Nixele's PoV:
Hay! Grabeh! Ansakit ng paa ko! Leche! Para ata akong nanggaling sa pagdadaro!
Pero yung boys?! Naku! Walangkahirap hirap. Ang daya kasi eh! Sila yung laging nag bre-break kahit na di naman todo yung pag practice!
Tss. Sino ba kasing nag imbento netong pageant-pageant na to? Sabihin nyo para mapatay ko na! -___-
Sige na muna! Maliligo lang ako.
Nashaia's PoV:
Whoo! Ang aga ko ata ngayon ah! Anim pa lang kasi kami dito.
"Uy Eunice! Wala pa rin ba si Mrs. Ortega ngayon?" tanong ko.
"Wala pa rin. Kasi operasyon ng nanay nya ngayon." sagot naman nya.
"Ahh, ganun ba? Sige salamat!" tinap ko sya sa balikat at dumiretso na sa upuan ko.
"Hoy, paparating na sila Hero." rinig ko namang bulong ni Mae
Base sa kwento sakin ni Nixele tungkol kay Hero noon, mabait raw. Pinagtatanggol sya at saka may respeto raw sa kapwa. Pero ba't opposite yung attitude ni Hero para sakin?
Well, tao nga naman iiba-iba ang ugali. I know may reason din sya.
Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko
"Anong meron Thunder at napa aga ka ata." nilingon ko naman sya at, ay mali pala.
"Ah, ikaw pala Kris." sabi ko at kumuha ng bag at ballpen sa bag. Parang trip kong magsulat ngayon eh.
"Kris." napalingon naman ako kay Kris.
"Ahm, sinong Kris ang tinawag mo? Ako o ikaw?" tanong ko pero ang loko, binigyan lang ako ng blangko na tingin.
"Tss. Ikaw. Ikaw kausap ko eh." inirapan ko nalang sya.
Nagtanong lang naman ako ah! Bakit? Kris din naman ang pangalan nya diba? Psh!
"Ako pala? Akala ko kausap mo sarili mo eh."
"Mamaya, sabay tayong mag recess." nabigla ako sa sinabi nya.
"Ayoko" sabay na sabi namin ni....
"Oh, Thunder." tawag ko sakanya tas nginitian.
Aba?! At kailan pa nya ako inirapan?!
"Alis jan. Pwesto ko yan." nilingon ko si Kris pero parang walang narinig.
Hinagis naman ni Thunder ang bag ni Kris at nilagay naman ni Kris ang bag nya sa arm chair.
"Hoy! Saan ka pupunta?" tanong ko kasi paalis na sya eh.
"Wala si Ms. kaya manunuod ako sa practice nina Max." bigla naman akong naexcite sa sinabi ni Thunder,
"Teka lang, sama ako!" sigaw ko tas iniwan na doon si Kris.
Nixele's PoV:
Pag kadating ko kaagad dito sa gym, natanaw ko na kaagad ang mga kasama ko.
"Tara na."
"Anak ng pating naman oh! Ba't ka nanggugulat?!" sigaw ko kay Max.
"Gulatin ka lang talaga. Tara na nga." sya tas kinaladkad nako.
"Oh! Nandito na pala ang lovebirds." asar ni Jewel kay napatingin sina Mr. Romero samin.
"Hindi kami lovebirds noh. Tao kami. God morning teachers." bati ko at tumango naman sila.
"Bakit hindi nalang high heels ang suotin mo sa pagpasok mo dito sa school?" tanong ni Mrs. Acorda.
Sasagot na sana ako nang umimik si Max.
YOU ARE READING
A NERD TURNS INTO A GANGSTER
Teen FictionThis story is all about the great NERD that was afraid to be left. But then destiny interfered, she became the Greatest Gangster of all that was craving revenge for the one who killed his brother. What will happen if she will meet that person?