CHAPTER 14: . . . . .

746 20 0
                                    

Nixele's PoV:

*titititit! titititit!*

Minulat ko ang mata ko dahil sa alrm clock at agad na tinaklob iyon.

Sa nangyaring sunog kahapon, in-excuse na lang ako sa lahat ng subject ko dahil nabiktima daw ako sa sunog.

Argh. Ang sakit ng katawan ko, pero di din naman gaano kasakit tulad nang kahapon.

Pumunta na ako sa banyo at sinimulan ang mga dapat gawain.

.

.

"Ate Elyse!! Sina Mama at Papa?" sigaw ko pagkababa ko sa hagdan.

"Naku! Kakaalis lang nila. Nga pala baon mo nandyan sa mesa!" sigaw nya habang naliligo sa banyo.

"Sige ate! Una na ako!"

"Teka! Di ka kakain?" tanong nya

"Di na!" Sigaw ko at lumabas na nga sa bahay.

Someone's PoV:

Palalagpasin ko muna ang nangyari sayo kahapon Nixele. Sa ngayon, bibigyan muna kita ng panahon parang magpakasaya kasama ang mga kaibigan mo.

"Sinisiguro kong wala nang makakapantay o makakalamang ulit sakin."

*Evil laugh*

Nixele's PoV:

Kararating ko lang nang....

"*boogsh!* Ay! Sorry Nixele-este Nerd!" tapos nagtawanan ang Apat na alipores nya

"Tss. Kapal ng mukha mong banggain ako. Sino ka nga ba?" dahan dahan akong tumayo galing sa pagkakaupo tas nagpagpag ng damit.

"What?! Hindi mo ako kilala?!" napipikong sigaw nya.

"Hindi. Wala rin naman akong balak na kilalanin ka." kalmado kong sagot at lalagpasan na sana sya nang higitin nya ang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"Hindi ka ba marunong rumespeto? Hindi ka ba tinuruan nga magulang mong rumespeto?!" kung nagagalit ka. Mas nagagalit ako!

"Marunong naman akong rumespeto at tinuruan naman akong paano rumespeto ng mga magulang ko. Ang tanong lang Ay KARESPE-RESPETO KA BA?" wrong move eh. Dinamay nya magulang ko.

Nagtawanan yung mga estudyante matapos kong sabihin yun. Nilagpasan ko na lang sila at pumunta na sa room ko.

"Good morning Nixele!" Bati sakin ng tatlong Babar pero isang blangkong tingin lang ang natanggap nila

"Este BAD MORNING." tss diniinan pa talaga ang 'bad morning'

Umupo ako sa upuan ko at sakto ring dumating ang teacher namin.

Discuss lang nang discuss si Ma'am pero lutang ang isip ko eh. Pano ba yan?

"Oh. I forgot to tell you something. May Apat na transferee this time, they're girls." nakangiting sabi ni Ma'am."Get inside girls and introduce yourselves." pagpapatuloy nya.

Pumunta na yung Apat na babae sa harapang at ang masasabi ko lang naman Ay puro sila magaganda pero feeling ko di kami magkakasundo.

"Hi! I'm Zyxa Kim Alvaren. 18 years young."pakilala nya. Hmm mukhang friendly?

"I'm Lishelle Jin Perez, you can call me Jin 17 din." Ako lang ba ang nakakapansin o sadyang pareho sila ng shape ng mukha ni Sandara Park?

"Good morning. Kynche Miles Silvano. 18 years of age." pakilala naman hung bookworm at a kasi nagbabasa ng libro eh.

A NERD TURNS INTO A GANGSTERWhere stories live. Discover now