CHAPTER 44 "I Hope You Will Be Happy With Him"

348 9 0
                                    

This chapter is dedicated to my new follower @SidgridSalcedo. Thanks for voting girl ;)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Papasok palang ng entrance ng mall ay kita ko na sya agad na nag aabang hindi kalayuan sa entrance door. Agad nya akong binigyan ng madalas na ngiti na binibigay nya sakin. Agad akong naka ramdam ng guilty dahil alam kong masasaktan ko sya ng sobra ngayong araw. Sana lang mapatawad nya ako. Alam kong imposibleng hindi sya masaktan sa gagawin ko but I know time can heal the wounds.

"Hi." Bungad nya sakin.

"Hi. Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Kakarating ko lang din."

"Ah okay."

"Ano gusto mo munang gawin? Kumain?"

Agad akong umiling.

"Busog pa ako."

"Then let's watch a movie." Excited nyang sabi.

Tumango nalang ako.

Habang nasa loob ng sinehan ay nag kukwento sya ng mga nang yayari sa kanya. Sa trabaho, sa bahay. Parang girlfriend ako na pinag a-updatan. Gaya ng sabi nya sakin dati, gusto nyang malaman ko kung anong nang yayari sa buhay nya para updated daw ako.

Hanggang sa kumain kami ay hindi ako maka kuha ng tamang timing kung paano mag uumpisa sa sasabihin ko. Mahirap basagin ang masaya at naka ngiti nyang mukha sa buong oras na mag kasama kami. Ayaw ko naman na bigla ko nalang sabihin sa kanya na tumigil na sya sa pang liligaw.

Gusto ko lang talaga humanap ng tamang tyempo. Lalo pa't pinipressure ako ni Vince. Walang ginawa kung 'di ang mag text at mag tanong kung nasabi ko na daw ba. Akala ko ba may kliyente sya ngayon? Bakit parang hindi naman sya busy. Kung kasama ko lang sya, kanina ko pa sya na dagukan. Ganitong hirap na hirap na nga ako humanap ng timing eh.

"Hatid na kita sa subdivision nyo. Anong oras na din."

Nandito na kami ngayon sa tapat ng motor nya. Inubos namin ang oras sa pag lalaro sa Time Zone gaya ng naka gawian namin. Aaminin ko nag eenjoy talaga akong kasama sya pero sobrang na giguilty ako dahil pagtapos ko syang pag hintayin ng ilang taon ay ganito lang ang mang yayari.

Dati naman sigurado ako sa sarili ko na sasagutin ko din sya in time. Pero nabago yun nung pumasok si Vince sa buhay ko. Siguro nga hindi pa ganun ka strong yung feelings ko para kay Jayson dahil agad naka pasok sa puso ko si Vince nang hindi ko namamalayan.

"Wag na Jay. Mag cocommute nalang ako."

"Sige na. Hindi kita kayang iwan dito." Saka pilit inaabot sakin ang extra helmet. Napa ngiti ako ng mapait nang abutin ko ito sa kamay nya. Naalala ko na sinadya nya pang bilhin ang pink na helmet na 'to para talaga sakin. Gusto ko nalang maiyak. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin o uumpisahan manlang 'to.

Nakita kong pasakay na sya ng motor kaya agad akong nataranta.

Agad ko syang hinawakan sa braso para pigilan.

"Aahm...Jay."

Nilingon nya ako saka ngumiti.

"A-ano kasi."Syit talaga. Hindi ko alam kung paano sisimulan.

Pero tandaan mo Daisy pag hindi mo pa sinabi yan ngayon, mas papatagalin mo pa ang sakit kaya umayos ka.

"May sasabihin ka?" Nag hihitay nyang tanong.

Dahan-dahan akong tumango. Saka humugot ng malalim na buntong hininga.

"Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung paano 'to uumpisahan. Pero gusto ko lang sabihin sayo na mahalaga ka sakin. Naging mabuting kaibigan ka. At nag hintay ka ng ilang taon para sakin kaya..."

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon