and singing at the same time. It was amazing! Akala ko, may anghel na bumaba sa langit para kantahan ako. Napakaganda ng kanta. I never heard it before.

Napahinto siya sa pagkanta ng makita ako na nakatulala sa kaniya. She smiled at me. It was a great feeling.

Yes.

Yun ang una naming pagkikita.

Hindi ako naniniwala sa tadhana. Pero nasundan pa ang muli naming pagkikita dahil naggi-gig din pala siya. At dahil pareho kaming mahilig sa music, naging magkaibigan kami. Actually, masasabi ko na genius niya pagdating sa musika. She has a perfect pitch na kadalasang tinataglay ng mga composer. Kaya naisip ko na someday, magiging maganda ang future niya.

Simula ng makilala ko siya, nag-iba ang buhay ko. I never thought na siya ang magiging dahilan para magkaroon ako ng pangarap sa buhay. I want to be a singer, at gusto ko na sana, someday, i can sing one of her songs.

Bukod sa nabuo ko ang pangarap   ko  dahil sa kaniya, tinuruan niya rin ako kung paano magmahal. We fall in love with each other. At naging kami.

But, nagkaroon ng malaking problema.

I need to choose between love and my dreams. Nagkaroon kasi ng oppurtunity sa akin na pumunta ng korea at magtrain bilang idol. Noong una, ayaw ni Mama ang ideya na iyon. she said that being an idol is a worst job. Hindi ko raw kasi masisigurado ang future ko sa showbusiness. May punto si Mama, i know that. Kaso, nagbago ang desisiyon ni Mama. Siya na ang namilit sa akin na umalis ng LA at pumuntang korea. Bakit? Bakit bigla nalang nagbago ang isip niya?

It was because of Hyeri. Oppose si Mama sa relationship namin. Bakit? Dahil sa nalaman niyang identity ng babaeng minamahal ko. Isang katotohanan na itinago sa akin ni Hyeri matagal na panahon na mula ng magkakilala kami.

Kaya umalis ako ng hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. Akala ko kasi, ang pag-ibig na nabuo sa kaniya ay isa lamang pag-ibig na dulot ng bugso ng kabataan. Na darating din yung time na makakalimutan ko siya, pati ang pagmamahal sa kaniya.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon