CHAPTER 21: *BANG!*

646 23 0
                                    

Nashaia's PoV:

*titititit! titititit! titititit!*

Napabalikwas ako sa kama ko nang marinig ang alarm ko. Tinignan ko yun at 7:00 o'clock?! Shit! 9:00 am ang flight namin! Tapos hindi ko pa natatapos ang pag eempake ko dahil nakatulog ako kagabi.

Napangiti na lang ako nang makita ko ang picture frame na regalo nina Nixele, Nathalie at saka Natasha kahapon. Monthsary kasi namin kahapon bilang magkakaibigan tapos eto yung niregalo nila samantalang ako, tig iisang sapatos lang ang binigay ko sa kanila. Mas memorable pa nga tong binigay nila eh. Kita talaga ang saya saya namin. Kami nina Nathalie at Natasha, kita talaga ang ngipin sa pagsmile samantalang si Nixele, tipid lang na nakangiti. Pero kahit ganun, kita ko pa rin sa mata nya kung ganp sya kasaya.

*tok tok*

Napatingin ako sa pinto at tinakbo para buksan yun.

"Bakit po Mommy?" tanong ko pagkakita ko sa kanya

"Bakit ka umiiyak?"

Nagtaka ako sa tanong nya kaya napahawak ako sa pisnge ko at basa pala ito. Umiyak ba ako? Ba't hindi ko namalayan?

"Ahhh. Laway po toh mommy. Hindi po ako umiiyak. Alam inyo namang olive oil ako kung matulog diba?" iwas tingin kong sagot.

"Eh bakit galing sa mata?" sasagot pa sana ako nang magsalita sya ulit, "O sya. Pagtapos kana dito baba ka na ka agad para makakaen na tayo saka inimbitahan ko sila Nixele at yung kaibigan rin ni Nixon." bigla namang kumislap ang mata ko nang banggitin nya ang pangalang Nixon.

"Talaga po?! Inimbitahan nyo po sila? Ahh sige mommy ipagpapatuloy ko na po to para narin po makapag ayos narin ako at saka makababa." pagkasabi ko nun, umalis na si mommy kaya sinarado ko na yung pinto.

Total tapos nakong mag impake, inilagay ko nayung picture frame sa isa kong maleta tapos pumunta na sa banyo.

Thunder's PoV:

Nandito na kami ngayon sa harap ng bahay nila Nashaia. Ewan ko lang pero kinakabahan ako.

"Windce, ikaw na mag doorbell." Ani Nixon.

"Thunder pindutin mo raw ang doorbell." Ani naman ni Windce

"Max, ikaw daw sabi nila." walang ganang sabi ko.

"Sinong inuutusan inyo?" mapagbantang sabi nya

"Sabi ko nga. Ako na." nakakamot batok na sabi ni Nixon saka pinindot ang doorbell.

"Bro, galit ka parin ba kay Tyro? Wag kang mag alala, ikaw lang ang crush ng kapatid ko!" namula naman ng ka unti si Windce sa sinabi ni Nixon

"Ewan ko sayo!"

"Sus! Kung ako sayo, ligawan mo na! Boto kaya ako sayo para sakanya." panunukso parin ni Nixon.

"Ha? Sino ang liligawan ni Windce?" napalingon sila sa likod dahil sa Gulag except sakin.

"Tss. Nathalie, nakakagulat kayo." Sabi ni Windce

"Hehe, sorry naman."

"Oh! Nanjan na pala kayo! Halikayo pasok kayo!" masayang bati ni Nashaia.

Sunod naman kami. Ang ganda pala ng mommy ni Nashaia. Di nako nagtaka kung daan sya nagmana.

"Nash! Nandito na sila!" sigaw nito

"Pababa na po." napatingin ako sa hagdanan at parang nagslow mo nang makita ko sya. Haist! Thunder, stop thinking nonsense!

Naka blue ako pati na rin sya blue na dress hanggang tuhod. What is this? Soulmate? Aish! Stop it Thunder.

A NERD TURNS INTO A GANGSTERWhere stories live. Discover now