CHAPTER 49 "Rebound"

355 10 0
                                    

Hindi ko alam ang lugar plus lutang pa ako sa nangyari. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umuwi kasama sya. Naalala ko din, wala akong dalang pera. Tanging cellphone ko lang. Although I have my last option, si Jayson. I'm sure hindi yun mag dadalawang isip na sunduin ako dito pero naalala kong nag mo-move nga pala yung tao. Napaka insensitive ko naman kung iistorbohin ko pa sya para lang dito.

Buong byahe ay tahimik ako habang naka upo sa back seat. Hindi ko kayang tumabi sa kanya sa passenger seat. Pero kahit ganun ay kita ko padin ang madalas nyang pag sulyap sakin gamit ang salamin sa harap nya. Kaya sumiksik ako sa gilid ng bintana sa likod ng upuan nya para hindi nya ako makita. Hindi naman sya nag attempt na kausapin ako buong byahe na ikinasaya ko.

Pag pasok na pag pasok ko ng gate ay tumakbo na ako papasok sa loob at dumerecho sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko pero bigla kong kinuha ang malaki kong bag at isa-isa kong nilagay ang hindi karamihan kong damit dito. Isa lang ang nasa utak ko ngayon. Si Trisha. Sigurado akong di ako tatanggihan nun kung makikituloy ako ng isang linggo sa kanila. Tapos mag hahanap na ako ng trabo. Sapat naman 'tong pera kong naipon para kumuha ng bed space habang nag hahanap ng trabaho. Ayaw ko nang manatili dito. Masakit malaman na kaya ka gusto ng taong mahal mo dahil malaki ang pag kakahawig mo sa first love nya. Kahit sino naman, hindi matutuwa pag nalaman ang ganitong bagay.

Nanlaki ang mata nya habang hinihingal marahil sa pag akyat sa hagnan nang maabutan nya akong nag iimpake. Tinakbo nya ang distansya namin para pigilan ako sa pag kuha ng mga damit kong naka hanger sa closet.

"Ano ba Vince. Bitawan mo ko." Pag pupumiglas ko. Pero imbes na bitawan ako ay niyakap nya ako mula sa likod. Isang mahigpit na yakap na parang ayaw nya ako pakawalan habang nararamdaman ko ang malalim nyang pag hinga sa taas ng aking tenga.

"Don't leave me. Please don't." Bulong nya gamit ang nanginginig na boses.

Umiiyak ba sya? Gusto ko syang silipin pero pinigilan ko ang sarili ko. Naikuyom ko ang aking kamay.

"Kaylangan ko." Matigas kong sagot.

"No you don't." Mas matigas nyang tugon.

"Paano ka makaka move on kung lagi mong makikita si Yannie sakin tuwing nakikita mo ako. Kaya aalis nalang ako dito."

"Come on baby. Please listen to me. Don't hurt me like this. You really agree with what Billy said that you are just a rebound? That's a fucking no. I'm in love with you because of who you are not because of anything else. You are the one who mend my broken heart after how many long years. You are the one who teach me to love again. So why you are thinking like that. Please baby." Puno ng pag susumamo ang kanyang boses.

Ngayon kumpirmado ko nang umiiyak sya dahil sa tubig na tumutulo sa balikat ko. Parang kinukurot ang puso ko. Kahit nasaktan ako sa nangyari ayaw kong nasasaktan sya. At mas lalong ayaw kong umiiyak sya. Itong lalakeng ito ang kahinaan ko.

Napapikit ako. Inisip mabuti ang mga sinabi nya. Totoo man ito o hindi, maniniwala pa rin ako. Ganun kabilis mag bago ang isip ko pag dating sa kanya. Ganito ba talaga kapag nag mahal. You can accept everything about him? Even if it will hurt you?

Kinapa ko ang braso nyang naka pulupot sa tyan ko. Hanggang sa marating ang kamay nya. Hinawakan ko ito at sinubukang alisin. Pero mas hinigpitan pa nya ang pag kakayakap sakin. Na tila takot na takot syang maka wala ako sa kanya.

"No. Don't. I will not let you slip from my arms."

"I know. Kaya nga hindi na ako aalis."

Hindi na ako nag effort na maka harap sa kanya dahil sya na mismo ang nag harap sakin sa kanya dahil sa sinabi ko. Hinawakan nya ako sa mag kabilang balikat habang titig na titig sya sakin. Nakagat ko ang aking labi ng makita na basang-basa ang muka nya ng luha.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon