CHAPTER 34:

159 7 8
                                    

Nixele's PoV:

Nung huminto na kami, kinapa ko agad yung katawan ko kung may natanggal ba sa sobrang bilis mag drive ni Thunder. OA na kong OA basta ang bilis nyang magpatakbo.

"Ok salamat at kompleto pa naman." ako sabay buntong hininga at napanganga naman ako nung mag angat ako ng tingin.

"Woah! Ganda ah." sabi ko na may kasamang tango pa

"Hey, you comin'?" agad naman akong napatingin kay Thunder na medyo nakalayo na pala kaya naman sumunod na ako.

Nang makapasok na kami mas lalo akong napahanga, ang linis mga tsong saka ang laki! Malamang Nixele,kung sa labas nga malaki ano pa kaya dito sa loob diba? Gamitin mo kasi utak mo.

Habang patungo kami sa dining ata? Biglang sumigaw si Thunder.

"Ma! She's here!" natawa naman ako ng kaunti kasi first time kong narinig na sumigaw sya. 

Agad namang sumalubong samin ang Mama nya na naka-apron pa na agad naman din itong tinanggal.

"Hija, how are you?" ngumiti ako, "I'm fine po Tita. Ahhh kayo po ba ang nagluto?" tanong ko dito.

"Well, yes. Kasi usually pag may bisita na di naman gaanong karami, ako ang nagluluto but also, with the help of our cook shempre. So let's go na?" agad akong ngumiti at tumango.

Napatingin naman ako kay Thunder na di pa rin umaalis sa kinatatayuan nya kaya siniko ko sya nang mahina, "Hoy, lalim ata ng iniisip mo?" bigla syang napatingin sakin. Well, to be specific, napatitig sakin.

Teka, bakit ganito ang mga mata nya? Di ko mabasa? Para bang may halo-halong emosyon. Natinag naman ako nang mag  iwas sya ng tingin saka naglakad na patungong dining kaya kibit balikat akong sumunod sa kanya.

Nang makaupo na kami, akmang kakain na sana si Thunder nang tapikin ko ang kamay nya "Pray muna." Napatawa naman kami ni Tita nang umirap sya

"Yeah right" ang nasabi nya. Pfftt

Matapos naming magdasal agad na kumain kami.

"Mmmm. Ang sarap tita ah, mukhang mapaparami ata ang kain ko ngayon hehe."

"Well sinarapan ko talaga yan para sayo and I'm glad you liked it." sabi nya tas ngumiti sakin

Grabe ang ganda talaga ng nanay netong si Thunder tas super bait pa. Sana ganito rin si Mama.

"Hey Nixele?"

Ang sarap siguro magkaroon ng maalaga na nanay noh? Haha sana makaranas rin ako ng ganito sa mama ko

"Nixele"

Sana all nga talaga haha

"Nixele, what"s wrong?" napaangat naman ako ng tingin kay Thunder

"Ahh ha? Ano yun?"

"We've been calling you and you didn't even responded. What's wrong hija? Are you okay?" sabi ni tita na may paghahalong alala ang tono

"Ahhh opo tita ok lang po ako, may naisip lang po" saka ko sya binigyan ng ngiti

"Oh I see. So I've heard na lagi kang top one sa klase nyo?"

"Ahhh ga-ganun nga po." nahihiya kong ani "Pero matanong ko lang ho, pano nyo po nalaman ang tungkol dun?" taking tanong ko.

Kase nga naman diba? Kakikilala ko pa lang sa kanila eh hindi naman chismoso tung Si Thun--- "My son told me"

"Po?? *cough!cough!cough!*"nabilaukan naman ako sa sinabi ni tita

"Here, have some water"- tita

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A NERD TURNS INTO A GANGSTERWhere stories live. Discover now