Kabanata 8: Land Mines

23 3 2
                                    

KINAUMAGAHAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINAUMAGAHAN. Hapong-hapo na mga estudyante ang isa-isang nagsilabasan sa kani-kanilang mga silid. Saglit na nagtama ang mga mata nina Nicca at Astrid, ngunit tinitigan lamang ni Astrid ang dalaga at saka pumunta pabalik sa silid upang gisingin si Sandra.

Samantala, si Caitlynn naman ay hindi mapakali sapagkat kanina niya pa hinahanap ang kanyang kamera. Sa katunayan, ayos lang naman sa kanyang mawala 'yon ngunit ang ikinahihinayang niya ay ang mga litrato na nakaimbak doon.

Nang makitang papasok na si Astrid ay agad niya itong tinawag upang tanungin, "Astrid, may nakita ka bang ka—"

"Nothing," walang buhay na tugon ng dalaga at saka dumapa sa kanyang kama.

Napatahimik na lang ang dalaga sa inasal ni Astrid. Agad naman siyang lumapit kina Nicca at Andrea matapos siyang senyasan ng mga ito na lumabas ng kanilang silid.

"So, anong gustong ninyong ulam ngayon?" tanong ni Nicca sa kanyang mga kaklase.

•••••

"ANG NAKAPAGTATAKA lang talaga, pa'no nawala ang bangkay nina Krystall at Vanessa do'n sa pinag-iwanan natin kahapon," ani Fourth. "Hindi nga lang ako sure kung baka pati 'yung katawan ni Eleen ay nawawala na rin," dagdag pa niya at saka tumitig sa kawalan.

"Pa'no mo nasabing nawawala na rin?" may halong pagtataka na tanong ni Zaira kay Fourth.

"'Di nga ako sure 'di ba?"

"Kahapon, 'di ba puno ng mga patay na katawan ng mga schoolmates natin 'tong oval? E, bakit ngayon nawala silang lahat?" nagtatakang sambit ni Hugh sabay nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Maging ang kanyang mga kaklase ay gano'n din ang ginawa.

Matapos kasing kumain ng agahan ang buong magkaklase ay agad na silang dumiretso sa ilalim ng puno ng akasya na limang dekada nang nakatayo, malapit sa oval ng eskwelahan, sa pangunguna ng kanilang itinalagang presidente ng kanilang seksyon: si Winter, kapalit ni Vanessa.

"Paano kung may iba pang buhay bukod sa atin?" sambit ni Zaira matapos niyang itiklop ang kanyang hawak na kwaderno at pansamantala itong ilagay sa kanyang tabi, sa berdeng damuhan. "Na siyang dahilan upang mawala na parang bula 'yung lahat ng mga bangkay rito kahapon?"

"Posible, pero I'm sure pinatay na lahat ng killer 'yung mga tao dito sa campus except us, kasi nga 'di ba may wrath siya sa atin?" untag ni Sandra sa kanyang mga kasama at saka bigla siyang tumayo upang pagpagan muna ang kanyang pantalon, matapos noon ay umupo siya ulit sa bangkito.

Biglang binalot ng ilang segundong katahimikan ang ilalim ng puno ng akasya. Wari bang walang ibang nilalang na nasa lilim nito.

"Maitanong ko lang... ba't nagbabangayan na naman kayo Nicca, ni Astrid kagabi?" turan ni Hugh sabay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.

Napailing ng ulo sina Nicca at Caitlynn.

"H-hindi. Hindi sila nag-away matapos no'ng ano—" saglit na napatigil si Caitlynn sa pagsasalita, pinipigilan na sabihin ang pagkamatay ni Eleen. "Ang ibig kong sabihin, 'y-yung kaguluhan kagabi sa kwarto... dahil 'yon sa killer."

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon