CHAPTER 16 "You're stuck with me"

333 16 1
                                    

Nang mahimasmasan na ako ay nag drive na ulit sya. Tinignan ko sya habang nag dadrive. Kahit madalas nya akong mabwisit alam ko namang concern sya sakin. Parang nasasanay na nga ako sa pagiging sweet nya minsan sakin. Palihim nalang akong napa ngiti.

Ibinaling ko ang tingin ko sa  dalawang malaki na paperbag ng pagkain na naka patong sa back sit.

"Ang dami nung binili mo, pano natin mauubos yan?"

Nilingon nya ako. Chinicheck siguro kung umiiyak pa ako.

"I don't know." Kibit balikat nya. "I just bought all of that so you can go home."

Napa iling nalang ako. Mautak talaga.

Bigla akong may naisip.

"Alam ko na!"

-------------------



"It's ten in the evening and this kids are still here?" Manghang tanong sakin ni Vince habang naka tingin sa mga batang nilalantakan ang binigay naming pagkain sa kanila.

"Karamihan sa kanila wala nang mga magulang. Ang iba naman ay lumalayas dahil sinasaktan."

Seryoso nyang pinag mamasdan ang mga bata.

"Where are they sleeping?"

Tumingin ako sa paligid na maraming naka latag na karton sa bawat gilid ng bench.

"Tingin ko dito lang din sila natutulog."

Napa ngiwi sya sa sagot ko.

Hindi rin kami nag tagal sa park at umuwi nadin kami.

"Mag bihis ka muna habang hinahanda ko 'tong pagkain." Utos ko sa kanya. Naaalibadbaran kasi ako sa suite and tie nyang suot. Nag susumigaw ang pagiging presidente nya. Nag mumuka tuloy akong katulong.

"Hmm okay." Saka sya umakyat sa hagdan.

Habang nag hihintay sa pag baba nya ay naki pag chat muna ako kay Trisha.

Trisha: Bukas na start ng OJT mo?

Daisy: Oo.

Trisha: Ang aga naman ata?

Daisy: Ewan ko dito kay Vince, ang atat.

Trisha: Asus...baka excited lang sya na makasama ka.

Napa irap ako sa sagot nya. Mapang intriga talaga 'tong babaeng 'to.

Daisy: Ewan ko sayo! Kakain na kami.

Trisha: Haha asar talo ka na naman :D

Hindi ko na sya nireplyan dahil sakto ding dating ni Vince na naka sandong itim at short.

Tumingin muna sya sa hawak kong cellphone saka umupo. Agad kong tinago ang phone ko sa bulsa.

"Bakit ka pala napa uwi ng maaga?" Pag uumpisa ko sa usapan.

Sumusubo na sya ng spaghetti ngayon. Inubos nya muna ang nasa bibig nya bago sumagot.

"I just miss you." Simple nyang sagot kaya nabulunan ako.

Agad syang tumayo at inabutan ako ng isang baso ng tubig at hinagod ang aking likod.

"Are you okay?" Nag aalala nyang tanong.

Parang bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

Hinagod-hagod ko ang aking dibdib bago sumagot. Tinignan ko sya ng masama. "Wag ka kasing nang gugulat ng ganun. Pa miss you- miss you ka pa dyan."

Tinaasan nya ako ng kilay.

"We're friends so it's normal that we miss each other."

Napa ngiwi ako. "Hindi naman kaya kita namiss. Akala ko makaka pahinga ako ng isang buwan sa pambibwisit at kasungitan mo."

Nakita kong sumeryoso ang muka nya. Bumalik sya sa upuan nya at tahimik na kumain.

Napikon ba sya? Patay.

Naguilty naman tuloy ako.

"Pssst! Oy!" Tawag ko sa kanya. Pero di man lang nya ako nililingon. Nagalit ata.

"Oy Vince, problema mo?" Pangungulit ko sa kanya.

Nag angat sya ng tingin sakin gamit ang kanyang seryosong mata kaya napa tigil ako. Tinignan ko ng maigi ang kanyang malalim na mata. Tinaasan nya ako ng kilay.

Tamo 'to, mag seseryoso tapos mag susungit. Inirapan ko nalang sya. Ang gulo nya eh.

"Hay naku Vicente, tigilan mo ako sa kasungitan mo ah." Tumayo na ako at binitbit ang pinggang pinag kainan ko.

"Who's Vicente?" Seryoso nyang tanong.

Hindi ko mapigilang hindi matawa. Itong taong 'to, naturingang mayaman at matalino, tanga-tanga naman sa logic. Haay ewan!

"Secret!" Nag belat ako sa kanya saka tumalikod at dumerecho sa kusina.

Humaglpak na ako ng tawa pag dating ko sakusina. Simpleng kwela din ang isang yun eh.

Naka nganga pa ako habang tumatawa nang bigla syang sumulpot sa harap ko.

"Is there anything funny about me? Huh?"

Nag angat ako ng tingin at seryoso ang muka nya. Kaya napa hinto ako sa pag tawa. Tumayo ako ng maayos saka umiling.

"Wala."

"Then why are you laughing to death?"

"A-ano kasi, nag joke yung best friend kong si Trisha sa chat. Kaya a-ano, kaya tumatawa ako. Oo ganun." Pag papalusot ko.

"Well stop being crazy because you will start your OJT tomorrow. I need a serious employee."

Napa busangot ako.

"Grabi ka sakin no. Parehas lang naman tayong baliw, maka baliw ka sakin kala mo eh mas malala ka pa nga sakin." Inungusan ko sya.

"Prepare your things we will leave at three a.m. tomorrow so take a rest."

Alas tres? Ang aga ah.

Bigla akong may naalala.

"Teka, sa Makati pa yung company mo diba? Paano yan, mag uuwian ako dito?"

"No, you will stay at my condo."

"Ah okay. Pero ibig sabihin nun, magkasama na nga tayo sa trabaho pati ba naman sa bahay? Kawawa naman ako."

"So you don't want to be with me?" Sarcastic nyang tanong.

"Bakit may choice pa ba ako?"

Nag smirk sya. Nakaka takot.

"Yeah. You don't have any choice. You're stuck with me."

Nanlaki ang mata ko.

"Sinusumpa mo ba ako?" Feeling ko kasi sinusumpa nya ako sa way ng pagkakasabi nya.

     Ngumisi sya at tumalikod sakin. "Yeah."

Grabe sya!

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon