CHAPTER 24 "What Are The Both Of You?"

345 13 0
                                    

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko nang biglang may huminto sa harap ng table ko. Pag angat ko ng tingin ay si sir Aaron pala. Naka ngiti sya sa sakin. Agad akong tumayo at bumati.

"Good afternoon sir. How can I assist you?" Pormal kong bati sa kanya.

"Good afternoon as well Daisy." Naka ngiti parin sya ng matamis. Mukang laging masaya 'tong isang 'to.

"So how can I assist you sir?" Pag uulit ko.

"Ah, I just wanna ask if your menopausal boss is in here at his office?"

Kung sa ibang pag kakataon nya sinabi yang bagay na yan about sa baliw kong boss, malamang tumawa na ko. Pero dahil wala ako sa mood na pag usapan sya kaya ngumiti nalang ako ng bahagya.

"Yes sir. He's inside, signing some papers."

Ngumiti ulit sya. "Ang pormal mo naman. Just call me Aaron." Saka nya itinukod ang kanyang palad sa mesa ko kaya medyo lumapit ang muka nya sa muka ko.

Hindi ko mapigilan ang pag taas ng kilay ko.

"Excuse me sir? Correct me if I'm wrong, but...are you flirting with me?" Matalim kong tanong. Bahagya syang nagulat sa tanong ko pero ngumiti muli na parang may nakakatuwa sa sinabi ko.

"You caught me off guard there hmm. Is it bad to be friendly miss secretary?"

Gusto kong mainis sa way nang pag kakatanong nya. Pero pinigilan ko nalang ang sarili ko.

"I'm sorry for misunderstanding it. It's just not right for me to be friend with a boss."

Tumaas ang kanyang kilay. "Then how can I call your relationship with Vince? So if you're not doing friend with your boss...so what are the both of you?"

Ako naman ang na caught off guard sa tanong nya at this time. Bakit ba kasi ganon ang naging sagot ko? Pero paano nya nalaman na magkaibigan kami ni Vince? Bakit pa nga ba ako mag tataka. Malamang nag kwento na yung isa dito, eh mag kaibigan din sila.

Napa buntong hininga nalang ako at handa nang sumagot nang bumukas ang pinto ng office ni Vince at lumabas sya. Agad na lumapat ang dereksyon ng kanyang tingin sa mesa ko. Kita ko ang bahagyang pag igting ng kanyang panga. Naabutan nya kami ni Sir Aaron na nasa ganoong ayos.

"Oh here he is." Tumayo ng maayos si sir Aaron at humarap kay Vince nang naka ngiti parin.

"What brings you here?" Malamig na tugon ni Vince. Dumako muli ang tingin nya sakin pero agad akong umiwas ng tingin at nag simula nang mag ligpit ng gamit.

"I just want to discuss something with you."

"Then why are you here in my secretary's table?" Rinig ko ang diin sa boses ni Vince. Pero di ko nalang sila pinansin.

Rinig ko pa ang mahinang tawa ni sir Aaron bago sila tuluyang pumasok sa loob ng office ni Vince.

Nang matapos akong magligpit ng aking mesa ay agad akong nag lakad papunta sa hagdan. Hindi parin talaga ako sanay mag elevator. Pababa naman kaya hindi ako mapapagod. Inabot ako ng sampung minuto bago ko maabot ang ground floor. Nadaanan ko pa si Elaine sa reception kaya kumaway nalang ako bilang pamamaalam. Binigyan nya rin naman ako ng matipid na ngiti. Halatang nahihiya parin sya sakin. At hindi ko alam kung anong nakakahiya sa pakikipag usap sakin. Parehas lang naman kaming empleyado dito. Bumati din ako kay manong guard na smiling face nang papalabas na ako ng building.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang mahagip ng aking paningin si Vince na nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan habang naka halukipkip. Agad nag tagpo ang aming paningin ngunit agad ko rin pinutol. Dumerecho ako sa pag lalakad. Ganun ba ako ka tagal sa pag baba ng hagdan at mas nauna pa syang naka labas kaysa sakin?

Hindi parin okay sakin ang ginawa nya kaninang umaga. Pag katapos kong gamutin ang kanyang kamay ay nag gayak na ako at nanuna nang pumasok sa opisina. Kaya wag syang umasang sasabay ako sa kanya pauwi.

Hindi pa ako nakaka limang hakbang ay may humila na ng kamay ko.

"Daisy." Tawag nya sa pangalan ko.

Tinaasan ko sya ng kilay saka ibinaba ang tingin sa kamay nyang naka kapit sa braso ko. Nang mapansin nya 'yon ay agad din nya itong binitawan.

"Let's go home." Mababa ang kanyang boses. Halatang nag pipigil.

"Oo uuwi narin ako. Kita nalang tayo sa condo mo."

Kumunot ang kanyang noo halatang na gets ang ibig sabihin ko.

"Please. Just get in my car. Let's go home now. You don't know the way. You might lost."

Mas lalo akong nainis sa sinabi nya. Inismiran ko sya.

"Pinapaalala ko lang, naka rating ako sa opisina mag isa kanina kaya wag kang mag alala. Hindi ako tanga para maligaw." Diniinan ko ang huling pangungusap para ma-emphasize na kaya ko ang sarili ko.

Bumuntong hininga sya saka pinisil ang kanyang ilong na parang ang sakit ko sa ulo.

"Dey please. Sorry for what happened...lately. Please lets talk." Inabot nya ang mag kabila kong braso.

Bigla akong nangilabot sa haplos nya. Bumalik yung kuryenteng naramdaman ko kanina nang haplusin nya ako sa dibdib. Iwinaksi ko ang aking naiisip sa papamagitan ng pag iling. Iwawaksi ko na sana yung kamay ni Vince at sabihin sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Pero napansin ko si manong guard at iba pang empleyado na naka tingin samin ni Vince mula sa lobby ng office. Ngayon ko lang narealize na nasa harap pa pala kami ng building. Bigla akong tinamaan ng hiya. Gumagawa na pala kami ng eksena ni Vince dito. Kasi naman 'to may pa hila-hila pa ng braso.

Kaya agad kong kinuha ang braso nya at ako na ang humatak sa kanya papalapit sa kanyang sasakyan. Nakita ko syang ngumiti.

"Wag kang ngingiti ngiti dyan. Ayaw ko lang na ma issue ka sa bago mong sekretarya." Pag tataray ko sa kanya saka naunang pumasok sa kanyang sasakyan. Nahuli ko pa syang ngumingiti habang umiikot papunta sa driver seat.

Tahimik lang ako buong byahe hanggang sa maka rating kami sa unit nya. Wala pa ako sa mood para pag usapan ang about sa nang yari. Nag hapunana kami nang tahimik at natulog. Malinis na ang kabilang kwarto kaya naka hinga ako ng maluwag. Madalas ko syang nahuhuli na naka tingin sakin na parang gusto nya akong lapitan o kausapin. Pero hinahayaan ko nalang. Aalisin ko muna 'tong sama ng loob ko at wierd na nararamdaman kada nahahawakan nya ako. 

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon