CHAPTER 34 "Jayson Dee"

319 9 0
                                    

Have I been in love?

Na in love na nga ba ako?

Naalala ko si Jayson. In love ba ako sa kanya? Paano ba ang feeling ng in love? Nararamdaman ko ba sa kanya?

Hindi ko alam ang sagot sa sarili kong mga tanong.

Hilaw akong ngumiti saka umiling.

Tumango sya bilang pag tanggap sa sagot ko.

Malapit nang matapos ang intro. Sumenyas sya na ako daw ang kakanta noong unang stanza. Muka syang mabait madaling paki samahan base na rin sa kung paano sya maki tungo sakin. O baka dahil sanay na sya sa mga ganitong eksena since ito ang trabaho nya. Entertainment.

"There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like I do"

Napa sulyap ako kay Vince. Natagpuan ko ang mata nya na naka dapo sakin. Pinapanood nya ako. Seryoso ang muka. Nasa leeg nya narin ngayon ang kanina nyang suot na head phone.

Gusto ko syang maka usap. Gusto kong bumalik na kami sa dati.

"You have no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile"

Gusto ko syang ngitian gaya nang ngiti na binibigay ko sa kanya kapag nag papacute ako at nag papaawa sa kanya sa tuwing may hinihiling ako sa kanya.

Hindi sya bumitaw sa tinginan namin. Pero di ko mabasa kung anong reaction nya ngayon. Gusto kong malaman kung anong nasa isip nya. Kung bakit sya ganito sakin. Akala ko ba kami ang nasa likod ng isa't-isa palagi? Pero bakit parang feeling ko iniwan nya ako sa ere.

"With just one glimpse of you

You don't have to search no more

Cause I am someone who will love you for sure so..."

Sinabayan ako ni Jayson Sa chorus. Napa pikit ako dahil sa huling linya bago mag chorus. I am someone who will love him for sure? Mahal ko naman sya ah. Mahal ko sya bilang isang matalik na kaibigan. Magiging ganito ba ako ka apektado kung hindi? Handa akong manatili sa tabi nya. Maging sandalan kung kaylangan nya.

"If we fall in love

Maybe we'll sing this song as one"

Pero paano kung ma in love kami? Eh paano kung ako lang ma fall? Anong mang yayari? At possible ba yun?

"If we fall in love

We can write a better song than this

If we fall in love

We will have this melody in our heads

If we fall in love

Anywhere with you would be a better place"

Pag dilat ko ay ang mata nya ang sumalubong sakin. May nababasa akong kung ano sa mga mata nya. Takot. Nag susumamo.

Nag palakpakan ang lahat nang matapos ang aming kanta.

Nag pasalamat ako sa buong banda saka bumalik sa upuan namin. May mga lalake pa na bumati sakin di kalayuan sa pwesto namin nang dumaan ako sa banda nila. May matangkad na lalake na nakipag shake hands pa sakin. Hindi ko sana papansinin kaya lang ayaw ko naman mag maldita. Ano? Kagandahan? Hahaha.

Naabutan ko si Vince na nakatayo at matalim ang tingin sa kung saan na parang ready to fight nang marating ko ang sofa kung saan kami naka pwesto. Hindi ko sya pinansin at umupo nalang. Kasunod din nang pag upo nya sa tabi ko.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon