Kabanata 10: No More Happy-Go-Lucky

13 3 0
                                    

"KUMUSTA na si Miss Nikkole, Sandra?" halos pabulong na tanong ni Fourth upang hindi ang magising ang kanilang nanghihina pa ring guro—ang tanging tao lamang na makakasagot kung ano ba talaga ang nagaganap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KUMUSTA na si Miss Nikkole, Sandra?" halos pabulong na tanong ni Fourth upang hindi ang magising ang kanilang nanghihina pa ring guro—ang tanging tao lamang na makakasagot kung ano ba talaga ang nagaganap.

"Medyo okey na rin siya. Mabuti na lang talaga at magaling sa first aid itong si Ken," sambit ng dalaga sabay baling ng kanyang tingin sa binata.

"For survivality purposes. Alam niyo naman 'di ba na palagi akong napapaaway. Ayaw ko rin kasi na malaman ng parents ko ang mga pinaggagawa ko kaya pinag-aralan ko ang panggagamot sa sarili kong mga sugat at paso," pagsasalaysay ni Ken sabay ayos sa puting kumot na bumabalot sa katawan ng kanilang guro.

Sandaling kumunot ang noo ni Sandra dahil sa ginawang iyon ni Ken. Inirapan na lamang niya nang palihim ang natutulog na guro. Hindi naman nakaligtas ang ginawang iyon ni Sandra sa mapanuring mga mata ni Fourth.

"O siya sige... aalis na 'ko. Mukhang may nagseselos ata e," mapanuksong utal ni Fourth sabay tingin sa gawi ni Sandra. Biglang nagtama ang kanilang mga tingin at saka ngumisi ng nakakaloko ang binata. Pinandilatan na lamang ng mata ni Sandra ang binata dahil sa inis. Wala namang kamalay-malay si Ken sa tensyong nangyayari sa kanyang dalawang mga kaklase habang tinitingnan nito ang natutulog nitong guro.

Nang tuluyan nang makaalis si Fourth sa infirmary ay agad na tinawag ni Sandra si Ken.

"Ken?"

"Hmm?"

"May sasabihin sana ako sayo," mahinang utal ng dalaga

"Napakaseryoso mo ata ngayon, Sandra? May sakit ka ba? May available naman na mga gamot dito," sunod-sunod na tanong ni Ken sa dalaga.

"Wala akong sakit, Ken."

Sandali namang napangiti si Sandra sa saglit na pag-aalala sa kanya ng lalaki na nasa kanyang harapan. Ngunit alam niyang hanggang kaklase lang ang pagtingin nito sa kanya sapagkat kilalang-kilala niya ang babaeng itinitibok ng puso ng binata.

Matagal na niyang gusto si Ken. Simula noong naging magkaklase sila noong unang taon pa lamang nila sa hayskul hanggang sa kasalukuyan ay hindi nawala ang kanyang itinatagong pagtingin sa lalaki. Maging sina Eliza, Eleen, Mayumi, at Madeline, na kaibigan nilang sumakabilang-buhay na, ay hindi rin alam kung sino ba talaga ang taong dahilan ng pagtibok ng kanyang puso

Si Madeline Palma ang tinutukoy ni Sandra na babaeng minamahal ng binata. Saksi siya kung paano sinuyo at niligawan ng binata ang dalaga hanggang sa maging magkarelasyon ang dalawa noon. Kung iisipin ay para siyang ginawang tulay noon ni Ken upang mapalapit kay Madeline. Kaya todo ang selos niya noon sapagkat alam niyang mas una siyang nakilala ni Ken kaysa kay Madeline. Umabot din ng ilang mga buwan ang relasyon ng dalawa hanggang sa matagpuan na lamang itong walang buhay sa likod ng Euclid Building.

Walang nakakaalam kung sino ba talaga ang pumatay sa dalaga sapagkat walang nakasaksi ng gabing mangyari ang mismong pagpatay. Ulilang lubos na si Madeline kung kaya ay ang eskwelahan na lamang mismo ang nagpalibing sa dalaga.

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon