Kabanata 2: Surprised

100 26 34
                                    

KATATAPOS lang ng klase ng seksyon Euclid kung kaya ay agad silang nagpulasan upang makalabas na sa kanilang silid-aralan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KATATAPOS lang ng klase ng seksyon Euclid kung kaya ay agad silang nagpulasan upang makalabas na sa kanilang silid-aralan. Makikitang pagod na pagod na ang mga estudyante dahil sa maghapong mga aktibidad. Sa katunayan, hindi nila inaasahan na magbibigay agad ang kanilang mga guro ng mga pagsusulit kahit na unang araw pa lamang ng pasukan. Nagtaka sila kung bakit matagal silang pinauwi ng kanilang huling guro; sila na lang kasi ang natitirang mga estudyante sa buong paaralan.

"Yey! First day is done!" sigaw ni Kian sabay akbay kina Theo at Caitlynn na kasalukuyan niyang kasabay sa paglalakad.

"Aahh... Kian?" ani Caitlynn. "'Yung braso mo, ang bigat kasi," dagdag pa nito sabay yuko.

"Susss... nahihiya ka lang yata sa akin e," panunukso ni Kian na agad ikinainis ng dalaga.

"'Di kaya! Sadyang mabigat lang talaga. 'Di ba, Theo?" sambit ni Caitlynn sabay baling ng tingin kay Theo. Tahimik namang ngumisi ng malapad si Theo sa babae.

Papalabas na sana sila ng gate nang mapahinto sila sa kanilang mga kinatatayuan. Bigla kasing hinarang ang grupo nina Astrid ng limang maskuladong mga lalaki, ang mga guwardya ng Academia de Adler, na kilala sa pagiging mahigpit nito sa mga estudyante.

"And why you wouldn't let us out? For God's sake, we are all tired as fck, and it's getting late na! So please," pagmamaktol ni Astrid habang hawak-hawak siya sa braso nina Mayumi, Eleen, at Sandra.

"Pasensya na po talaga, ma'am pero iyon na po kasi ang iniutos sa amin. Kami ang malalagot dito e kapag hinayaan namin kayong makauwi sa inyo," turan ng isa sa mga guwardya habang kinakamot nito ang kanyang batok.

"So, saan mo kami patutulugin? Sa guard's house?" pamimilosopo ni Nicca.

"May mga dormitoryo na po kasi ang paaralang ito na para sa inyong seksyon. At matatagpuan po ito sa 4th floor ng building n'yo," giit naman ng isa sa mga guwardya dahilan para lalong mainis ang mga estudyante.

"Seriously?"

"Punyeta talaga o!"

"My dad never told me this."

"Ba't ngayon pa? May TV guesting pa ako this 7pm! That's why I have to be real quick!" pagmamaktol naman ni Mayumi.

"Sorry talaga, ma'am. Kung may tanong pa po kayo, pumunta na lang kayo sa Principal's Office," saad ng isa sa mga guwardya. "O kung wala na, dumiretso na lang kayo sa inyong building at hanapin ang inyong mga kwarto. May listahan na rin po na nakadikit do'n," dagdag naman ng isa pang guwardya habang pilit na pinipigilan ang mga nagtatangkang lumabas.

Habang abala sa pakikipag-argumento ang mga guwardya ay bigla na lamang tumakbo papalabas ng gate si Russel.

"Let me go! Uuwi na nga ako e!" sigaw niya habang marahas siyang pinipigilan ng dalawang mga guwardya. Dahil sa nangyayaring kaguluhan ay nagsimula na ring magpumiglas ang ibang mga estudyante.

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon