EPILOUGE

450 12 1
                                    

"Hello tito Ben?" Napahinto ako sa pag didilig nang halaman nang tumunog ang cell phone ko.

"Good afternoon ijah. Pwede ka bang pumunta dito sa bahay?"

Kumunot ang noo ko nang mahimigan na parang may kakaiba sa boses ni tito Ben.

"Sure po."

"Good then. See you later ijah."

Niligpit ko ang hose saka umakyat sa kwarto at naligo. Habang nasa byahe papunta sa bahay ng tinuturing kong mga magulang ay may nararamdaman akong kakaiba. Parang may mali. Parang may mang yayaring kakaiba ngayong araw. O baka nag o-over think lang ako. Kaya agad akong umiling at iwinaksi ang nasa isip.

Mabilis akong naka rating sa mansion nila.

Binati ako ni Mang Tinoy at pinapasok agad sa loob. Binilinan ako ng katulong nila na naabutan ko sa sala na dumerecho daw ako sa library ng mansion. Kaya agad akong tumalima. Di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil wala akong clue kung bakit ako pinapapunta ng mag asawa dito.

Pag bukas ko nang pinto ay naabutan ko si tita na naka tulala habang naka upo sa sofa habang si tito naman ay may kausap sa cell phone nya habang naka harap sa labas ng bintana.

Agad nag salubong ang mata namin ni tita nang mapansin nya ang pag bukas ng pinto. Agad nag bago ang reaksyon nito at malawak na ngumiti habang tumatayo at inilahad ang dalawang braso para sakin.

"Tita." Buong galak kong tawag sa kanya habang ginagantihan sya ng ngiti.

"Anak." Saka ako niyakap ng mahigpit.

Tumutulo ang luha ko habang nag lalakad sa entablado at tinatanggap ang diploma ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Isang malaking achievement para sakin ang maka graduate lalo na sa sitwasyon ko. Isa-isa kong tinignan ang mga taong naging parte ng tagumpay ko. Ang mag asawang walang sawang tumulong sa akin at nag silbing magulang sa kagaya kong ulila na. Hinanap ng mata ko si Trisha na naka pila dahil susunod na sya sakin na laging nandyan para sakin. Si Jayson na kahit nasaktan ko ay masaya pa rin para sa akin. Huling dumapo ang mata ko sa gwapong lalake na naka upo nang may awtoridad habang taas noong naka tingin sa akin at naka ngiti, pumapalakpak. Halatang masaya sya sa natamo ko. Lalong bumuhos ang luha ko na nag pakunot ng noo nya. Kaya agad akong ngumiti ng malawak saka nag bow.

Magulo ang buong venue dahil sa mga estudyanteng nag pipicture-an. Nag picture kaming mag kakaklase saka nag hiwa-hiwalay para maka punta sa kanya kanya naming pamilya. Agad akong sinalubong ni Vince ng yakap.

"Congratulations baby. I'm so proud of you."

"Thank you Vince."

"Congrats ijah." Bati sakin ng mag asawa.

"Thank you po."

Ang huling bumati sa akin ay si Jayson.

"Congrats Dei. Natupad mo na ang pangarap mo. Sobrang proud ako sayo." Napa ngiwi ako nang may namuong luha sa mata ko. Kaya agad ko syang niyakap.

"Thank you Jay. Sorry sa lahat."

"Magiging okay din ako Dei. Masaya ako para sayo." At niyakap din ako nito ng mahigpit.

Napa hiwalay kami sa isat isa nang may humila sa akin.

"That's enough." Naka busangot na sabi ni Vince habang tinatago nya ako sa likod nya.

Nakita ko naman ang pag igting ng panga ni Jayson senyales na hindi nya nagustuhan ang ginawa ni Vince. Mabuti nalang at biglang dumating sa eksena si Trisha na tumatalon-talon papunta sa amin na hindi alintana ang suot na four inches heels.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon