CHAPTER 36 "Can I Tell You A Story?"

314 11 0
                                    

Kakalabas ko lang ng bar nang may humatak sakin. Akala ko si Mark o si Xave pero iba ang humihila sakin.

Dinala nya ako sa mga naka park na sasakyan. Nang marating namin kung saan naka park ang sasakyan nya ay agad nya itong pinatunog at binuksan ang passenger seat para sakin. Pero di ako pumasok. Winaksi ko ang kamay nya sa braso ko saka ko sya hinarap.

Nag bibilang ako ng isa hanggang sampu. Nag iisip ng mga sasabihin sa kanya. Habang sya ay naka titig sakin. Pero ayaw bumuka ng bibig ko.

"Get in now. We'll go home." Walang emosyon nyang sabi.

"Sa Antipolo ako uuwi."

"It's already midnight to travel that long."

"Hindi ko naman hiniling na ihatid mo ako ah. Kaya kong mag commute." Matigas kong sabi.

"Do you think I will allow you to do that?" Strikto ang pagka sabi nya nito.

Pagak akong napa tawa saka pinag krus ang mga braso.

"So the strict and possessive friend is back?" Bakas ang pagiging sarcastic sa tono ko. Ewan ko nalang kung di nya pa mapansin yun. "Kumusta naman yung isang buwan na pang dedeadma mo sakin?"

Napa yuko sya saka pinisil ang taas ng ilong nya na parang sumasakit ang ulo nya dahil sakin.

"Let's not talk about that here. Let's just go home."

Tumingin ako sa paligid. Maraming mga taong dumadaan. Tama ngang wag kaming mag away dito. Another scene na naman pag nagkataon. Kaya walang sabi-sabi akong pumasok sa loob ng sasakyan nya. Agad naman syang sumunod. At agad na pinaandar ito.

Walang pansinan sa byahe. Hindi sya nag attempt na mag salita. Mukang seryoso sya na sa unit na kami mag usap. Kaya nag paka busy nalang ako sa cell phone ko. Pinost ko yung picture namin ni Jayson Dee.

CAPTURING:
      @TrishaBartolome Look who's with me :P

Wala pang ilang minuto ay tinadtad na ako ng notifications. Mga likes at comments. Ang bruhang Trisha naman ay di pa nakontento sa comment, talagang nag message pa sakin sa messenger at nag text. Iba talaga pag usapang crush na. Matinde!

Naaliw ako sa pag pifacebook. Di ko na na namalayan na naka rating na pala kami sa parking lot ng building ng condo. Pag hinto ng sasakyan ay agad akong nag tanggal ng seat belt saka mabilis na lumabas ng sasakyan. Hindi ko na sya hinintay pa. Mabilis akong naka pasok ng elevator. Mabuti nalang nag sara ito at wala pa sya. Natagalan siguro sa pag park. Pag pasok sa unit ay dumerecho ako sa kwarto ko at padapang humiga sa kama. Gusto ko nang matulog. Mas lalong umepekto ang alak. Ang sarap nang matulog.

Papikit na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Isang seryosong Vince ang pumasok as usual.

"Let's talk."

"Go ahead." Sagot ko lang pero hindi kumikilos.

"Sit."

Nyemas 'to. Maka utos kala mo aso ako.

"Mag salita ka na. Ayaw kong bumangon. Nahihilo ako." Maktol ko.

"Then who told you to drink?" Naka taas na ang kilay nya.

"Ako. Bakit?" Asik ko naman sa kanya. "Teka nga. Bakit back to 'Strict and possessive friend' ka ngayon? Akala ko ba wala na tayong paki alamanan. Di ba nga ayaw mong pinapaki alaman kita, kaya dapat wag mo din ako paki alaman."

Umiwas sya ng tingin sakin. "A-about that... I'm sorry."

Ha! Sorry?

Marahas akong napa upo sa sagot nya.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon