CHAPTER 41 "No.Stay."

306 13 0
                                    

Malakas ang tugtog sa buong bar at masayang nag sasayaw ang mga tao sa dance floor. Dumagdag pa sa ingay ang mga taong pilit nag uusap sa kabila ng malakas na musika. At narito ako naka upo, tulala sa hawak kong shot glass.

Sobrang nag pasasalamat ako kay Mark na tinext nya ako kanina. Ayaw kong masaksihan ang pag amin ng taong mahal ko sa taong gusto nya. Kanina nung paalis ako ng Blue House ay narinig kong kumakaluskos ang mga kubyertos sa may terrace. So dun pala nag set up ng table si Vince para sa dinner nila ng liligawan nya. Kaya di na rin ako nag aksayang mag paalam sa kanya. Dahil pag nakita ko kung gaano kalaki ang lamang nung babae sa akin, baka di ko kayanin.

Alam mo yung tipong maipapa mukha sayo kung anong meron sa kanya na wala sayo.

"Huy, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." Siniko ako ng mahina ni Mark na katabi ko sa sofa.

Nandito kami ngayon sa parehas na resto-bar na pinag kantahan ng banda ni Jayson.

Tumango ako saka pilit nag bigay ng maayos na ngiti.

"Sigurado ka bang nag paalam ka kay mr. president?" Nag dududang tanong ni Cyrus.

Actually narito ang mga kaibigan ni Vince at sya lang ang wala dahil busy sya sa pang liligaw.

"Busy sya kaya di na ako nag paalam."

"Sabi ko na nga ba eh. Kasi kung nag paalam ka, wala ka dito ngayon dahil di ka 'non papayagan." Dagdag pa nya.

Pagak akong ngumiti.

"Pwede ko naman sigurong gawin ang gusto ko ng walang approval nya. Hindi nya naman ako girlfriend para pag bawalan." Gusto ko sanang itago ang pait sa tono ko pero kusa itong lumabas.

Natahimik silang lahat at ramdam ko ang tingin nila sakin. Alam kong na sesense na nilang lahat na may problema.

Kaya para iwas awkward ay kumuha muli ako ng isang shot glass sa center table. Agad ko itong nilapit sa bibig ko para tunggain pero di ko naituloy dahil may pumigil sa kamay ko at agad itong kinuha sa akin.

Bago pa ako makapag react ay hinila na ako nito patayo. Dahil sa biglaang pag tayo ay bumangon ang hilo sa sistema ko. Hindi ko man lingunin kung sino ito, amoy palang ng pabango na nalanghap ko at sa reaksyon palang ng mga nasa harap ko ay alam ko na kung sino ito.

Mapakla akong natawa.

"Nandito na pala sundo ko guys." Pag bibiro ko.

Pero walang natawa sa biro ko.

"Who asked her to go here?" Buo at matalim nyang tanong sa mga kaibigan nya.

Agad kong tinignan si Mark. Nag aalala.

"Ako lang ang pumunta dito." Inunahan ko na si Mark. Ayaw ko syang mapahamak.

"I'm not asking you." Matigas nyang baling sakin. Napa irap nalang ako dahil heto nanaman sya, para kong tatay kung magalit. Para syang tatay na natakasan ng anak para lang makapag bar.

"It's me." Biglang pag amin ni Mark. Wala syang reaksyon na parang handa sya sa kung ano mang sabihin o gawin ni Vince sa kanya.

"And who told you that she can go here?" Ramdam ko ang galit sa tono ng katabi ko. Kaya bigla akong kinabahan. Idagdag pa na umaalon ang paningin ko kaya bahagya akong humawak sa sandalan ng sofa.

"Coz I think she needs too." Matapang namang sagot ni Mark.

Naramdaman ko ang pag igting ng mga ugat ni Vince sa braso na naka hawak sakin.

"Then now I tell you she don't need to. And there's no next time."

Bigla akong nainis sa sinabi nya na kung makapag salita sya ay parang pag mamay ari nya ako.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon