CHAPTER 25: Meet his Mom

603 19 2
                                    

Nixele's PoV:

"So candidates, come here on stage."

At gaya nga ng sabi ni Teacher I don't know, tumungo nga kami sa stage.

"And now! These are our all candidates for the Mr. and Ms. Intrams!" naghiyawan at palakpakan ang lahat.

Narinig ko pa nga ang sigaw ni Nathalie eh, habang ako naman nahihiya. Ang gaganda kaya at ang popogi ng mga kasama ko dito!

Umatras ako ng kaunti para makatago ako sa likod ni Max. Pero nagulat ako nung hilahin nya ako papunta sa tabi nya.

"Dito ka lang." bumuntpng hininga na lang ako at naghintay sa susunod na sasabihin ni Teacher.

"Lahat ng candidates, excuse sa susunod na pasok dahil mag e-ensayo sila simula ngayon. So dismiss!"

Napa 'aww' naman yung iba keso daw ang swerte daw namin. Ano namang maswerte dito? Mapapagod lang kaya kami sa kakapractice! Mas mabuti pa nga yung nakikinig sa discussion ng teacher namin eh.

"Kayo naman." turo ni teacher samin. ". Bibigyan ko kayo one hour bago tayo magsimula. Mag relax-relax muna kayo dahil mukhang magiging mahirap ang pag eensayo nyo ngayon." tumango kaming lahat tapos umalis na sya.

"Ahm, Nixele tama ba?" napalingon ako sa tumawag sakin.

"Ahh oo ako nga. Bakit?" tanong ko kay Jewelat Felix.

"A-ako nga pala si Felix. Sya naman si Jewel." pagpapakilala nya.

"Ahh, oo. Kanina lang, nalaman ko yung pangalan ninyo. Ang ganda mo Jewel pati na rin ikaw Felix." nakangiti kong sabi.

"Po? Si Felix? Maganda?" natawa kami ni Max sa sinabi ni Jewel.

"Ahh ,hindi yun ang ibig kong sabihin. Gwapo rin si Felix. Yun yun."

Ako lang ba to o ano? Namumula yung pisnge ni Felix?

"Salamat" Felix

"Alam nyo, bagay kayo. Maganda at saka gwapo!" pang aasar ko sa kanila pero kumunot lang yung noo nila.

"Sa totoo lang po kasi ate,  magpinsan po kami." lumaki naman yung mata ko sa sinabi ni Jewel.

"Ga-ganun ba? Hehe, sorry ha?" nahihiyang paumanhin ko. "Ah, nga pala, sya si Max." pakilala ko kay Max sa kanila.

"Aahhhmm, Nixele, kaano-ano mo sya?" tanong naman ni Felix.

"Boyfriend nya." proud namang sabi ni Max.

"Bakit Felix?" nakakalokong tanong nya

"Wa-wala naman. Si-sige alis muna kami." tas hinigit na ni Felix si Jewel.

Sinamaan ko naman ng tingin si Max, "Ikaw! Bakit mo tinakot? Nakikipagkaibagan lang naman sila ah?!" pero nginisihan lang ako ng loko!

"Tara, upo muna tayo. Sayang lang yung oras." sya

Pumunta kami sa may bandang gilid ng stafe saka umupo. Meron kasing dalawang upuan eh.

"Tingin ko may gusto sayo yung Felix na yun." seryosong sabi nya.

"Tss. Nagpapatawa ka ba? Bata yun noh!" natatawang sabi ko.

"Bakit? Si Vans rin naman ah nagkagusto sayo." napaubo ako sa sinabi nya.

"Weh? Totoo?!" Tanong ko tas tumango lang sya.

"Naku kung kaedad ko lang sya? Siguro nagkagusto na rin ako sa kanya." Sabi ko habang nakatingin sa taas.

"Eh? Mas gwapo pa ko dun." pagyayabang na naman nya.

"Naku! Naku! Ang lakas na ng hangin! Sa sobrang lakas, nililipad na ko!" Sarcastic kong sabi at nag act na parang nililipad ako nito.

A NERD TURNS INTO A GANGSTERWhere stories live. Discover now