CHAPTER 19 "Elevator"

362 17 1
                                    

Umabot ng halos dalawang oras ang meeting. Pero hindi ako naka ramdam ng pagka bagot siguro dahil narin sa nawiwili ako sa pag titake down notes at pakikinig kay Jayson. Nang matapos ang meeting ay nag sitayuan agad sila. Ang iba ay nakipag kamay kay Vince at kinausap sya tungkol sa itatayong building. Tumayo lang ako sa pwesto ko at nag hihintay na maka labas ang lahat para hindi ko na kaylangan makipag siksikan sa kanila.

Palabas na sana ako nang tawagin ako ni Jayson.

"Daisy." Nilingon ko sya.

"Oh Jayson. Ang galing mo kanina ah." Puri ko sa kanya.

"Hindi naman. Kinakabahan nga ako eh." Nag kakamot ng batok nyang sagot. Ganyan sya kapag nahihiya.

"Asus, wag ka nang pahumble dyan." Pabiro ko syang hinampas sa braso.

Oh my, ang tigas. Nag g-gym na ba sya ngayon?

"Actually ngayon lang ako kinabahan sa pag pi-present. Nandito ka kasi."

Napa tingin ako sa kanya nang dahil sa sinabi nya. Hindi ko mapigilang di mamula. Bakit ba ngayon lang ako nakaka ramdam ng ganito. Feeling ko tuloy di ako normal. Hindi ko alam kung paano ako sasagot o anong isasagot ko.

Siguro ay napansin nya iyon dahil iniba nya ang usapan. Tumingin sya sa wrist watch nya.

"It's almost eleven. Can we have an early lunch?" Tanong nya.

Napa tingin din ako sa relo ko. Wala pa naman sigurong iuutos sakin si Vince.

"Okay."

Agad kaming lumabas ng conference room at sumakay nang elevator. First day ko kaya di ko alam kung saan ang cafeteria nila. Bumaba kami sa 3rd floor. Napa hawak pa ako sa may pinto ng elevator nang bumukas ito dahil bahagya akong nahilo.

Agad akong inilalayan ni Jayson. "Are you okay?"

Tumango ako. "Medyo nahilo lang. Hindi ako sanay sumakay ng ganito katagal sa elevator. Sa school kasi hanggang 3rd floor lang ang elevator."

"Too bad for you. Nasa 30th floor ang office ng boss mo."

Hindi ko alam kung biro ba yun o ano kaya tinawanan ko nalang.

Pag pasok namin sa classy at malawak na cafeteria ay kaunti ang tao. Siguro dahil sa maaga pa. Para kaming nasa fine dining restaurant. Kung sa bagay malaki at mayamang kompanya ito kaya ano pa ba ang inaasahan ko.

Umupo kami sa double sitter table. Bahagya nya lang itinaas ang kanyang kamay at awtomatikong may lalakeng waiter ang lumapit sa amin at magalang na bumati.

"Good afternoon ma'am sir. Here's the menu." Naka ngiti nyang sambit at saka kami inabutan ng tig iisang menu.

Nginitian ko din sya pabalik at nag pasalamat. Kumunot ang noo ko nang napansin kong namula sya. Agad din namang umalis ang waiter. Tatawagin na lang daw sya ni Jayson kapag naka pili na kami.

Isa-isa kong binasa ang nasa menu. Napa kamot ako ng di oras sa kilay ko nang spaghetti at carbonara lang ang nakilala ko sa mga naka listang pagkain.

"Anong sayo Dey?"

"Pagkain ba talaga lahat ng naka lista dito? Bakit di ko sila kilala?" Paninigurado ko.

Bahagya syang natawa. Kaya tinignan ko sya ng masama.

"Tinatawanana mo ko?" Asik ko.

"No." Mabilis nyang sagot.

"Eh bakit naka ngiti ka dyan?"

My Care Taker (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon