CHAPTER 1 "Blue House"

1.2K 24 2
                                    

"Thank you po talaga tito Ben. Hindi ko po alam kung paano ko kayo mapapasalamatan para
dito."

Abot langit ang pasasalamat ko sa kanya dahil meron na akong matutuluyan ngayon.

"Don't mention it ijah. Alam mo namang gusto ka naming tulungan ni tita Marcia mo sa kahit anong bagay. I told you, you can live in our house. We really want you as our daughter."

Tinitigan ko sya. Ang bait-bait nilang mag asawa sakin. Pero di ko matatanggap ang alok nila. Masyado nang sobra kung titira pa ako sa bahay nila.

Dahan-dahan akong umiling.

"Ayaw ko pong maging pabigat tito Ben. At saka mas gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Enough na po sakin na malamang may mga taong gaya nyo ni tita Marcia na nag mamahal sakin." Napa kurap-kurap ako. Ayaw kong maging emotional pero ito ang nararamdaman ko ngayon.

Masyado akong nao-overwhelm sa kabaitan ng mag asawang ito.

"Dyan ako bilib sayo ijah. Kayang-kaya mong tumayo sa sarili mong paa. You're not relying to anyone. Ipag patuloy mo lang yan. Basta wag mong kalimutan na lagi kaming nandito ni tita Marcia mo para sayo." Dahan-dahan nyang inangat ang aking muka. Sinisilip ito.

Nangingilid ang mga luha sa aking mata at onting tulak nalang tutulo na sila.

"Tito Ben naman eh, pinapaiyak ako." Saka ko pinunasan ang aking mata bago pa tumulo ang luha mula dito.

Napahalakhak sya. "No I'm not! Basta mag iingat ka dito ah. Safe naman sa subdivision na ito. I already informed the security at the gate na ikaw ang bagong naka tira dito sa Blue House para 'di ka mahirapan sa pag labas pasok dito. And by the way before I forgot, my nephew is just going here once or twice a month. I just want to inform you 'bout it."

"Okay po tito Ben. Paki sabi narin po sa kanya na maraming salamat at hinayaan nya akong patirahin dito sa rest house nya."

"Sure, I will tell that. Sakto din kasi dahil nag hahanap sya nang pwedeng mag alaga nitong Blue House. Wala ka naman masyadong linisin dahil regular syang nag papa house keeping twice a month kaya wala masyadong kalat."

Tango lang ang sagot ko habang pinag mamasdan ang kabuuan ng malaking sala.

"Oh pano ijah, I need to go. Your tita Marcia is already waiting for me. Alam mo naman yun mainipin." Binulong nya pa ang huling pangungusap na akala mo ay narito lang si tita Marcia at maririnig ang sinabi nya. Bahagya pa syang natawa sa pahayag nya.

"Oh sige po tito ihatid ko na po kayo sa gate."

Nauna syang nag lakad palabas ng pinto. Agad syang pumasok sa kanyang sasakyan na naka pasok lang ng bahagya sa gate. Dahil talagang hinatid nya lang ako dito. Bago pa tuluyang maka labas ang kanyang sasakyan ay dumungaw muna sya sa may bintana. "Take care Daisy okay? Just text me if there's any problem."

"Yes po tito. Ingat din po. Paki kumusta nalang ako kay tita."

"Sure." Naka ngiti nyang sagot sakin.

Saka nya pinaharurot ang kanyang sasakyan palabas ng gate.

Napa buntong hininga ako nang tuluyan nang nawala sa aking paningin ang sasakyan ni tito Ben. Dahan-dahan kong sinara ang gate saka tumalikod dito at hinarap ang kabuuan ng bahay. Tinatawag ni tito itong Blue House. Siguro dahil kulay blue ang pintura ng bahay. Isa itong two story rest house. I call it rest house 'coz it should be dahil bihira lang naman pumunta dito yung may ari.

May terrace sa may second floor. Nakikita ko ring maganda ang pagka gawa ng design nito. Sa bandang kanan makikita ang malaking garden samantalang sa kaliwa naman ay ang half basketball court at sa may bandang kanan nito ang garahe-an. Malaking rest house ito.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon