CHAPTER 17: Problem

642 21 0
                                    

Nashaia's PoV:

Tapos na akong magbihis para magsimba. Plain White dress lang na above the knee at white doll shoes ang suot ko ngayon. Shempre naka eyeglasses ako at ponytail ang buhok. Bumaba na ako para naman makakain na ako noh.

Pumunta na ako sa dinning at umupo na sa upuan doon. Si Mommy ko lang ang kasama ko ngayon. Si Daddy? Three years nang patay. At dahil yun sakin.

"Anak, yung flight pala natin, sa August 10." nalungkot ako sa sinabi ni Mommy. Kaya ko bang iwan ang lahat?

"Mom, pwede po bang imove sa 11? Kasi monthsary po naming mag best friends yan eh."

"Pero diba pangatlong move na natin toh? Paano mong madaling kalimutan ang lahat ng nandito kung pinapatagal mo pa?" iritang sabi ni mommy.

"Mommy, last na po toh! Please?" tas nagpuppy eyes pa ako. Please sana gumana?

"Sige na, Sige na. Basta tigilan mo na yang ginagawa mo." napangiti ako sa sinabi ni mommy.

Tumayo ako at yumakap sa kanya. "Thank you mom! Love mo talaga ako!" then I kissed her cheek.

"I know you already know how much I love you. So this will be the last move of our flight, understand?"

"Yes mom!" ngiti kong sagot sa kanya

"Po?! Aalis na po kayo ni Nashaia?" napatingin kami kung Asan nanggaling yung boses at... Shit!

"Oo ija. Hindi ba nabanggit sa inyo ni Nashaia?" tumingin silang tatlo sakin na teary eyed na except kay Nixele na walang expressiong pinakita.

"Ajhhh, guys! Kain tayo?" Kabadong tanong ko sa kanila

"Ba't di mo sinabi?" Nathlie kasabay ang pagtulo ng luha nya.

"We'll not join you unless you won't tell us the reason." cold na sabi ni Nixele

Eh pano ba toh? Naiiyak na ako!

"Ahhh, mommy sa salas muna kami." hahawakan ko sana si Nixele nang nanguna na ito sa paglalakad.

"By the way tita, sorry for ruining your breakfast." pagpapaumanhin ni Natasha at sumunod na silang dalawa ni Nixele.

Pagkadating ko sa salas, nadatnan ko silang ng cellphone. Gawain na talaga namin to, pag nagkatampuhan, cellphone agad kukunin.

"Guys, sorry na oh." sabi ko sakanila pero sa cellphone pa rin sila nakatingin.

*sigh*

"Look. Pwede makinig muna kayo?" malungkot kong tanong and thank god nakatingin na sila sakin except nga lang kay Nixele.

"Balak ko naman talagang sabihin sa inyo eh, kaso naunahan ako ng takot. Natakot ako na baka pag sinabi ko, di nyo na ako papansinin." nakayukong sabi ko tas naramdaman kong tumayo si Nixle kaya napatingin ako sa kanya

"Alam mo? Kung noon mo pa sinabi maiintindihan namin. Pero ba't mo pa pinatagal? Mas mabuti pa nga kung maaga mamin nalaman! Di yung week na lang aalis kana? Anung klaseng kabigan. Siguro simula ngayon iiwasan na kita para di ko nman maranasan ang maiwan ng taong mahalaga sakin!" napiyak ako sa sinabi ni Nixele kasabay rin ang pagtulo ng luha nya.

Pinahiran nya ito, "Dapat ko ba talagang iyakan ang di ko naman totoong kaibigan? Tss. Mali naman siguro yun."

Pagkaalis nyang, doon na ako tuluyang napahagulgol. Anong ginawa ko?

"Nixele! Please wag naman ganito! *sob*" iyak lang ako ng iyak tas bigla kong naramdamang may yumakap sakin. Napangiti ako nang mapagtanto kung sino sila.

"Ok lang yan Nash. Tutulungan ka namin at saka wag kang maniwala kay nixele na hindi ka totoong kaibigan, nagsisinungaling lang yun. Magkakabati rin kayo. Ikaw pa! Di ka matitiis non noh!" Napangiti ako sa sinabi ni Nathalie.

"Salamat sa pag comfort." Ngiti kong sabi sakanila habang

"Gaga! Di ka namin kino comfort! Sinasabi ko lang ang totoo! At kung naghahanao ka ng magcocomfort sayo, gamitin nyo comfort room nyo!" napatawa na lang kami ni Natasha sa inasta ni Nathalie.

"At saka gaga ka rin. Malaking problma to. Paano ko nga ba ito sisimulan? 1 week na lang aalis na kami." malungkot kong saad saka umupo sa sofa kaya tumabi naman sila sakin.

"Susupotahan ka namin sa pag alis mo. Naiintidihan rin namin eh. Para sa kaligtasan mo at kay tita. Kaya susuportahan ka namin kahot anong mangyare. At sususportahan ka rin namin dyan sa malaking problema mo." napaiyak ulit ako sa sinabi ni Natasha.

"Thank you talaga nang marami." ako

"Sus! Sus! Tigilan muna ang drama! Ispan mo muna ng solusyon ang problema mo! Mahirap pa namang suyuin ang isang yun. Kailangan wala pang august 10 bati na kayo! Kundi, ako magbabati sa inyo!" sigaw ni Nathalie

"Haha, loka ka talaga. Shempre may plano na ako. At sanan, sana gagana." Sana nga .

Sana nga magtagumpay ako.

Nixele's PoV:

"Lecheng buhay nga naman oh! Haha." mahinang sigaw ko.

"Iiwanan na naman ako." umupo ako sa ugat ng puno at sumandal dito.

Nandito ako ngayon sa park. Dito kung saan walang gaanong tao.

"Mauulit na naman eh." tumulo na naman ang luha ko ka sabay rin ang pagbuhos ng ulan.

"Tss. Talagang nakikisabay pa." bulong ko sa sarili ko habang nababasa na ako.

Pero naramdaman ko na lang na hindi na ako nababasa ng ulan kaya tumingala ako at nakitang meron parang nagpapayong sakin.

"Seems like you have a big problem." si Thunder. Sya yung nagpayong sakin.

Umupo sya sa tabi ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya.

"Hindi ako umiiyak." pagsisinungaling ko kaya napakunot ang noo nya.

"Wag mo kong lokohin." cold nyang sabi kaya napabuntong hininga ako.

"Aalis na si Nashaia."

"Ano? Bakit naman?" ako lang ba talaga to o sadyang nag iba ang mood nya?

"Hindi ko alam. Tss. Prolema na nyang yun. Total hindi ko na naman sya papansinin simula bukas. Parang masanay na ako." Malungkot kong sabi.

Wait lang naging madaldal ako ngayon ah? Pero ang ikinatataka ko lang, simula nung una pa lang, feeling ko ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Kahit na cold.

"Gusto ka nga parang makilala ng Mama ko, Tara ayun sya oh." sy sabay turo sa- oh. Ang ganda naman ng nanay nya.

Tumayo na kami at nilapitan ang Mama nya.

"Hi po. Ako nga po pala si Nixele. Ang ganda inyo po." napatakip agad ako sa bibig ko. Nsku Nixele nga naman!

"Hindi naman. Ikaw maganda ka rin." nakangiting sabi nya.

"Nice meeting you po." Sabi ko at nilahad ang kamay ko.

"Nice to meet you too. " tinanggap nyang naman ang kamay ko. "Ahh, pwede payakap?" nagulat ako sa naging tanong nya.

"P-Po? Pero mababasa po kayo."

"Ok lang."

"Si-sige po." nahihiyang sabot ko.

Niyakap nya ako. Kahit sandali lang, para akong niyakap ng INA na hindi nagawa ni Mama sakin.

"Nixele, hatid ka na namin." alok ni Thunder

"Nako wag na. Malapit lang bahay namin dito. Nice to meet you po ulit. Bye!" pagkasabi ko nun kumaripas ako ng takbo.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit?

Bakit parang nraramdaman ko na kilala ko sya?

Haist! Masyado lang siguro akong praning!

A NERD TURNS INTO A GANGSTERWhere stories live. Discover now