CHAPTER 13 "Meet Up"

383 17 1
                                    

Naka simangot ako habang nag lalakad kami papasok ng super market. Di parin naaalis yung badtrip ko kay Vince.

Jusko! Pangalawa nya nang halik sakin yun. Kawawa naman yung magiging boyfriend ko pang third kiss ko nalang.

"Hey! What's with that face?"

Tinignan ko ng masama 'tong katabi ko.

"Wag mo kong tanungin dahil alam kong alam mo ang dahilan." Saka ko sya inirapan.

Tinawanan nya lang ako saka inakbayan.

"Wag ka na magalit. Stop questioning my preference and I will not kiss you again."

Gusto kong matawa sa accent ng pag tatagalog nya pero pinigilan ko nalang.

"Dapat lang! Dahil pag inulit mo pa papaduguin ko talaga yang nguso mo." Pag babanta ko.

Pero muka namang hindi sya natakot sa banta ko dahil panay lang ang ngisi nya. Parang mas gusto ko nalang talaga yung Vince na laging masungit hindi yung ganito, nabubwisit nya ako ng madalas.

"Okay, to stop your tantrums...let's eat ice cream first."

Napa hinto ako sa sinabi nya.

"Talaga? Sige. Sige. Cookies and cream akin ah."

"Sure." Saka nya hinawakan ang kamay ko at hinila sa ice cream parlor na nasa likod lang namin.

Napa ngiti ako sa kulay ng store, pink. Favorite color ko. Agad akong umupo sa pang dalawahang mesa. Habang umoorder si Vince ay nilibot ko naman ng tingin ang buong tindahan. Ang kulay ng wall ay big stripes of baby pink and white. May chandelier na nag bibigay liwanag sa apat na sulok ng kwarto. May pink na sofa at ibat-ibang picture ng ice cream na naka dikit sa ding-ding. Pati ang mesa at upuan ay pink.

Ang sarap naman dito tumira.

Nilantakan ko agad ang ice cream ko pag lapag na pag lapag ni Vince nito sa mesa namin.

"Hey. Eat slowly." Saway nya sakin. Pero di ko na sya pinansin. Busy ako sa pag kain eh.

Pagka ubos ng ice cream ko ay napa himas ako sa tyan ko. Ang sarap. Habang naka ngisi naman 'tong katapat ko habang naka tingin sakin.

Kumuha sya ng tissue at marahang ipinunas sa gilid ng aking bibig. Natigilan ako sa ginawa nya at napa tingin sa kanya na seryoso sa pag pupunas.

"Your stinky."

"Ah sorry." Naka ngiti kong sabi.

Pag tapos kumain ng ice cream ay dumerecho na kami sa Super Market ng mall.

"Ano bang lulutuin natin?" Tanong ko sa kanya habang nag iikot kami at tinutulak nya ang cart.

"Aunty Marcia is requesting for your adobo."

"Ah okay. Tara punta tayo sa meat section."

"Anong meat ba ang sabi ni tita? Chicken o pork?" Dugtong ko.

"Chicken please."

Agad akong kumuha ng tatlong supot ng buong manok. Hindi ko 'to lulutuin lahat kasi pang stock yung iba.

Sya naman ay gagawa daw ng mango graham kaya nasa dairy section na kami ngayon. Pumunta ako sa fresh section para tumingin ng mga hinog na manga nang may tumawag sakin. Pag lingon ko ay si tita Lourdes pala.

"Daisy, ikaw nga!" Bungad nya sakin saka lumapit at nakipag beso.

"Hello po tita Lourdes. Kumusta po? Long time no see po ah."

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon