CHAPTER 42 "I Want To Court You"

355 11 0
                                    

"Inaantok na ako eh."Alibi ko.

"You just woke up." Seryoso nyang sagot na nag dagdag sa pagka pahiya ko. Oo nga naman, kakagising ko lang.

Wala na akong nagawa. Kinakabahan man ay nag lakad na ako palapit sa kanya. Tumabi ako sa kanya pero nag bigay ng sapat na distansya. Humawak ako sa bakal na railings at agad kong naramdaman ang lamig mula dito. Dinirecho ko ang tingin ko sa kumikislap na mga ilaw sa malayo, iniiwasan syang tignan. Namiss ko ang magandang tanawin na makikita mula rito.

"Why you are too far?"

Napa baling ako sa kanya saka napa tingin sa pagitan na ginawa ko. Kinunutan ko sya ng noo.

"Hindi nam-" Hindi pa man ako tapos sumagot ay hinila nya na ako palapit sa kanya. Akala ko itatabi nya lang ako sa kanya pero laking gulat ko nang pumunta sya sa likod ko at kinulong ako gamit ang dalawa nyang braso na naka hawak sa railings.

Halos hindi na ako maka hinga sa pwesto namin. Kung dati ginagawa nya 'to at hindi ako apektado, ngayon iba na. Makita ko pa ngalang sya ay parang gusto nang lumabas ng puso ko sa lakas ng pag tibok nito.

"This close. So you can't escape from me again." Bulong nya sa tenga ko.

Bigla nalang akong nanigas sa ginawa nya. Kaya bahagya kong iniwas ang ulo ko.

"You can't text with Mark again."

Hindi ko mapigilang hindi mainis sa sinabi nya. Sasagot sana ako pero napakapit ako ng mahigpit sa railings ng maramdaman ang matangos nyang ilong sa leeg ko.

"I really hate the feeling of being jealous." Bulong lang ang pagka sabi nya nito pero rinig na rinig ko.

Napa ngiti ako ng mapakla.

Buti pa sya pwedeng mag selos. Pero ako wala akong karapatang mag selos. Ganyan naman sya ever since kaya hindi ko nalang bibigyan ng meaning yun. Baka umasa pa ako. Tama na sakin ang kaalamang hindi sya para sakin.

"And I hate you for wasting my effort." Ngayon di ko na alam kung ano ang sinasabi nya.

"I cooked for us to have a dinner and follow your advice. "Anong sinasabi nya?

"To take her on a date and ask her if I can court her." Kaya nga umalis nalang ako para di ako maka distorbo. Pinag sasabi nya ba?

"But how can I do it if you left without saying a word?" Bakit, kaylangan ba talaga na nandito ako para maging saksi sa pag amin nya?

"You went home with gloomy mood. I thought you will be happy that I cooked for us. Then you said that you are just tired. So I let you rest. I can't force you so I just clean up the dinner I setted up here." Nakaramdam ako ng kaba nang marealize kung saan patungo ang sinasabi nya.

"But it freaked me out when I haven't found you in your room even in the whole house. You really like making me crazy whenever you slip from my sight." Bahagya pa syang natawa sa huli nyang sinabi samantlang ako ay ready nang tumalon ang puso ko sa tuwa sa konklusyong nabubuo sa utak ko ngayon.

Nahigit ko ang aking hininga nang ipulupot nya ang matitigas nyang braso sa tyan ko at mas lalo akong idiin sa dibdib nya.

"That month that I'm avoiding you is like a hell for me. I miss your laugh. I miss hugging and cuddling with you. I miss our cat fight. And this fucking jealousy is killing me every time I saw you with that guy. I just really need to buy time to think and sort out my feelings for you." Dun palang sa sentence na yun ay nakumpirma ko na. Gusto kong tumalon sa saya pero di ako maka galaw dahil gusto ko ang posisyon namin.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon