CHAPTER 31: . . . .

418 10 0
                                    

Nixele's PoV:

Pagkarating namin sa field, namangha ako dahil sa mga magagandang booths na naipatayo na nila.

"Wow! Ang ganda!!" mangahang sigaw ko.

"Itikom mo nga yang bibig mo, mukha kang bangag."

tinignan ko naman ng masama itong katabi ko.

"TSS. Ewan ko sayo." ako tas naglakad na patungo sa booth namin.

"Oh Natasha, sobrang busy ata natin ngayon ah." bungad ko naman sa kanya nang makita ko sya.

"Oh god! Nandito na pala kayo. Pakikabit naman nitong name ng cafe natin jan sa labas oh." hindi pa nga ako nakakapayag eh, binigay na agad sakin ang tarpolin. Tss.

"Ok, oo na!"

"And oh! Pakikuha na rin nung ladder sa gilid!" pahabol nyang sigaw.

"Yeah, got it! Hoy Max, pakidala naman nitong hagdan." utos ko sa kanya.

"You do it. You're strong enough to carry that thing." napairap naman ako ng wala sa oras.

"Max, sige na kasi! May dala pa akong tarpoline oh!" sabi ko tapos pinakita ko ang dala dala kong tarpolin.

"Then beg it."

Napapout naman ako ng palihim.

"Tss. Please! Pakidala naman nung hagdanan."

"OK. Yan naman pala eh." nakangisi nitong sabi kaya napa-irap ako.

Nung nakalabas na kami, pinuwesto na ni Max yung hagdan sa lalagyan namin ng tarpoline kaya umakyat na ako total naka jeans naman ako.

Pagkatapos kong masabit ang sa kanan ng tarpolin, bumaba muna ako saka iniurong kong kaunti sa kaliwa saka umakyat.

"Hay! Salamat naman!"

Bababa na sana ako nang merong tao na tumatakbo patungo dito na hindi nakatingin sa daan.

"H-hoy!! Tumigil ka!!!!----"

"Shit! Nixele ang bigat mo!" natauhan naman ako nang may magsalita sa likod ko. So nakadagan ako sa kanya ng patalikod. Liningon ko naman sya na syang pinagsisihan ko.

*lubdub*

*lubdub*

*lubdub*

Nagkatitigan kami ni Max na sobrang lapit ng mukha namin.

Isang maling galaw ko lang makakahalikan na kami. Para na nga kaming nagnose to nose. Tas naduduling na rin ako dahil sa lapit namin.

"Nixe-- hoy! Ba't dito nyo yan ginagawa?? Kayo talaga! Get a room!!" agad agad naman akong tumayo.

"Hoy Natasha! Mali yang iniisip mo!" depensa ko agad.

"Bakit, ano ba ang iniisip ko?" nakangising tanong sakin ni Natasha.

"Ah ano, yung alam mo na? Aish!"

"Anong alam ko na? Dali ano na?" tanong nya parin na hindi nawawala ang nakakalokong ngiti nya.

"TSS. Wala! Wala! Hoy Max! Isauli mo na yang hagdanan doon." sabi ko na lang saka nagmadaling pumasok sa loob ng booth namin.

"Oh anyare sayo? Ba't ang pula mo? may sakit ka ba?" napatakip naman ako ng mukha ko nung bumungad sakin si Nathalie.

Teka, ano nga bang nangyayari sakin? Ba't nga ba ako namumula? Ahhhh..... Di kaya .... Aish ano ba yang iniisip mo Nixele! Malamang naumula ka dahil sa nahulog ka!

"Ahh, ano nahulog kasi ako matapos kung ikabit yung name ng booth natin." sabi ko naman.

"Nahulog?! Ano ok ka lang ba?! Buti hindi ka nabalian! Hahaha"

"Sige pagtawanan mo pa ako! Sana mabilaukan ka ng sariling laway mo." aish! Nakakainis talaga.

"Hindi talaga yan masasaktan." napatingin naman ako kay Natasha, "Kasi nga may sumalo sa kanya. Di ba Max?"

Pinanlakihan ko naman ng mata si Natasha at tumingin kay Max ng nagbabanta.

"Wahhh!! Talaga Max?! Yiiee! Ang sweet naman pala neto eh." pangungulit ni Nathalie.

Hindi nya nalang ito pinansin.

"Tumahimik ka nga Nathalie aksidente lang yun ok?" pagpapaliwanag ko naman.

"Oh edi sige! Sabi mo eh." nakanvisi nitong sabi na kinainis ko

"Hay, bahala na nga kayo jan." sabi ko na lang saka lumabas

Lakad lang ako ng lakad tumitingin sa ibang mga booths saka sa totoo lang ang ganda talaga jalatang pinaghandaan.

"Can we talk for awhile?" napalingon naman ako sa likuran ko nang may bumulong sakin.

At pagkalingon ko......

"A-hhh H-Hero ikaw pala. A-Ano sige."

Napangiti naman ako ng palihim.

.

.

Dinala nya naman ako sa basketball court at umupo sa bleachers.

Uhm spell nga ng AWKWARD, KAMI YUN.

"Uhm Nix, can you tell me about my old self?" napatingin naman ako sa kanya sa naging tanong nya at napangiti.
.
.
.
.
.
A/n: Okay! Short update. Sorry talaga sa long long update. Atsaka promise mag uupdate na ako maybe 2-3 chapters in one week.

So please wag kayong magsawa na basahin tong story ko!!! Lovelots!! <3

A NERD TURNS INTO A GANGSTERWhere stories live. Discover now