Kabanata 11: Caught

17 3 0
                                    

"O, gising na ata si Miss Nikkole!" nagagalak na utal ni Hazel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"O, gising na ata si Miss Nikkole!" nagagalak na utal ni Hazel.

Dahan-dahang gumalaw si Miss Nikkole at saka unti-unti niyang inilibot ang kanyang paningin sa kanyang mga estudyante.

"Hello Miss..." sabay-sabay na turan ng buong klase.

"Hello rin. Thank you nga pala for taking care of me—especially Ken," utal ng guro sabay tingin sa gawi ng binata.

"Miss, pati rin po si Sandra. Kasama niya si Ken sa pag-aasikaso sa inyo kanina," ani Russel.

"Oh I see. So, where is she?" tanong naman ng guro.

Sandali namang napatahimik ang buong klase.

"Sabi niya magpapahangin lang daw siya e," sambit naman ni Ken.

"Bakit daw? May nangyari ba rito kanina na hindi namin nalalaman, Mr. Co?" pang-uusisa sa kanya ni Winter.

"Wala naman. Akala ko nga may sakit siya, kasi parang tulala lang siya habang kinakausap ko kanina," utal ni Ken at saka binigyan ng isang basong tubig na maiinom si Miss Nikkole.

"Thanks, Ken."

"Wait. Pati nga rin pala si Hugh hindi pa rin nakakabalik. 'Di kaya may ginagawa na silang kahalayan?" tanong ni Miko sa kanyang mga kaklase.

"What the hell, Miko? I know Sandra very well. You know how delicate that woman is. Hindi niya gagawin 'yon," pagdedepensa naman ni Astrid sa kanyang kaibigan at saglit na inirapan si Miko.

"Okay, okay. Pupunta na lang ako sa CR. Tara Rus, samahan mo 'ko," ani Miko.

"Ayoko. Masakit tiyan ko," utal ni Russel sabay kunyaring hinahawakan nito ang kanyang tiyan.

"Mamatay ka sana sa sakit sa tiy—sorry!" napahinto si Miko nang mahinuha na baka siya na naman ang maakusahan na killer. "Bye!" pamamaalam nito at saka mabilis na lumabas sa silid patungo sa restroom ng gusali.

Nasa unang palapag ang infirmary na kinalalagyan nila samantalang nasa ikalawang palapag pa ang pinakamalapit na restroom. Naisip niya marahil dito nagbanyo si Hugh.

Nang papaakyat na sana siya sa hagdan ay bigla siyang napatigil sa paglalakad sapagkat may tila ba nakita siyang dumaan na anino sa gilid ng kanyang mga mata.

Saglit siyang lumingon sa kanyang likuran at hinanap sa paligid kung may tao bang sumusunod sa kanya.

"Sino 'yan?!"

Nang walang matanggap na sagot ay ipinagpatuloy na niya ang paglalakad patungo sa restroom.

Agad na nagtaka si Miko nang pagdating niya sa harapan ng restroom ay nakita niyang sira ang doorknob ng pintuan.

"Parang ngayon pa lang ito nasira a," aniya habang nakakunot ang noo.

Mas lalo pang kumunot ang kanyang malapad na noo pagkarating niya sa loob ng restroom. May nakita kasi siyang mga patak ng mga pulang likido na nakakalat sa sahig.

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon