Kabanata 4: Accuses

46 20 26
                                        

KINAGABIHAN, dalawang tao ang nagpasyang lumabas muna ng kanilang mga silid dahil sa nararamdaman nilang kumakalam na naman ang kanilang mga sikmura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINAGABIHAN, dalawang tao ang nagpasyang lumabas muna ng kanilang mga silid dahil sa nararamdaman nilang kumakalam na naman ang kanilang mga sikmura. Mahigit tatlong oras na rin kasi ang lumipas simula nang makakain sila ng hapunan na inihahatid lamang ng mga serbidora ng kantina, tuwing alas syete y trenta. Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan pababa ng hagdan habang pabirong naghahabulan patungo sa unang palapag—kung saan matatagpuan ang kantina ng gusali. Suot nila ang kanilang mga damit na pantulog sapagkat patulog na sila nang bigla na lang silang makaramdam ng gutom.

Nang makarating ay nagtaka sila nang makitang nakapatay ang mga ilaw sa paligid at walang nagbabantay sa naturang kantina. Agad naman nilang hinagilap ang switch ng ilaw upang makita nila ang kanilang buong sitwasyon.

"'Te Van, punta lang ako ng vendo ha? Magju-juice na lang siguro ako," pagpapaalam ng mas nakababata sa tinawag niyang ate. Nahagilap kasi nitong bukas pa ang vending machine ng kantina.

"Sige, Krystall. Basta bilisan mo ha?" ani Vanessa kahit na hindi niya masyadong naaaninagan ang pagmumukha ng dalaga. Nagsisimula na kasi siyang mangilabot dahil aaminin niyang takot siya sa dilim.

"Takot ka lang ata e," panunukso naman ni Krystall sa dalaga.

"Che!" Taboy ni Vanessa kay Krystall na natatawa pa.

Nang sa wakas ay mahanap na ng dalaga ang switch ng ilaw ay nagitla siya nang maramdamang may iba pang kamay ang nakahawak dito. Napasigaw siya sa gulat at agad na binawi ang kanyang kamay ngunit maagap namang pinindot ng kamay na iyon ang switch dahilan upang kumalat sa buong lugar ang liwanag.

Nahiya bigla ang dalaga nang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon.

"Ikaw lang pala! Muntik pa tuloy akong atakihin sa puso," natatawang sambit ng dalaga habang pinipigilan pa rin ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib. Hindi niya batid kung dahil ba ito sa takot o hindi kaya ay dahil sa may sikreto siyang nararamdaman sa taong kaharap niya ngayon.

Dahil sa maliwanag na ang loob ng kantina ay agad na nakita ng dalaga ang dalawang mga serbidora na natutulog sa kanilang mga outlet.

Nilapitan niya ang mga ito at akma na sana niyang gigisingin ang mga ito nang makitang may tumutulo na mga pulang likido sa sementong tinatapakan niya. Nagmumula ito sa katawan ng mga babae! Agad siyang napahawak sa kanyang bibig dahil sa takot at pagkagulat. Umatras siya nang umatras. Hanggang sa mabangga niya ang taong kasa-kasama niya na nasa kanyang likuran.

"Did I surprised you, Vanessa?" bulong nito sa kanyang tainga.

"Sinong p-pumatay sa kanila? I-ikaw ba? P-pati kay Gian?" nanginginig na sambit ni Vanessa; hindi pa rin niya nililingon ang tao sa kanyang likuran.

"Oo, ako nga. 'Di kasi nila sinunod 'yung utos ko e. Kaya ayan, pinatay ko na lamang sila. Wala kasi silang mga silbi," pag-amin nito sa dalaga. "At 'yan din ang gagawin ko sayo!"

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon