CHAPTER 31 "Make Me Yours"

341 9 0
                                    

"Vince, tara lunch?" Ulo ko lang ang naka dungaw sa medyo naka bukas na pinto ng kanyang office.

Tumingin lang sya sakin saglit at ibinalik muli ang tingin sa papel na kanyang pinipirmahan.

Napawi ang ngiti ko sa ginawa nya. Ang pangit ko ba masyado at bakit hindi nya na ako matignan ng matagal gaya noon?

Siguro napansin nya na hindi ako aalis hanggat di sya sumasagot kaya nag salita na ito.

"My lunch is on its way now." Tipid nitong sagot.

Napa nguso ako, nag iisip ng bagong alibi para maka sama sya mag lunch. May bigla akong naisip kaya binalik ko ang aking ngiti.

"Eh kung bibili ako ng pagkain ko sa baba then sabay tayo kumain dito sa office mo?" Dagdag suhestyon ko.

Nag hintay pa ako ng ilang segundo bago sya sumagot.

Tinitigan nya ako na nag papakita na nakukulitan na sya sakin.

"Just go ahead and take your own lunch. I want to eat peacefully." Walang gana nyang sabi.

Samantalang ako ay napa lunok at naibaba ang tingin sa carpeted na sahig ng kanyang office. Hindi ko alam kung ilang karayom ang tumusok sakin. Na naging manhid na ako sa lahat ng pag iwas at pag taboy nya sakin.

Nag simula ito noong gabing sinundo ko sya sa bar. Then after that night, nag simula na syang mag bago sakin. Ni hindi ko alam kung anong dahilan at wala din akong chance na itanong sa kanya iyon dahil lagi syang umiiwas sakin. Utang na loob ko na siguro na sinasabay nya parin ako pag pasok sa office maging sa pag uwi. Isa syang malaking question mark sa buhay ko ngayon.

Napapagod na akong mag effort na bumalik kami sa dati. Dahil kada effort ko lagi nya nalang nirereject, kagaya nalang ngayon.

Nang hihina kong hinawakan ang gintong doorknob.

"Okay." Mahina kong tugon. Ni hindi nya manlang ako tinapunan ng kahit isang tingin hanggang sa naisara ko na nang tuluyan ang pinto ng kanyang office. Nang hihina akong napa sandal sa pinto. Gusto ko nang sumuko. Napapagod na ako sa kakasuyo sa kanya. At ang nakaka bwisit sa part ko eh di ko alam kung bakit ba sya nag kakaganyan.

Isang buwan na. Miss ko na sya. Miss ko na yung dating Vince.

Bumuntong hininga nalang ako para hindi tumulo ang nag babadyang luha. Ayaw kong mag lakad papuntang cafeteria na umiiyak. Nakaka hiya yun.

Tahimik akong kumakain. Pilit nilulunok ang kanin na may sabaw. May sabaw na yung ulam ko pero hirap parin akong lumunok dahil sa naiisip ko. Baka nagalit sya sa pagiging paki alamera ko?

Baka na cross ko na yung line ng privacy nya? Baka kaya hindi sya nag gigirlfriend kasi ayaw nya nang may sumisita sa kanya tapos ito ako nangingialam sa buhay nya?

Napa hilamos ako nang muka sa naiisip. Na fufrustrate talaga ako!

Kinuha ko ang kutsara saka pinang gigilang kagatin. Bwisit sya! Ako na nga nag alala sa kanya, sya pa ang galit. Nakaka inis talaga ang bipolar na yun!

"Dey, okay ka lang?"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya agad akong nag angat nang tingin. Isang mas nag matured na Jayson ang nasa harap ko ngayon. Visible ang kanyang balbas at begote pero hindi ito naka bawas sa kagwapuhan nya. Dahan-dahan kong tinanggal ang kutsara sa bibig ko saka sya nginitian para bumawi sa pagkapahiya na nakita nya akong pinang gigigilan ang kutsara.

"Hi Jay. L-long time no see." Awkward kong sagot.

Ngumiti sya bago inukupa ang tapat ng upuan ko na tila handa sya sa mahabang kwentuhan. Namiss ko din ang lalakeng 'to ah. At least ngayon may mag bibigay liwanag sa madilim kong mundo. Yayks! Drama.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon