CHAPTER 2: FIRST MEETING (Part 2)

1.6K 49 0
                                    

Nix's Pov:

Nandito na ako ngayon sa tindahan ng mga sapatos. Namimili ako nang mga sapatos pero may nakaagaw ng pansin ko, at yun ay ang AIR MAX na sapatos.

Huwaaahh!!! Nang hahawakan ko na sana ang sapatos, eh may nakahawak pala nun at isa syang....................

"IKAW?!!!"sabay na naman kami nung gwapong lalaki na masungit.

Oo, tama kayo sa pagkakabasa, yung nakasigawan ko sa food court!

"Sinusundan mo ba ako?!" sya

"Anung sinusundan?! Huh?! Ako kaya ang nauna dito! Baka ikaw ang sumusunod sakin! " huh! Kala nya ha!

"Ang kapal mo naman! Nandito ako para ibili tong sapatos ko! " aba kung maka-angki ng bagay!

"Kung makapang-angkin ka ah?! Kala mo iyo talaga to at para ka na ring nakapang-angkin ng store?!! " sigaw ko sa kanya.

"Eh kung sabihin ko sayong akin nga tong store na to, ibibigay mo na ba sakin tong sapatos? " pang -asar nyang tanong sakin.

"Ayoko nga! Wala ka ngang ebidensya na iyo talaga tong store na to! "

"Meron akong ebidensya! Miss! Lumapit ka dito! " -sya sabay turo nya dun sa sales lady

"Bakit dinamay mo pa ang sales lady abaer? "-ako

"Sya, sya ang ebidensya ko! "-sya

"Ano naman ang kinalaman nya? "

"Basta makinig ka na lang sa mga sagot nya sa mga tanong ko." sabi nya at nag smirk. Tss. Di bagay sa kanya

"Ok, take your best shot! " pagmayabang ko.

"Tch. Miss kilala mo ba ako? "ball akatakot na tanong nya sa sales lady

"Opo. " nakayukong sagot nung sales lady sa kanya.

"Kung ganoon, ano ang pangalan ko?"
Tanong na naman nya dun sa sales lady.

"Kayo po si Mr. Air Max Collins."
Kabahang sagot nya.

"Tss. Ambaduy ng pangalan."
pabulong kong sabi.

"May binubulong ka ba?"-tanong nya na may pag dududa.

"Wala po."-sarcastic kong sabi.

Nagpatuloy na sya sa pag tanung dun sa sales lady.

"Miss kilala mo ba kung sino ang owner nitong store nato?"-panakot na tanong nya dun sa sales lady.

" O-Opo, kayo po ang may-ari nitong store na to."- nanginginig na sabi ng sa- -

Anu?! Sya?! What the!

"Ahhh... Miss diba nagkakamali lang kayo? Diba hindi sya yun?" -tanong ko parin dun sa sales lady.

"Sya po ma'am." - sales lady

"Diba sabi ko sayo? Wala ka kasing bilib sakin eh."- siya

"Alam mo maganda ka pa naman sana, pero masungit nga lang at palaban pa! Meron ka ba ngayon?" Aba! Sumusobra na ata sya!

"Ang kapal ng mukha mo! At ang bastos pa! Kaya eto sayo!!!!! *boogsh! (right face)*  *boogsh! (left face)* 
*pak!! (sipa sa toot nya)*"
Hahaha! Laptrip mga pre!!

"Aray anung klaseng babae ka ba?!! Aray ansakit!
ANAK KA NG PALAKA NA ANAK NG UNGGOY!!!!!!" - sigaw nya sakin.

"Sa unang tanong mo, babae parin naman ako! At hindi ako ANAK NG PALAKA NA ANAK NG UNNGOY!!
Meron bang unggoy na nanganganak ng palaka?!! At sa ganda kong toh?!
Posible ba na anak ako ng PALAKA NA ANAK NG UNGGOY HAH?!!!
Ang labo pare!! Sobrang labo!" - pagmamayabang ko. WOW! Sarap talaga sa feeling na mayroon kang nasuntok! At wala akong pakealam kung anu man ang iniisip ng mga tao na nakapaligid samin ngayon!

"Oo nah! Maganda ka at malabo na anak ng PUT*NG PALAKA O UNGGOY na yan!! Basta eto ang tatandaan mo! Isusumpa ko na kung sino man ang lalaking makasama mo habambuhay ay mamalasin! Basta tandaan mo yan!" Sigaw nya na parang wala nang bukas! At idinamay pa talaga ang magiging future husband ko!

"Wala akong pakealam!! *pak!*" at sinipa ko na naman iyung toot nya.
Hahahaha! Laptrip mga pre!

"Aray! Aray! Salbahe ka talagang babae ka! MAMATAY KA NA SANA!"-patuloy nya pa ring sigaw.

"Wala akong naririnig!"- ako habang naglalakad para makaalis na dito.

"Argh!!! CURSE YOU HALF BOY AND HALF GIRL!! Curse you! Curse you!"
Hahaha!! Nakakatawa yung mukha nya! Graveh! Hahaha!

"Wala pa rin akong naririnig!"- hahaha!

"PESTE KA! MAMATAY KA NA!!!!!!!!"- sya

"Hindi ako noh! Baka ikaw ang mamamatay kakasigaw dyan!" sigaw ko pabalik sa kanya.

.

Hay sa wakas at nakalabas na rin ako sa babo na store na yun!

"Girl diba sya yun?"-Girl 1

"Oo! Sya ng yun! Yung nanakit kay Air!"-Girl 2

Shit pinagbubulungan na ako! At pinagtitinginan pa! Sabi ko kanina, wala akong pakealam pero ngayon meron nah! Sa sobrqng hiya!

Nagpatuloy pa rin ang bulong bulungan, hanggang sa di ko na kinaya.
Tumakbo ako ng tumakbo para makalabas na sa mall kahit na hindi pa ako nakakabili ng sapatos at T-shirt.

Then suddenly.............

*boogsh!* Aray ko! Sakit sa pwet!

"Aray ko! Sakit naman!"-ako sabay punas ng pawet ko at tumayo na.

"Miss! Sorry! Sorry talaga!" - sabi ni...

"Nixon?! Ikaw ba yan?!" Tama! Sya nga si Nixon! Yung kaibigan ng kuya ko noon! Ewan ko nga kung bat sya nawala nung panahong buhay pa si Kuya eh.

"Ahhh, miss magkakilala ba tayo?"- sya. Ay! Bat antanga ko? Nakamake-up nga pala ako! Pero d ko tonanggal ang wig ko para walang makakilala sakin.

"Teka lang ha?" kinuha ko yung nerdy glasses ko sa pack bag ko at isinuot iyon.

"Oh! Ayan kilala mo na ako?"- pagpapatuloy ko.

"Wait! Nixele?! Nixele Fier Lopez?!!"- sya na parang di makapaniwala

"Oo! Ako nga!"- ako

"Kamusta ka na?! Gumanda ka lalo ah?!"- pambobola nya.

"Sus! Nambola pa! Ok naman ako. Hmm, pumogi ka ata! "pang asar ko sa kanya.

"Nix naman eh! Pogi kaya ako kahit noon pa! Tss. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, kaya nga Madgkjstnji" -sya. Hindi ko na naintindihan ang sa huli kasi ang hina.

"Ano? Anu yung last? Hindi ko kasi narinig eh kasi hininaan mo lang!"- sabi ko sa kanya.

"Tss. Ang sabi ko M- - - -" naputol yung sinabi nya kasi bglang may tumawag sa kanya.

"Nixon!"nakatalikod ako sa tumawag sa kanya kaya humarap ako at tumalikod ulit tapos kinuha ko yung eye glasses ko at bilis kong inilagay yun sa  bag ko.

Lumapit ako  kay Nixon at binulungan sya ng...

"Nix wag nawag mo akong tawagin na Nix o Nixele, Fier na lang ang itawag mo sakin." -ako

"Bakit?"-bulong din nya.

"Basta!"-ako

"Nix! Sino yang kabulungan mo?" si Gwapong sungit. Oo! Syaa yung tumawag kay Nixon! Nakakainis nga eh! Haist!

"Ahhh, sya si ano si Nix-este Fier!"naguguluhang sabi ni Nixon. Humarap ako para makita nya ako.

"Ikaw na naman?!"-sya

"Oo tama ka! Ako nga!" plastic kong sabi.

"Lumayo ka nga sa kanya! Tara alis na tayo!"- sya sabay higit kay Nixon. Kaanu anu ba ni Nixon toh?

"Teka Air bakit?!" Ahh, Air nga pala ang name nya. Hindi kasi ako magaling magmemories ng pangalan eh, lalo na sa mga kaaway!

"Basta! Halikana!"- at hinigit na nya si Nixon.

"Bye Fier! Sorry dito sa  bestfriend ko!"- pahabol ni Nixon.

"Bye!"- ako
.
.
.
.

A NERD TURNS INTO A GANGSTERWhere stories live. Discover now