CHAPTER 43 "I Will Hold Onto Your Words"

341 12 0
                                    

Masaya akong humiga sa kama saka kinuha ang unan at niyakap ito ng mahigpit. Sobrang saya ko ngayong gabi. Hindi ako maka paniwala.

Mahal nya rin ako!

Hindi pa man ako tapos sa kilig moment ko ay nandyan na agad ang source nito. Prenteng naka tayo sa hamba ng naka bukas kong pinto. At naka kunot ang noo na parang may gustong sabihin.

Tinignan ko sya.

"Tulog na Vince." Utos ko sa kanya dahil mukang may balak pa syang kulitin ako gayong madaling araw na.

Napa upo ako nang nag lakad sya palapit sa kama at umupo din dito. Seryoso ang muka.

"I don't want to be clingy but..." Kita ko ang hesitation sa kanya. Pero gusto kong matawa sa sinabi nya. Ayaw nya daw ng clingy pero naka limutan nya na clingy naman talaga sya simula pa noon.

"Can I sleep here?" Muka na syang nag mamaka awa ngayon.

Gusto kong kiligin pero tinatagan ko ang sarili ko. Masyado syang clingy at madalas kaming mag kasama kaya dapat ako ang nag cocontrol. Hindi na kami gaya ng dati na walang malisya ang pag tulog sa isang higaan. Iba na ngayon. Kaya kaylangan kong mag ingat. Kahit gaano ko ka gusto na mayakap sya sa pag tulog dapat ako ang mag control. Lalo pa at ako ang babae. Ayaw ko din na may ibang masabi ang ibang tao.

Humalukipkip ako at umiling saka tinignan sya ng masama.

Lalong kumunot ang noo nya.

"Why?" Desperado nya nang tanong.

"Hindi na lang tayo mag kaibigan ngayon na walang malisya kapag matutulog tayo sa iisang kama gaya ng dati."

"But we will not do anything."

Bigla akong namula sa sinabi nya. Hindi naman yun yung ibig kong sabihin.

"Alam k-ko, pero gawin natin ang dapat gawin. Sleeping together is just for couples. Okay?" Para naman akong nag papaliwanag sa bata nito.

"Then answer me now right away so we will be couples then we can sleep together."

Gusto kong matawa sa pambata nyang sushestyon. Pero pinigilan ko ang matawa. Hindi magiging effective ang pag tataray ko pag nag kataon.

"Haaaay! Ang kulit mo po." Saka ako tumayo at hinila sya palabas ng kwarto ko.

"Where are we going?"

"Papatulugin ka." Saka kami pumasok sa kwarto nya. Umupo sya sa kama nya pero hindi humiga samantalang ako ay naka tayo at hinihintay syang humiga na.

"Higa na po mister president."

Bumusangot sya saka padabog na humiga. Parang bata talaga 'to pag kami lang dalawa. Tapos yung mga empleyado nya grabi kung matakot sa kanya. Di nila alam isip bata 'tong boss nila.

"I want to regret now that I confessed to you. I didn't know that you are too conservative. I thought you're not 'coz I can sleep beside you whenever I want before." Pag aalburuto nya habang inaayos ang unan sa ulunan nya.

"So nag sisisi ka na? Pwede mo namang bawiin." Hamon ko sa kanya pero ang totoo ay kinakabahan ako na baka bawiin nga nya. Nababaliw na nga ata ako.

"No way!" Saka nya ako tinalikuran.

Napa iling nalang ako. Nakakainis na nakaka tuwa sya. Ngumiti nalang ako saka lumapit sa kanya at yumuko. Kinintilan ko sya ng isang halik sa may sintido nya.

"Good night Vince." Bulong ko saka tumalikod.

Pero di pa ako nakaka hakbang ay nahawakan nya na ang kamay ko. Nilingon ko sya. Nag susumamo ang kanyang mga mata. Hinila nya ito kaya umupo ako sa kama nya. Hinaplos nya ang takas kong buhok sa aking muka at isinukbit ito sa likod ng aking tenga.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon