"M-MAAWA PO K-KAYO..." Ikinagulat nila ang biglang pagsalita ng binata sapagkat ang akala nila ay hindi talaga nakakapagsalita ang binata.
Nang makabalik sa tamang wisyo ay agad na pinakiusapan ni Prynz si Sandra na tawagin si Miss Nikkole. Saglit na nagkatinginan sina Sandra at Ken. Hindi sana niya gagawin ang iniutos ng binata ngunit siya lang naman kasi ang pinakamalapit kay Miss Nikkole, "M-miss, tawag ka ni Prynz...."
Tumango si Miss Nikkole bilang tugon. Saglit niya pang sinuri ang ekspresyon sa mukha ng dalaga sapagkat alam niyang umiiwas ito sa kanya ngayon. Tanto niyang namumuhi na sa kanya ang isa sa mga paborito niyang estudyante.
"What happened?" ani Miss Nikkole habang lumalanghab ito, simbolo na patulog na sana ito kung hindi sana ito tinawag ni Sandra.
"Nagsalita si Theo, Miss!" halos pabulong na na sambit ni Prynz sa kanilang guro. Kumunot ang noo ni Miss Nikkole sa pag-aakalang nagbibiro lamang ang binata ngunit nang makitang pati si Ken ay gano'n din ang sinabi ay agad siyang naniwala.
"Gigisingin sana namin siya kanina kasi binabangungot siya. Galaw lang nang galaw ang kanyang ulo... when he suddenly spoke," pagsasalaysay ni Fourth.
"At ang mas nakakatakot pa, parang nagmamakaawa siya," sambit ni Prynz dahilan upang magtaka si Miss Nikkole.
"Siguro, traumatized na si Theo... siguro hindi natin 'yon alam dahil hindi naman siya nagsasalita," utal ni Caitlynn at saka unti-unti itong lumapit sa kanila. Noong mga panahong iyon ay kanina pa pala sila pinagmamasdan ng dalaga. Nag-alala rin siya nang makitang parang binabangungot si Theo. Tila sumaya naman ang kanyang puso nang makita ang pag-aalala ni Prynz kay Theo. Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti sa nangyari.
"Sabi nila, hindi lahat ng pipi ay pinanganak na ganyan. May mga kaso na dahil sa isang kalunos-lunos na pangyayari o 'di kaya'y trahedya dahilan upang tuluyan nang hindi makapagsalita ang isang tao. Posible na noong bata pa si Theo ay naabuso ito o nakaranas ito ng isang malagim na pangyayari," paliwanag ni Miss Nikkole. Sa katunayan, nalaman niya ito sapagkat ang kanyang nobyo ay nag-aaral pa na maging isang propesyonal na doktor.
"So posible na baka bukas o sa makalawa... bigla na lamang magsasalita si Theo?" tanong ni Zaira sa guro na gaya ni Caitlynn ay kanina pa pala nagmamasid sa kanila.
"Posible pero pakiusap huwag n'yo munang itong ipagsabi sa iba o sa kanya... dahil baka tuluyan na siyang hindi makapagsalita," paalala ni Miss Nikkole sabay lapit sa gawi ni Theo at hinaplos ang ulo ng binata.
Kung tumingin sana sila sa kanilang gawing kanan ay makikita ang pares ng mga mata na punong-puno ng galak dahil sa nalaman.
"Exciting!"
•••••
Unang araw ng Hunyo, Taong 2009 (10 taon sa nakaraan)
"Sino sa inyo ang pumatay sa asawa ko!" nanggalaiting sigaw ng isang lalaki habang may hawak itong itak sa kanyang kanang kamay, samantalang hawak-hawak naman niya sa kabilang braso si Doña Feliciana.
"M-mahal k-ko..." pagmamakaawa ng doña dahil sa mahigpit na hawak sa kanya ng lalaki sa leeg.
"Pakawalan mo na ang asawa ko Manuel dahil hindi namin alam ang pinagsasabi mo!" pagsisinungaling ni Don Rodrigo habang pinanatili nito ang kanyang pagiging kalmado.
Ang lalaking nagngangalang Manuel (38 anyos) ay matipuno ang katawan, moreno ang balat, at medyo may kahabaan ang buhok. Nakahubad ito pang-itaas nang biglang sumugod ito sa mansyon ng mga Rosario. Si Doña Feliciana (35 anyos ng mga panahong iyon) naman ay simple lang manamit ngunit makikitang napakaganda pa rin nito kahit na medyo may edad na ito. Maputi ito na medyo may kasingkitan ang mata sapagkat may lahi itong Intsik. Samantalang, si Don Rodrigo (41 anyos) ay matipuno rin ang katawan. Moreno na matikas ang tindig. May serpente na tattoo ito sa kanang balikat. Malalim ang mga mata nito na parang hinihigop ang mga mata ng kung sino man na makikipagtitigan.
BINABASA MO ANG
Wild Blood
TerrorKategorya: HORROR ______ Nasa peligro ang buhay ng mga estudyante ng seksyon Euclid sa kamay ng gumagalang killer sa loob ng kanilang eskwelahan. Wala silang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pakay ng killer hanggang sa isiwalat nito na gusto niton...