Nixele's PoV:
Nandito na ako sa gate nang makita ko si Felix na nasa unhan ko lang.
"Hoy! Sabay na tayo?" mukhang nagulat naman aya sa pagsulpot ko kaya natawa ako ng bahagya.
"Kumusta ang practice kahapon?" seryosong tanong ko at nagpatuloy na sa paglakad.
"Ayun, tahimik." napabuntong hininga ako.
"Kasalanan ko yun." malungkot kong sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong din nya
"Kasalanan ko kasi, kung nag-ingat lang ako na di makita ni Max tong namamaga kong paa, edi sana hindi na sila nagkagalitan."
"Nakita ko rin kahapon nung naglalakag ka ang pag-alala sa mata ni Max na nakatingin sayo." naguluhan ako sa sinabi nya.
"Ano?"
"Nakita kita kahapon na naglalakad pati na rin si Max na nasa bandang likuran mo." tumingin sya sakin at ngumiti. "Nakita ka nyang nappahinto sa paglakad at minsahe ng kaunti ang paa mo kahapon at ganun din ang nakita ko. Bakas talaga sa mukha nya ang pag-aalala. At saka nung nagsimula ka nang maglakad, ginulat ka nya at sabay na kayong pumasok." natawa ako sa sinabi nya.
"Sya? Nag-alala sakin? Nagpapatawa ka ba?" napasimangot ako nung seryoso pa rin ang mukha nya.
"Bakit? Hindi ba normal sa boyfriend ang mag alala sa girlfriend nya?" napalunok ako ng laway sa sinabi nya.
"Ahhh-"
"Nixele." napatingin ako sa harap ko.
"Ahh, Max." kinakabahang sabi ko.
"Ba't kayo magkasama?" tanong nya na nakatingin kay Felix.
"Ahm, ano kasi. Ahh--"
Promise. Uso ba ang di pinpatapos magsalita ngayon?
"Nagkasalubong kami kaya napagpasyahan namin na sabay na lang kami." Felix
"Yun nga! Tara na?" Aya ko kay Max.
Tumango lang sya at nagsimula na kaming maglakad habang nasa gitna nila ako. Si Max, nasa kanan ko tas si Felix naman nasa kaliwa ko.
Bakit hindi ata ako komportable pag magkasama sila?
Papasok na sana kami nang pigilan ko si Max.
"Kinakabahan ako." saad ko.
"Dito ka lang sa likod ko." kampanteng sabi nya.
Nagtago ako sa likod ni Max at pumasok na nga kami.
Paano kung di na pala kami kasali ni Max? Sayang naman ang pagdala ko netong dirty white na heels.
"Mr. Collins, we're really sorry for what happened yesterday." pagkarinig ko nun, agad na kong lumabas sa likod ni Max.
"At pati na rin sayo, Nixele." nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Ortiz.
Isa lang kaya akong hamak na estudyante dito tas nag sosorry sakin ang isang mataas na ranggong guro?!
"Po? Ako po dapat ang mag hingi ng sorry." nakayuko kong sabi. "Asan po pala si Mr. Romero?"
"Nag-resign na sya kanina lang." sa sinabi ni Mrs. Acorda, parang gusto kong suntunkin ang sarili ko ngayon.
"Bakit po sya nag resign?" tanga lang Nixele?!
"Dahil nga dun sa nangyari kahapon. Pero wag muna natin yang problemahin. Kailangan na nating mag double time sa pag practice. At kayo na lang pala ang hindi pa nakapag practice sa talent nyo na related sa sports na napili nyo."
YOU ARE READING
A NERD TURNS INTO A GANGSTER
Teen FictionThis story is all about the great NERD that was afraid to be left. But then destiny interfered, she became the Greatest Gangster of all that was craving revenge for the one who killed his brother. What will happen if she will meet that person?