CHAPTER 27 "He Is Possessive With What He Thinks He Own"

356 11 0
                                    

Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Maayos naman ang pagtatrabaho namin ni Vince ng magkasama. Hanggat maaari professional kami kapag nasa office. Uutusan nya ako kung ano ang mga dapat gawin tapos susundin ko kung anong sasabihin nya.

Pero di parin maiwasan ang bangayan at asaran namin. Paano si Vince, laging may way para inisin ako. Alam nyang hindi ako makaka banat pabalik kapag pinipikon nya ako sa mga meetings at kaharap namin ang mga investors kaya talagang gumaganti ako kapag nasa loob na kami ng office nya o kaya kapag naka uwi na kami sa condo nya.

Ang mas masaklap ay may dumagdag sa kalbaryo ko. Si Sir Aaron. Dumagdag kay Vince sa pang bubwisit sakin. Wala akong magawa dahil madalas syang kasama ni Vince sa mga meetings. Gaya nalang ngayon.

Busy ako sa pag kuha ng picture nang isang malawak na lupain dito sa Batangas. Nandito kami para i-check yung area kung saan itatayo ang bagong branch ng shoe factory ng kompanya nila Vince. Dahil hands on ang presedent nyo kaya talagang bumyahe pa talaga kami dito just to check the area.

Kasalukuyan silang nag uusap ni Sir Aaron sa di kalayuan. Nag didiscuss ata kung anong magandang idagdag sa plano para sa factory.

Itong mga mayayaman na 'to takot mabawasan ang mga bilyones kaya dapat sure ang mga itatayong negosyo. Mga sigurista.

Business nga naman.

Nag paka busy nalang ako sa pag kuha ng litrato at talagang nag eenjoy ako sa pag gamit ng DLSR ni Vince.

"Let's go. We'll catch our late lunch." Nasa tabi ko na pala si Vince.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang ala una na pala ng hapon. Isinukbit ko sa aking leeg ang camera at sumunod narin kila Vince at Sir Aaron na mag lakad.

Naunang maka pasok sa loob ng kanyang sasakyan si Vince habang si Sir Aaron naman ay papalapit din sa Everest nya. Paikot na ako sa passenger seat ng sasakyan ni Vince nang bigla akong hablutin sa braso ni Sir Aaron at hinila papalapit sa sasakyan nya. At mukang di yon napansin ni Vince dahil hindi pa sya lumalabas ng sasakyan nya hanggang sa tuluyan na akong naipasok ni Sir Aaron sa sasakyan.

Agad ko syang tinignan ng masama. "Hoy Sir Aaron ayusin mo ha. Kung ano mang binabalak mo sakin binabalaan na kita, masakit ako manuntok. Walang boss-boss sakin."

     Pero tinawanan nya lang ako habang nag kakabit sya ng seat belt nya.

"Just go with the flow. Gusto ko lang maka ganti sa ugok na yan nung last time pinahiya ako sa harap ng pinopormahan ko." Paliwanag nya.

"Oh eh ano namang kinalaman ko dyan sa pag hihiganti mo?"

"Basta. Just watch out and enjoy the play." Sabay kindat pa.

"Naku talaga Sir Aaron, wag mo ko daanin sa pakindat kindat mo. Pag yan di pumirma sa OJT papers ko sasakalin talaga kita." Muli kong banta habang naka halukipkip na.

"Hindi yan. Ikaw pa! Malakas ka sa boss mo."

Napa ayos ako ng upo nang makita ko si Vince na lumabas ng driver seat at luminga linga sa paligid. Tumingin sya dito sa dereksyon namin pero dahil heavy tinted ang sasakyan nitong katabi ko ay malamang hindi nya nakita na nandito ako.

Pinaandar na nya ang sasakyan at hininto sa tapat ni Vince. Sadyang naka bukas ang bintana sa driver seat kaya dumungaw si Aaron.

"Hey dude, looking for someone?" Pag mamaang maangan nitong si Aaron.

"Yeah. Have you seen Daisy?" Bakas sa boses ni Vince ang pag aalala. Bigla tuloy akong naguilty na sumang ayon ako sa kagaguhan nitong isa.

Pero nagulat ako nang sumandal sa driver seat si Aaron na dahilan upang mag tagpo ang mga mata namin ni Vince. Agad kong nakita ang pag igting ng kanyang panga at pag kunot ng kanyang noo.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon