CHAPTER 47 "Reunion"

353 9 0
                                    

Ilang oras din ang naging byahe namin papunta sa dati nyang university. Pag pasok palang namin sa magarang gate ng school ay sinalubong na kami ng mga magagara at mga mamahaling sasakyan na naka helerang naka park. Agad sumaludo ang naka tayong guard sa gate kay Vince saka tinuro ang parking space na naka laan para sa kanya. May napansin akong nakasulat na pangalan nya na naka pinta sa semento. So ganito pala sa mamahaling Universidad may kanya kanyang parking space na. Napansin ko din ang naka sulat na 'VIP' sa ilalim ng pangalan nya.

"Hanggang dito ba naman VIP ka?" Mangha kong sabi sa kanya habang pinapark nya na ang kanyang sasakyan.

Hindi nya ako sinagot pero nginisihan lang na parag may di ako nalalaman tungkol sa kanya.

Nang maayos nya nang mai-park ang kanyang sasakyan ay agad syang lumabas at pinag buksan ako ng pinto. Nangingiti nyang kinuha ang kamay ko upang alayayan ako sa pag labas ng kanyang sasakyan. Habang ako ay parang tanga na naka tunganga na naka titig sa kanya habang humahakbang pababa. Feeling ko na hihypnotize nya ako sa mga tingin nya.

"Let's go?" Bulong nya sakin nang tuluyan na akong maka labas.

Tumango nalang ako.

Nilahad nya ang kanyang braso para kapitan ko. Nahihiya ko namang kinapitan 'to. Bakit ba hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa kanya na kinaiinis ko. Nag mumuka tuloy akong timang sa harap nya.

Nag lalakad na kami papunta sa kung saan.

Napa lingon ako sa kanya nang marinig ang marahan nyang halakhak.

"Tinatawa-tawa mo dyan?"

"Nothing. I just love you." Saka ako kinindatan. Iba ang naging hatid sakin ng sinabi nya. Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi nya. Halos hindi ko narin maihakbang ang mga paa ko. Kaya huminto kami sa pag lalakad at hinarap nya ako.

Kung sabihin nya ang mga salitang iyon ay parang hindi mahirap sa kanya. Yung tipong kabisado nya nang sabihin ito. Madalas nya kayang sabihin ang mga salita na yan sa dati nyang first love? Pero base sa pagka kilala ko sa kanya hindi naman sya vocal sa nararamdaman nya.

"That. That kind of reaction you have. I love it." Nangingiti nyang sabi sakin.

Lalo ko syang sinamaan ng tingin. Feeling ko pinag titripan nya ako.

"Pinag titripan mo ba ako?"

"Of course not. Come on, just smile. Let's just enjoy this night." Bawi nya.

Bumuntong hininga nalang ako. Saka nangingiting umiling.

Nag simula na syang nag lakad habang naka patong ang isa nyang kamay sa kamay kong naka kapit sa braso nya kaya nag simula na rin akong humakbang.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong school. Sobrang laki nito. Ang disenyo ng bawat building ay luma na pero nag mumukang elegante dahil sa Spanish style nito. Yung the more itong lumuluma the more kang mamamangha sa ganda.

"Ang laki ng school mo." Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha.

"Yes it is." Simple nya lang na sagot na parang hindi ito big deal.

Pumasok kami sa hallway na maraming Christmas lights na naka sabit sa gilid nito na parang ginagabayan kami kung saan ang tamang daan.

Lumingon ako sa paligid. Wala akong makitang ibang tao.

"Vince, late na ata tayo. Wala nang ibang tao sa labas eh."

"Don't worry it's fine." Wala man lang kabaha bahala nyang sagot. Umiling nalang ako dahil wala na talaga akong masabi sa confidence na meron sya.

Huminto kami sa malaking double door. May naka lagay doon na 'Ball Room'. Habang may dalawang lalakeng naka black suit na naka tayo sa magka bilang gilid ng pintuan. Agad silang yumuko at bumati .

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon