Kabanata 5: Pareidolia

48 17 15
                                    

HINAYAANG dumaloy ni Eleen ang tubig galing sa shower papunta sa iba't ibang bahagi ng kanyang hubo't hubad na katawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINAYAANG dumaloy ni Eleen ang tubig galing sa shower papunta sa iba't ibang bahagi ng kanyang hubo't hubad na katawan. Pinipilit niyang kalimutan ang kanyang mga nakita kaninang umaga pero tila ba naka-imprinta na sa kanyang utak ang imahe ng mga nakakadiring bangkay nina Vanessa at Krystall. Natatakot siyang baka bukas o samakalawa ay isa na rin siyang malamig na bangkay na pinagluluksaan na ng kanyang mga kaanak. Muntik pa nga siyang maakusahan na siya ang pumatay sa dalawa. Pati tuloy pagkakaibigan nila ni Mayumi ay parang nagkaroon na ng lamat nang dahil lang sa maling mga bintang laban sa kanya.

Bigla na lang niyang narinig na kumalam ang kanyang sikmura. Naalala niya bigla na hindi pa pala siya naghahapunan dahil nagpa-iwan muna siya mag-isa para makaligo. Nanlalagkit na kasi ang pakiramdam niya. Pati kasi mga tagapagluto ng kanilang kantina ay hindi rin pinalampas ng pumapatay. Nagtiim-bagang na lamang siya dahil sa inis.

"I'll kill them talaga 'pag hindi nila ako tinirhan ng ulam," aniya at saka humuni ng kanta na Seniorita ni Camilla Cabello.

Wari-wari ay narinig niya ang paglangitngit ng pintuan ng kanilang paliguan, kung saan siya naroroon. Sandali siyang napatigil sa kanyang ginagawa at binuksan ang shower curtain.

"Sino 'yan? May tao ba diyan? Sandra? Astrid?" usal nito habang nagpalinga-linga pa. "Is that you losers?" dagdag pa nito patungkol sa iba pa niyang mga kasama sa kanilang kwarto na sina Nicca at Andrea.

Nabigla siya nang makitang bumubulwak ang dalawang mga gripo sa lababo, malapit sa pintuan ng paliguan. Agad siyang nagtaka nang makitang sira na ang mga ito. Kailangan niyang makahingi ng tulong sa kanyang mga kasama baka kasi wala silang matulugan ngayong gabi kapag napuno na ng tubig ang buong kwarto. Akma na sana niyang bubuksan ang pintuan para makaalis pero nabigla siya nang mapagtantong nakakandado ito sa kabila. Pinilit niyang buksan at itulak ito pero hindi sapat ang ibinibigay niyang lakas dahil hindi naman kalakihan ang kanyang katawan. At isa pa, hindi siya sanay sa ganitong mga gawain.

Nahintakutan siya nang maramdamang nagsisimula na ring tumaas ang tubig sa comfort room. Nasa may baywang na niya ito! Walang anu-ano'y bigla siyang napatingin sa salamin ng paliguan. Nanlumo siya sa kanyang nakita sa salamin. Pulang mga letra na tila lipistik ang ipinansulat sa nakakagimbal na babalang ito.

DADALHIN KITA PABALIK SA IMPYERNO!

Bigla siyang napasigaw. Napuno ng nakakakilabot na paghingi ng tulong niya ang buong kwarto. Pilit niyang kinalampag ang pintuan, umaasang makakalabas pa siya ng buhay. Sinusubukan niya ring pigilan ang malakas na pagtagas ng mga gripo kahit na nasa dibdib na niya ang taas ng tubig, ngunit hindi siya nagtagumpay sa kanyang mga layunin.

Nahagip ng kanyang mga mata ang mga nakasulat sa salamin. Naghihiyaw siya sa galit.

"P-putangina mo! P-papatayin kitang h-hayop ka! Putangina! P-palabasin mo ako dito!" garalgal niyang sigaw dahil sa nasa may bibig na niya ang taas ng tubig.

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon