CHAPTER 22 "Ukay-ukay"

366 16 0
                                    

Pagka baba namin sa ground floor sumunod ako sa kanya papunta sa sasakyan nya na naka parada di kalayuan. Habang pumapasok sa sasakyan ay naalala ko na kaylangan ko nga pala ng maaayos na damit.

Papalabas na kami ng parking lot ng building nya nang magka roon ako ng lakas ng loob na tanungin sya.

"Ahmm...Vince." Mahina na pag tawag ko sa pangalan nya.

"Yes?" Sagot nya habang seryosong naka tingin sa kalsada.

"A-ano kasi, gusto ko lang mag tanong kung...pwede ba akong mag cash advance. Wala kasi akong matinong maisuot pang office kaya bibili sana ako ng pang pasok ko."

Napa lunok ako ng ilang segundo ay di parin sya sumasagot.

Hindi pa yata ako pwedeng mag cash advance. Nakaka hiya. Nang lumipas na ang ilang minuto at hindi parin sya sumasagot sa tanong ko ay umimik muli ako.

"Sige kung masyado pang maaga para sa pag cash advance, okay lang." Lunok pride kong bawi sa tanong ko.

Pero nagulat ako ng kinabig nya ang manibela pakanan imbes na dumerecho lang at huminto ang sasakyan. Pag silip ko sa labas ng bintana ay nakita ko na nasa mall kami.

"May bibilhin ka ba dito?" Tanong ko.

Kinalas nya ang kanyang seatbelt.

"Let's go. We will buy clothes for you." Nauna na syang lumabas ng sasakyan habang ako ay naka nganga at nagulat.

Agad akong lumabas ng sasakyan at sumunod sa kanya. Habang papasok ng mall ay tinanong ko sya.

"May ukay-ukay ba dito?" Kinunutan nya ako ng noo sa tanong ko.

"What's ukay-ukay?" Sabi ko na nga ba di nya alam.

"Yun yung tindahan ng mga damit na second hand na. Pero mga original galing states at mura pa."

Bahagya syang napa ngiwi sa paliwanag ko.

"We're in mall. So probably the ukay-ukay thing is not available here."

Palihim akong natawa sa pag bigkas nya ng 'ukay-ukay'. Para syang foreigner na nahihirapan mag tagalog. Hahaha.

Pumasok kami sa isang boutique na pang babae. Okay naman ang mga damit. May mga desente pero mas marami yung kagaya ng mga sinusuot ni  Trisha na revealing. Ewan ko ba sa babaeng yun, ibang klase ang fashion sense.

Kinuha ko ang bistidang maong. May kwelyo ito at hanggang siko. Just two inch above the knee. Tinry kong ilapat ito sa aking katawan.

 "Go try it." Utos nya sakin.

Naka ngiti akong sumunod saka pumasok sa fitting room. Limang minuto ang naka lipas ay lumabas narin ako. Naabutan ko syang naka sandal sa pader sa harap ng pinto ng fitting room habang naka pamulsa.

Natigilan ako saglit. Napa lingon sya sa gawi ko kaya napa ayos ako ng tayo.

"Oy ang pogi mo dyan ha." Dinaan ko nalang sa biro ang pagka mangha ko sa kanya.

Nag smirk lang sya at tumayo ng maayos saka lumapit sakin. Hinagod nya ako ng tingin. Umikot ako para mas makita nya pa ang kabuuan ng dress.

"Ano, okay ba?" Tanong ko.

"Approved." Saka sya nag thumbs up.

Ayos.

Kaya lang nang makita ko ang price tag ay di ko mapigilang hindi mapa ngiwi.

"Come on let's pay for that." Hinihila nya na ako papunta sa counter pero pinigilan ko sya.

"What's the problem?" Kita ko ang pag tataka sa mata nya.

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon