Kabanata 15: Save Him Or Save Yourself

17 3 0
                                    

MALALIM NA ANG GABI at maririnig ang malalakas na mga alulong ng mga asong ligaw sa paligid; maging ang mga paniki na tila ba nasisiyahan sa nagaganap na trahedya sa buong akademya ay kalat na kalat din.

Amoy ng nabubulok na hayop ang kasalukuyang maamoy sa paligid na kahit na sino ay mapapatakip ng ilong sa oras na malanghap ito. Madilim sa loob ng kwarto kung saan nakagapos ng paharap sa isa't isa ang dalawa sa mga estudyante ng seksyon Euclid na matagal nang nawawala. Maliban na lang sa bombilya ng ilaw na aandap-andap na na kailangan nang palitan na nasa gitna ng silid.

Nakaupo ngunit nakatali ang mga kamay at mga binti ng dalawa sa isang malamig na bakal na silya. Sa kanila nakatapat ang bombilya kung kaya ay kitang-kita ang sitwasyon ng dalawa. Pawang natutulog ang mga ito habang parehong nakayuko ang mga ulo.

Walang anu-ano'y bigla na lamang nagising si Miko mula sa isang nakakatakot na bangungot. Malalaking butil ng pawis ang makikitang namuo sa noo ng binata. Mas nadadagdagan pa ang kanyang takot nang pagtaas niya ng kanyang mukha, at magpokus ang kanyang mga mata sa dilim ay nakita niya si Mayumi na parehong-pareho sa kanyang sitwasyon.

Sinubukan niyang tanggalin ang lubid na nakatali sa kanya ngunit miski ang kaunting paggalaw ng kanyang mga kamay ay humahapdi na dahil sa galos.

"T-tulong!"

"So... gising ka na pala! Wait—hindi pa pala nagigising ang prinsesa." Bigla na lamang lumabas mula sa dilim ang isang tao habang nakasuksok sa bulsa ng kanyang suot na itim na jacket ang kanyang mga kamay.

"Putangina mo! P-pakawalan mo kami dito!" puno ng galit na sambit ni Miko nang mapagtantong kilala niya ang boses na iyon. Hindi man niya masyadong maaninag ang mukha ng nagsalita dahil sa dilim, kilalang-kilala naman niya ang boses nito.

Tumalikod ito saglit at saka may kinuha sa likod. Pagbalik nito ay may dala na itong isang balde na puno ng malamig na tubig na may halong mga tipak ng yelo. Mayamaya ay bigla niya itong ibinuhos sa ulo ng natutulog na si Mayumi. Maging si Miko ay nabasa rin kung kaya ay nanginig siya sa lamig. Dahil sa ginawang ito ng misteryosong tao, ay agad na nabalikwas ng bangon si Mayumi. Tila ba mula siya sa pagkakalunod sa laki ng ibinuka ng kanyang bibig.

"P-please... p-pakawalan mo na ako..." pagsusumamo ni Mayumi.

Malaki ang ibinagsak ng katawan ng dalaga sapagkat ilan araw na rin itong hindi kumakain. Tanging tubig lamang na mula pa sa isang maruming balon ang ipinapainom sa kanya ng mga kum-idnap sa kanya mula sa stock room ng kantina. Nandiri siyang inumin ito noong una ngunit unti-unti na rin niya itong nakasanayan. Noong isang araw pa kumakalam ang kanyang sikmura ngunit hindi man lang siya pinakain ng mga kum-idnap sa kanya. Samantalang si Miko naman ay hindi pa gaanong nagugutom dahil ilan oras pa naman ang nakakalipas simula ng kidnap-in siya mula sa restroom.

"Wala kang awa!" bulalas ni Miko dahilan upang sampalin siya nito sa mukha. "P-paano mo nagawa 'to sa amin?! Tinuring pa naman kitang kaibigan!"

"Sa pagkakaalala ko wala akong tinuring na kaibigan... kahit na isa sa inyo!"

"M-miko, tama na..." utal ni Mayumi na halatang nanghihina na.

"No, Mayumi. Kailangan nating ipaglaban ang buhay natin ngayon."

"Speaking of ipaglaban. I am giving Mayumi the right to choose kung mabubuhay pa kayo pagkatapos nito," misteryosong saad ng killer at saka bumaling ito kay Mayumi. "So, Mayumi... pumili ka. Save Miko or save youself?"

Napaawang ang bibig ni Miko sa gulat. Malamang pipiliin ni Mayumi na maligtas ang sarili niya!

"W-what?! No... I w-will not dare play your e-evil game... P-pakawalan mo na lang kami..." nanghihinang sambit ni Mayumi habang nakayuko ito, pagkatapos ay dahan-dahan itong tumingin sa mga mata ni Miko.

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon