CHAPTER 9 "Meet Friends"

390 17 1
                                    

Simula nang nakipag kaibigan sakin si Vince ay masaya na ako pag umuuwi sya. Kasi kahit papano may nakakasama ako sa blue house kahit thrice a month lang. Madalas kaming namamalengke pag umuuwi sya kada buwan.

Kahapon nagulat ako nang nag chi-check ako ng notification ko sa fb nang may mabasa ako.

Vincent Montemayor sent you a friend request.

Nanlaki ang mata ko.

Sino 'to?

Vi-new ko yung profile at laking gulat ko nang makita ko si Vince na naka side view habang naka tingin sa sunset.

In-add nya ako?

Agad ko syang in-accept para makita ko yung mga post nya.

Mukang di sya mahilig sa social medias kasi hindi sya updated. Ang last post nya ay last three months pa. Pero infairness sa kanya, ang dami nyang friend, four thousand seven hundred thirty one. Parang celebrity lang. Malamang, sa muka ba naman na ganyan talagang maraming mag a-add sayo.

Pa'no nya kaya nalaman ang full name ko? Ah alam ko na kung sino ang source nya. Malamang kay tito Ben nya nakuha.

Rest day ko ngayon kaya mag wawala ako. Naka hiram ako ng videoke na CD kay Trisha. Kakatapos ko lang mag tanghalian. Two weeks palang ang nakaka lipas nang umuwi dito si Vince kaya siguradong hindi yun uuwi ngayon. Kaya malaya akong mag wala.

Agad kong sinalang sa DVD player ang CD at pumili ng kanta. Nilagay ko lahat ng favorite songs ko lalo na ang mga kanta ni Yeng Constantino.

Enjoy na enjoy ako sa pag he-head bang habang tumatalon nang biglang bumukas ang ilaw sa sala na kanina ay naka patay.

Napa lingon ako sa switch kasi baka minumulto na ako sa malaking bahay na ito. Pero may malaking kamay akong nakita na naka hawak sa switch. Nang sundan ko kung kaninong kamay iyon, nanlaki ang mata ko.

Patay, nandito sya. Nahuli nya ako.

Naka kunot ang noo nya habang naka tingin sakin.

"What are you doing Daisy?" Nagtataka nyang tanong.

Agad kong pinatay ang DVD at niligpit ang mic saka ko sya hinarap.

"H-hi V-vince. A-ah ak-kala ko hindi ka pa uuwi." Nag kakamot na ako ng ulo ngayon. Nahuli nya ako eh.

"It's your rest day?" Tanong nya lang sakin. Wala naman atang kaso sa kanya kung mag videoke ako nag videoke naman kami noon. Dapat pala di ko nalang pinatay. Nu bayan!

"Oo every Saturday naman ang rest day ko. Bakit ka nga pala napa uwi? Last two weeks lang nung last mong punta dito ah."

"Why? Can't I go to my own home?" Taas kilay nyang tanong sakin.

Tinaasan ko din sya ng kilay.

"Aba, ano nag tataray ka nanaman ngayon ha? Tandaan mo may kasalanan ka pa sakin." Aambahan ko na sana sya ng kurot ng may mga lalakeng biglang pumasok sa pinto.

Apat sila. At nanlaki ang mga mata nila ng makita ako.

"Woah! Si Vince may tinatagong babae sa rest house nya." Sigaw nung isang naka tayo yung buhok.

"Shut up Mark. Just put the food on the table." Masungit na sagot ni Vince.

Nag pabalikbalik ang tingin ko sa mga lalake at kay Vince.

Naguguluhan ako kung sino sila.

Nangingiti yung tatlo na umupo sa sofa habang naka tingin sakin.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon