CHAPTER 46 "You Miss Me?"

402 8 0
                                    


Nalilito akong umuwi sa Blue House. Sa ilang taon naming mag kakilala never nilang nabanggit na may anak pala silang babae.  Gusto ko sanang mag tanong sa kanila kanina dahil sa kalituhan pero masyado na akong paki alamero kung gagawin ko pa yun. Kaya hinayaan ko nalang na umiyak si tita sa balikat ko. Hindi ko alam kung umiiyak sya sa saya na makikita nya narin ang anak nya o umiiyak sya dahil nasasaktan syang maalala na nawala ito.

Kaya inubos ko ang natitira kong mag hapon sa pag upo sa kahoy na duyan sa garden habang ka chat si Trisha. Pinag uusapan namin ang nalalapit naming graduation. Masaya kami pareho dahil pag tapos ng apat na taon na pag hihirap ay aakyat na kami sa stage at tatanggapin ang aming deploma. Lalo na sa estado ko. Mahirap sa kagaya kong ulila at tinataguyod mag isa ang sarili. Matagal ko nang hinihintay ang araw na iyon.

Ano ba ang plano ko pag tapos kong grumaduate? Malamang ang mag hanap ng trabaho. Para saan pa nga ba ang mga pag hihirap ko simula noon? Kundi para sa pag ahon ng sarili sa kahirapan. Marami akong natutunan sa company ni Vince noong nag OJT ako doon kaya alam kong malaking tulong yun sa application ko. Pero kung gugustuhin ni Vince na doon parin ako mag tatrabaho sa kanya ay hindi ko talaga tatanggapin. Mahirap na, baka ano pa isipin ng ibang tao. Saka maganda na rin na namimiss din namin ang isa't-isa kahit papano.

Hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti nang maimagine ko ang muka ni Vince na nag aalburuto dahil hindi ako sa kanya nag babalak magtrabaho. Sa pagka possessive nya ba naman, hindi malabo yun. Umiiling ako habang naka ngiti.

Namimiss ko na yung baliw na yun. Kaya pinag kasya ko nalang ang sarili ko sa pag tingin sa mga pictures nya dito sa cell phone ko. Marami akong stolen shots nya na naka tago sa gallery ng cellphone ko para di nya makita dahil siguradong magagalit yun pag nakita nya 'to. May kuha sya dito habang parang batang natutulog naka yakap sa unan. Yung kumakain sya ng agahan habang naka busangot dahil badtrip sya sakin. Maski yung biglaan nyang pag harap sakin habang nag lalakad kami sa mall. Hindi nya alam ang mga 'to. Hindi nya alam na may talent ako sa pag kuha ng mga stolen shots.

Pag scroll ko ng screen ay bumungad sakin ang basang Vince na may hawak na malaking sponge. Nag lilinis sya ng sasakyan nya sa picture na 'to. Naka side view sya habang seryoso sa ginagawa. Bumaba ang tingin ko sa basa nyang dibdib. Bakat na bakat ito sa basa nyang manipis na sandong puti. Napa kagat ako ng labi nang mapansin ang abs nya. Dati naman di ako apektado sa abs nya. Bakit ang hirap ibalik ng ganun. Dati kahit mag hubad sya sa harap ko tinatawanan ko lang sya. Pero ngayon, kahit naabutan ko lang sya na naka top less sa kwarto nya iba na agad ang nararamdaman ko. Kasalanan 'to lahat ni Trisha eh. Hinawaan nya ako ng kahalayan ng utak nya.

Ang huling dalawang picture ay ang naka talikod sya habang nag huhugas sa sink. Natawa ako nang makita na may naka tali na pink na lubid sa likod nya. Nang matitigan ko nang mabuti ay narealize ko na ay apron ko pala yun. Wala talagang katumbas lahat ng mga ito. Ako bilang nasa tabi lagi ng taong tinitingala at the same time iniiwasan ng ibang tao dahil sa achievements at kasungitan nya at ako na nasasaksihan lahat ng moods swings nya. Yung makita mo yung iba nyang side na hindi nakikita ng ibang tao, nakaka proud lang. Nagagawa nyang ipakita sakin ang hindi nya napapa kita sa iba.  Kaya kung may mang huhusga man sa kanya? Ako ang unang tao na tatayo para sa kanya. Lalo na sa panahon ngayon, madali ang mang husga nang walang batayan. Basta para sakin, si Vince ay mabuti, maalaga, mapag mahal at pinaka possessive na taong nakilala ko.

At ang huli ay ang masaya nyang pag tawa. Naka nganga pa sya habang naka pikit. Pero kahit ganun hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nya. Nasan na ba ang hustisya sa lalakeng 'to? Hindi ko alam kung ano ang joke ko bakit ganito ang tawa nya. Pero isa 'to sa kinaki proud ko. Dahil ako lang ang nakakapag pahalakhak sa kanya ng ganito. Yung hindi sya nag pipigil. Nasa veranda kami sa picture na 'to. Kita pa ang papalubog na araw. Ang sarap ipa frame nitong picture na 'to.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon