CHAPTER 32 "Sadya"

307 9 0
                                    

Gaya nang napag usapan ay sa lobby kami nag kita ni Jayson. Like the usual nag motor kami papunta sa pinaka malapit na mall. Napag pasyahan naming manuod muna nang sine. Tutok na tutok ako sa panunuod ng action Hollywood movie na pinili namin. Hindi kami pumili nang romance kasi awkward. Yan ang suhestyon naming pareho. Habang ako tutok na tutok sa panunuod sa palabas sya naman ay tutok na tutok sa panunood sa muka ko.

"Ganda ko no?" Pang huhuli ko sa kanya.

Pero imbes na tumanggi ay sumang ayon pa.

"Sobra." Naki ngiti nyang sagot.

"Tsss. Bola." Sagot ko sabay irap.

"Bakit hindi na lang ba medyo yung kilig mo ngayon?" Nag uumpisa nanaman sya.

"Hmmmm....oo, seventy five percent na."

"Wow! Ang bagal naman nang progress nyan."

Hindi namin mapigilang hindi matawa sa mga kalokohan namin.

Alas syete y media na natapos ang palabas kaya nag pasya na kaming kumain. At dahil parehas na naming miss ang fast food chain na pinag trabahuan namin noon, doon na kami kumain. Para kaming mga bata na tuwang tuwa na naka kain ng spaghetti at fried chicken. Inubos namin ang oras sa pag kain at kwentuhan. Saktong alas otso y media nang bumaba ako sa motor ni Jayson. Nandito na kami ngayon sa tapat ng building ng condo unit ni Vince.

"Salamat sa pag hatid Jay." Taos puso kong pasasalamat sa kanya. Kahit papano na aliw ako at nawala ang problema sa isip ko.

"No problem Dais. Basta ikaw. At sana maulit pa 'to."

"Oo naman bakit hindi."

"I'm looking forward for that."

"Wag ka ngang um-english. Di ako sanay."

Tumaas ang kanyang kilay. "Bakit, ang boss mo lang ba ang pwedeng mag english?"

"Oy, maka 'boss mo' ka dyan parang di mo din boss yun ah." Pang iintriga ko sa kanya.

"Lagi kasing hadlang yun sa atin. Kapag lalapit ako sayo bigla syang gagawa nang way para hindi mo ko mapansin."

"Ay seryoso yan?" Gulat kong tanong. Nagtataka.

"May gusto ba yun sayo?"

Gusto kong matawa ng malakas sa biro ni Jayson but realization hits me. Posible kayang may gusto nga sakin si Vince kaya sya umiiwas sakin ngayon dahil hindi nya matanggap na nagka gusto sya sa tulad ko? Parang nakaka inis ata ang realization na yun ah. Kaya dinaan ko nalang sa tawa ang sagot ko kay Jayson.

"Patawa ka talaga Jay no. Hindi ako ang tipo nya at mas lalong hindi sya ang tipo ko. Kaya Malabo yun." Paninigurado ko sa kanya na mas paninigurado ko sa sarili ko.

Pero nag taka ako nang biglang ngumiti ang kaharap ko.

"So ang ibig sabihin mo ba dyan eh 'ako ' ang tipo mo?"

Hindi ko na napiglan ang tawa ko. Ibang klase din talaga 'to.

"Naks marunong ka na bumanat nang ganyan ha. Ganyan ba kahangin ang Singapore at nadala mo hanggang dito?"

"Aray ko naman. Ginagawa ko lang na hundred percent na yung kilig mo sakin this day."

"Hahaha yun ba. Don't worry eighty nine percent na." Balita ko sa kanya habang naka ngisi.

Sya naman ay napa kamot sa batok nya. "Ang bagal naman talaga ng progress nyan."

"Baliw ka talaga. Pasok na ako sa loob. Mag ingat ka mag drive pauwi."

"Sige na pasok ka na sa loob at baka nag wawala na yung amo mo ngayon."

Napa tingin ako sa semento dahil siguradong malabo ang sinasabi ni Jayson.

"Naku hindi yun. Saka nag paalam naman ako."

"Okay then. Alis na ako. Good night Dey."

"Good night Jay."

Nag suot na sya ng helmet saka tumulak na paalis. Kumaway pa ako bago sya tuluyang nawala sa paningin ko.

Malungkot akong pumihit papasok ng building. Nakaka walang gana umuwi sa unit ni Vince. Boring. Bukod sa tahimik, walang maka usap.

Kanina nag paalam ako na may lakad ako after ng trabaho, tumango lang sya. Hindi kagaya noon na kukulitin nya pa ako kung saan at mag pupumilit na sumama. Magagalit kapag hindi ako nag paalam. Ibang iba na ngayon. Namumuo ang luha ko habang mag isang naka sakay sa elevator. Good news, sanay na akong sumakay dito. Pero may bad news dahil parang di na kami babalik sa dati. Di bale, malapit na rin naman na matapos yung OJT ko sa kompanya nya. After nito, babalik na ako ng Blue House. At least doon may nakaka usap akong mga halaman.

Nang malapit na ako sa pinto ng unit nya ay agad akong kumurap kurap para mawala ang namumuong luha sa aking mata. Ayaw kong makita nya akong ganito.

Pero wala akong naabutan sa loob. Mukang hindi pa sya umuuwi. Nag check ako ng phone. Pero puro notification lang ng likes at comment sa post kong picture namin ni Jayson kanina habang kumakain. Walang text galing kay Vince na nag sasabi kung anong oras sya uuwi o uuwi ba sya.

Pero naisip ko, bakit nya pa ba ako itetext eh secretary nya lang naman ako at slash kaibigan kaya okay lang dapat sakin na hindi nya ako i-update. Ngayon pa ba ako maninibago eh ginagawa nya na sakin ito for more than a month. Dapat talaga wag nalang akong umasa na babalik pa kami sa dati.

Para naman akong broken hearted nito. Kaya tumayo ako at kumain sa kusina. Pag tapos mag hugas ng pinag kainan ay naisipan kong mag shower bago matulog.

Naka pajama at t-shirt na ako at nag susuklay nang may nag doorbell. Kumunot ang noo ko. Siguradong hindi si Vince yan dahil hindi na yun mag dodoor bell since may sarili naman syang susi. Pag silip ko sa butas sa pinto ay ang muka ni Xave at Mark ang nakita ko. Agad kong binuksan ang pinto.

Babati palang sana ako nang bigla akong sugurin ng yakap ni Mark. Bigla ko syang naitulak dahil naalala kong wala pala akong bra na suot. Sakto din namang hila ni Xave sa kwelyo nya.

"Ay sorry Daisy, nagulat ata kita." Apology ni Mark na mukang sensero naman.

"O-okay lang. Ano kasi..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa hiya.

Buti nalang nag salita Si Xave.

"Pasensya na Daisy, nakalimutan kong turukan tong alaga ko bago pumunta dito eh."

Natawa naman ako sa biro nya.

"Ay grabe pare, ang hard mo sakin." Pag mamaktol pa ni Mark.

"Sa susunod hindi na ikaw isasama ko." Angil naman sa kanya ni Xave.

Naaliw na ako sa bangayan ng dalwa nang maalala na papasukin sila.

"Uy, pasok pala kayo."

"Haaay...akala ko wala ka nang balak eh." Parinig ni Mark.

Natawa nalang ako saka sumunod sa kanila sa loob pag pasok nila.

Nang naka upo na sila ay saka ako nag tanong.

"Ano palang sadya nyo? Wala pa dito si Vince."

"Alam namin. Actually ikaw talaga ang sadya namin." Sagot ni Xave. Habang si Mark naman ay busy na sa cellphone nya.

Ako ang sadya nila? Bakit kaya?

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon