CHAPTER 8 "First Kiss"

409 22 1
                                    

Simula nang gabing iyon ay hindi na sya gaanong nag susungit dahil lagi ko syang inaasar na mag mumuka syang matanda pag lagi syang naka simangot.

Kumakain kami nang napansin kong naka kunot ang kanyang noo habang tinitignan akong kumain.

"Oh bakit?" Kinunutan ko din sya ng noo.

"You're eating like a pig." Pahayag nya.

"Gutom ako kaya walang paki alamanan." Sagot ko.

Nag linis kasi ako ng garahean. Pininturahan ko ang ding-ding saka iniskuba ang floor.

"And who told you to clean the garage?" Masungit nyang sagot.

Inismiran ko sya. Hindi na ako takot sa kanya ngayon. Tropa na kami eh.

"Wala. Ayaw mo nun, may taga maintenance ka na."

Inirapan nya lang ulit ako.

"Stubborn." Bulong nya.

Hindi ko nalang sya pinansin.

Pag tapos namin mananghalian ay nag yaya akong mag videoke. Tawa sya ng tawa sakin habang nag peperform ako sa gitna ng sala. Tumatalon, nag he-head bang.

"You are really crazy." Sabi nya sakin nang natapos na akong kumanta at umupo sa tabi nya.

Pawis na pawis ako pero natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Okay lang. Ikaw lang naman nakaka kita." Halakhak ko.

"You really have the guts to show me your craziness. But other girls are always doing great things just to impress me."

"Vince, sila yun! At para malaman mo hindi kita type noh. Sungit mo kaya." Biro ko sa kanya.

"Really? Don't worry, whe're on the same page." Naka ngiti nya ring sagot sakin.

"Naman! Kaya nga nailalabas ko sayo lahat ng kabaliwan ko kasi alam kong di ako ang mga tipo mo."

Tumango tango lang sya sakin pero nasa malayo ang tingin.

"Bakit ba kasi wala kang girlfriend?" Bigla kong natanong. Curious lang talaga ako dahil mayaman sya, pogi, young bachelor, lahat na nasa kanya pero walang girlfiend? Amazing!

"I just don't like." Seryoso nyang sagot sakin.

Tinignan ko sya ng matindi kong tingin. May naisip ako.

"Teka nga, don't tell me..."

"Don't tell you what?" Naka taas na ang kilay nya ngayon.

Napa singhap ako. The way nya itaas ang kilay nya, kung paano nya ako irapan at kung paano sya mag sungit. Confirm!

"Bading ka?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"What?" Hindi nya ata narinig.

"Bading ka ba?" Ulit ko.

Nanlaki ang mata nya sa tanong ko.

"What?!" Bakas sa muka nya ang iritasyon.

Lumapit ako sa kanya at kumapit sa matigas nyang braso.

"Alam mo Vince, kahit ano ka pa tanggap kita. Susuportahan kita sa mga gusto mo. Gusto mo ako pag mag hanap nang jo-jowa-in mo eh."

"Are you insane?" Kunot noo nyang sabi saka nya tinggal ang kamay ko sa braso nya. Bigla syang tumayo. Kaya tumayo din ako para harapin sya.

"Wag ka na kasing mahiya sakin. Umamin ka na." Pamimilit ko pa.

Naka halukipkip sya at naka dungaw sakin samantalang ako naman ay naka tingala habang hinihila yung laylayan ng white T-shirt nya.

Binaba nya ang ang braso nya sa kanyang gilid at tinitigan ako.

Biglang akong natahimik sa pangungulit sa kanya dahil sa seryosong tingin na pinupukol nya sakin.

Humakbang sya papalapit sakin kaya napa atras din ako. Humakbang pa sya ng ilang ulit nang hindi ako nilulubayan ng tingin.

Napa lunok ako. Patay, sasambunutan nya na ata ako sa pamimilit ko sa kanyang umamin.

Atras naman ako ng atras kada hakbang nya hanggang sa napa bagsak ako paupo sa sofa. Yumuko sya para magka pantay ang aming mga muka at isinandal ang kaliwang kamay sa sandalan ng sofa samantalang ang kabila naman ay nasa gilid ng bewang ko.

"A-anong ginagawa mo?" Napa lunok ulit ako.

Pakingtape! Ano bang ginagawa nya?

"I will just answer your question." Seryoso nyang sagot.

Halos malanghap ko na ang mabango nyang hininga.

Seryoso ba sya? Sasagutin nya yung tanong ko sa ganitong pwesto? Kakaiba din talaga sya eh.

Bahagya ko syang tinulak para maka alis sa ganung posisyon. Pero bukod sa malaki at matangkad sya, ay talagang malakas talaga ang mga lalake.

Hindi ko alam kung ano ang trip nya. Ni wala akong idea sa kung anong balak nyang gawin.

Busy pa ako sa pag iisip kung anong gagawin nya nang bigla kong naramdaman ang mainit na bagay sa labi ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat sa ginawa nya samantalang sya ay naka pikit habang ninanamnam ang labi ko.

Malambot ang labi nya at nakaka dala ang paraan ng pag halik nya sakin. Dahan-dahan, maingat, matamis.

Anong matamis? Eh maalat yung ulam namin kaninang tanghalian.

Bigla kong naalala na first kiss ko pala 'to kaya agad ko syang tinulak ng malakas hanggang sa napa upo sya sa carpet.

Pinunasan ko ang labi ko.

"Bakit mo ginawa yun?" Nanalalaki ang mata kong tanong. Naiinis ako. Nagagalit. Ninakaw nya yung first kiss ko. Kainis!

"Now am I gay?" Out of the blue nyang tanong. May multo ng ngiti sa labi nya.

"So yan ang paraan mo para sagutin yung tanong ko? Walang hiya ka!" Agad ko syang sinugod at at pinag hahampas. Di ako tumigil hanggat hindi ako nasasatisfy.

Tumatawa lang sya habang sinasalag bawat hampas ko. Parang natutuwa pa sya sa nangyari. Walang hiya talaga sya.

Pero napa hinto sya sa pag salag nang napa tingin sya sa muka ko.

Kaya nag taka din ako. Agad nya akong nilapitan at pinunasan ang muka ko. Napa hawak din ako sa muka ko at napansing basa ito. Napa iyak na pala ako sa inis.

Gamit nya ang dalawa nyang kamay sa pag punas ng mga luha ko. Hinawi ko ang kamay nya.

Hinampas ko sya ulit.

"Bwisit ka! First kiss ko yon. Ano pa ang ibibigay ko sa magiging boyfriend ko kung kinuha mo na." Humihikbi na ako. Ganito talaga ako, naiiyak pag sobrang naiinis.

"You sounds like I get your virginity." Naka nguso nyang sabi habang naka halukipkip at naka indian sit sa carpet.

Hinampas ko ulit sya.

"Bwisit ka. Pag yun ang kinuha mo mapapatay kita. Para lang yun sa mapapangasawa ko noh."

"Then don't get a husband." Mataray nyang sagot.

"Baliw ka! Dyan ka na nga. Manyak na bading!" Saka ko sya nilayasan at umakyat papuntang kwarto ko.

Narinig ko pa ang malakas nyang hagalpak nang paakyat ako sa hagdan.

Baliw na sya! Parang mas gusto kong mag sungit nalang sya kaysa naman sa nababaliw sya ng ganyan.

First kiss ko yun eh. Kainis talaga!

Hindi ko kinwento kay Trisha ang tungkol dun dahil kukulitin lang ako nun para makita si Vince. Matagal nya na akong kinukulit na makita nya ito. Nakita nya kasi sa phone ko si Vince na naka side view nang aksidente ko syang naisama sa pag selfie ko.

Nag tatatalon ba naman ang bruha. Sobrang gwapo daw ni Vince. Like dah? Nakaka umay na nga ang muka non' eh. Hindi parin ako maka get over sa kalokohang ginawa nya sakin nung last nyang uwi sa blue house.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon