CHAPTER 35 "Crush Ka Ba Nya?"

332 11 0
                                    

Sya nga si Jayson Dee!

Sya yung idol na singer ni Trisha.

Alangan man ay tinaggap ko din ang kamay nya at nakipag kamay.

"It's unusual for me na may hindi pa pala nakaka kilala sakin specially within manila. Though siguro hindi pa nga ako ganun kasikat." Nag sasalita sya habang papaupo. Rinig ko ang onting disappointment sa tono nya. Hindi ko tuloy alam kung ma gi-guilty ako o ano. Kaya agad kong inagapan ang kung ano mang iniisip nya.

"Pasensya na. Kilala naman talaga kita sa boses. Hindi nga lang sa mukha. Pero kanina pa kita nabobosesan. Hindi ko lang inexpect na makikita kita dito kaya di talaga ako nag isip na ikaw nga talaga yan. Kaya pasensya na." Sensero kong paliwanag.

Ngumiti sya sakin.

"No. Don't apologize. It's fine. Don't worry you will know me more soon." Saka pa sya kumindat.

Ang pogi nya. Ang sarap tignan ng nunal nya sa pisngi habang naka ngiti.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya kinuha ko nalang ang isang tagay ng wisky sa mesa. Hindi ko napigilan ang pag labas ng dila dahil sa tapang nang nainom.

Narinig ko ang bahagya nilang pag tawa.

"Ang pangit ng lasa." Paliwanag ko.

"So hindi ka pala sanay uminom?" Tanong ni Jayson sakin habang naka tingin ng mataman.

Shit naman kuya. Wag mo kong tignan. Crush kaya kita. Ikaw nga pampatulog ko eh.

Umiling nalang ako bilang sagot.

"Hala namumula si Daisy. Lagot ka Jay." Nagulat ako sa pahayag ni Cyrus na tumatawa pa habang tinuturo ako.

Paking shet talaga oo. Bakit ngayon pa kasi!

Hinawakan ko ang magka bila kong pisngi. Na baka maibsan yung pamumula nito.

Bigla namang hinawakan din ni Mark na katabi ko ang aking pisngi gamit ang dalawa nyang kamay.

"Pakita nga." Saka sinuri ang aking mukha. "Hala oo nga."

Inikot ko ang tingin ko sa lahat ng naka upo sa sofa. Lahat sila ay naka tingin sakin habang tumatawa. Maging si Vince ay naka tingin sakin ng matalim. Nang makumpirma nga na namumula ang muka ko ay umiwas sya ng tingin.

Agad akong tumayo. "Excuse guys. Papahangin lang. Mainit eh." Saka ko hinila patayo si Mark.

"Tara Mark samahan mo ko."

Derederecho akong lumabas ng bar saka umupo sa may gutter di kalayuan sa bar. Akala ko hindi naka sunod si Mark kasi binitawan ko din sya nang papalabas na kami. Ilang saglit pa akong naka upo doon at naka tanaw sa mga taong labas pasok sa mga kainan at bar sa paligid. Ganito pala talaga ang buhay dito sa syudad. Kahit gabi na mga gising parin ang mga tao. Sa Antipolo kasi alas nuebe palang tahimik na ang kalsada.

Biglang umupo sa tabi ko si Mark saka ako inabutan ng in can soft drinks. Kaya pala sya natagalan.

"Salamat." Tinanggap ko ito at uminom dito.

"Okay ka lang?" Cool nyang tanong.

Tumango ako.

"Eh bakit ka nga namula?"

Ay tokneneng naman talga oh. Nag tanong pa sya.

"Wala. Crush ko kasi yun. Nagulat lang ako."

Natawa sya saglit. "Seryoso? Crush mo si Jayson?"

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon