CHAPTER 14 "Dinner"

361 14 1
                                    

"Naku ijah ang sarap mo talaga mag luto." Puri ni tita Marcia sa luto ko.

Nginitian ko sya.

"Salamat po tita. Nasa practice lang po kaya ganun.."

"No, I think your really into cooking. But your course is business administration right?"

"Opo tita."

"Oh by the way, speaking of that. Nabanggit na ba sayo nitong si Vince na sa company ka nila mag o-OJT?" Singit ni tito Ben.

Natigilan ako at pahapyaw na tumingin sa katapat ko. Umiwas sya ng tingin sakin.

Hindi mo sinasabi hah. Kung ayaw mo ako maka trabaho, fine. Hahanap nalang ako ng ibang company.

Umiling ako kay tito Ben.

"Oh you haven't told her Vince?" Saka bumaling Kay Vince.

"I just forgot uncle Ben." Simple nya lang na sagot.

"Okay lang po tito. Mag hahanap nalang po ako ng ibang company."

Tinignan ako ni tito at tumingin din sya kay Vince.

"No ijah. It's better if you will render your OJT in their company. It's a good background for you."

"Baka po kasi ayaw ni Vince ng baguhan sa company nya."

"I didn't say that." Matigas na sagot ni Vince.

"Hindi ko rin naman sinabi na sinabi mo." Tinitigan ko sya ng matalim.

Kung di pa tumikhim si tita Marcia ay di pa mapuputol ang matalim naming tinginan.

Napa ungol ako. Pakingtape! Nakakahiya. Umaasta kami ng ganito sa harap nitong matatanda. Dapat hindi ko sya pinapatulan.

"Are you two fighting?" Ngising tanong ni tita. Bakit sya naka ngisi?

Hindi ako sumagot. Pero si Vince ang sumagot.

"No aunty, just a little missunderstanding."

"Woah! So you two...?" Tinuro nya pa kaming dalwa na parang namamangha.

Ha? Ano daw?

"Ano po? Nagka pikunan lang po kami. Kaya medyo badtrip sya." Pilit na tawa ang pinakawalan ko.

Ano ba yan. Di ko maintindihan anong pinag sasabi nila.

Blangkong tingin ang pinukol sakin ni Vince pero di ko sya tinignan.

Tumagal ang dinner namin nang halos dalawang oras dahil narin sa kwentuhan. Hindi ko alam kung tama ba yung sense ko sa ginagawa ni tita Marcia oh napaparanoid lang ako. Wala syang ginawa kundi sabihing para kaming mag nobyo ni Vince na may LQ.

Like ano daw?

Sa pag kaka alam ko hindi ako ang tipo nyang si Vince. Oo madalas nya akong napag titripan kasi ako lang naman ang mapag titripan nya dito sa bahay nya kaya no choice sya. Kaya nga di ko rin maisip na magkaka gusto ako sa isang tulad nyang mayaman. Parang ang labo. Ito ngang pagiging magkaibigan at close namin ay medyo nakaka mangha na, yun pa kayang bagay na yun? Di ko talaga maisip. Masyado syang mataas para sakin.

"Babye po tita, tito. Sana po maulit po ito. Masaya kapag maraming kasabay kumain sa hapag." Paalam ko sa kanila.

"Sure ijah. Gusto ko ulit maka tikim ng masarap mong luto kaya babalik talaga kami." Sagot ni tita Marcia at hinila ako para mayakap.

Nag mano kaming dalawa ni Vince sa kanila bago sila tuluyang pumasok sa kanilang sasakyan.

"Salamat sa dinner Vince and Daisy." Pasigaw na sabi ni tito Ben dahil nasa loob na sya ng sasakyan.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon