Kabanata 23: The Secret Ingredient

111 27 11
                                    

NAGULANTANG ANG BUONG seksyon ng Euclid nang makita ang sitwasyon ng dalawa nilang nawawala na mga kaklase.

Hubo't-hubad itong magkatabing nakahiga sa isang bakal na lamesa. Halatang bago pa lang nang binawian ng buhay ang dalawa base na rin sa kulay ng kanilang mga balat.

"N-no! M-mayumi, no! S-sandra! M-mayumi's g-gone!" pagdadalamhati ni Astrid matapos siyang lapitan ni Sandra.

"Astrid, matagal ko nang tanggap na patay na si Mayumi. Ilang araw na rin siyang nawawala. Himala na lang kung hindi siya pinatay ng killer na 'yon!" sambit ni Sandra. "A-astrid. D-demonyo ang mamamatay-tao na 'yon!"

Sa kabilang banda naman ay tahimik naman na umiiyak si Russel dahil sa pagkamatay ng isa sa mga matalik niyang kaibigan sa loob ng klasrum. Natatakot siyang baka siya na ang isunod ng killer dahil sa siya na lamang ang natitira sa lahat ng kanyang barkada. Noong una ay si Hugh tapos ngayon naman ay si Miko.

Mapapansin na unti-unti na ring nanginginig ang kamay ni Winter na nakahawak sa kamera. Ihihinto na sana niya ang nasabing bidyo nang pigilan siya ni Prynz.

"'Wag mong ihinto, Winter. Kung 'di mo na kaya, ipatong mo na lang 'yan sa lamesa."

Agad na sinunod ni Winter ang iniutos ni Prynz at ipinatong ang kamera sa ibabaw ng lamesa.

Sa susunod na mga tagpo na makikita sa bidyo ay hindi na napigilan ng iba na humagulhol. Makikita kasi na malakas na pinagtatadtad ng isang taong nakabalot ng puting kasuotan ang mga bangkay nina Mayumi at dalawa. Pigil ang kanilang hininga nang makita na isinilid sa isang plastik na selopin ang ilan sa mga karne ng dalawa.

Ang sunod na ipinakita sa naturang bidyo ay ang pagbitbit ng misteryosong tao ng selopin na may lamang karne ng dalawa. Napansin nilang ang lokasyon ay sa harapan ng mismong cafeteria na kinalalagyan nila.

"G-guys, 'di ba, dito 'yan sa cafeteria?" may halong pagkatataka ni Caitlynn.

"S-stop that fvcking video, won't you?!" natatakot na usal ni Astrid. Akma na sana niyang lalapitan ang kamera upang ihinto ang bidyo ngunit maagap siyang pinigilan ni Prynz.

"Kailangan nating malaman kung ano ba talagang nangyari sa kaibigan mo, Astrid," mahinahong sambit ni Prynz sa dalaga.

"I-isn't that enough? W-we already saw that killer bitch turned their corpse into pieces! A-ano pa ba talagang kailangan nating makita, ha? P-prynz! T-tell me!" nanginginig na sambit ni Astrid.

"Parang hindi ko na kayang manood," wala sa sariling utal ni Nicca at saka lumayo siya sa kumpulan ng kanyang mga kaklase. Napili niyang tumabi kay Miss Nikkole na tahimik na nakaupo.

Pagpasok ng killer sa loob ng cafeteria, nagpalinga-linga ito sa paligid, tila may hinahanap. Pagkatapos ay agad itong dumiretso sa kusina.

Gayon na lamang ang kanilang mga hilakbot nang makita nila na ipinasok ng tao na pumatay kina Mayumi at Miko sa bidyo ang selopin kung saan nakasilid ang mga piraso ng pinaghalong mga laman ng dalawa, dahilan upang maduwal sila.

"Anong nangyayari?! Astrid! Ken!" naguguluhang sabi ni Nicca.

"P-putangina! Y-yung a-adobo na kinain natin... ay katawan no'ng M-miko at M-Mayumi?" utal ni Ken. "Putangina mo!" dagdag pa ng binata sabay suntok sa lamesa.

"A-ano?!" hindi makapaniwalang untag ni Nicca.

"Guys! Calm down! Please lang! Ken!" turan ni Miss Nikkole sa kanyang mga estudyante.

"Calm down? Calm down talaga, Miss?! Malapit na tayong maubos lahat tapos sasabihin mong kumalma kami? Teacher ka ba talaga namin?!" sigaw bigla ni Zaira.

"Oo, Zaira! Dapat! Dahil miski ako! 'Di ko na rin alam kung anong gagawin! Gulong-gulo na 'ko!" naluluhang untag ni Miss Nikkole at saka napasabunot ito sa sariling buhok.

Hindi naman sumagot ulit si Zaira. Sandali niyang pinunasan ang ilang butil ng luha na namumuo sa kanyang mata.

"N-no—" sambit ni Astrid tapos ay agad itong hinimatay. Mabuti na lamang at agad itong nasalo ni Fourth bago pa mabagok ang ulo nito sa sementadong sahig.

"P-prynz... sabihin m—" utal naman ni Caitlynn ngunit gaya ni Astrid ay nahimatay rin ito. Maagap namang nahawakan ito ni Prynz bago ito tuluyang mahulog sa sahig.

"O, ano? Masaya ka na, ha?!" galit na sigaw ni Prynz.

"Uhmmm... yes?"

"'Wag n'yo nang patulan 'yang mamamatay-tao na 'yan," maotoridad na sambit ni Winter.

"Ano ba talagang gusto mong mangyari, ha?" wala sa sariling utal ni Sandra.

"Simple lang. Kailangan lang humarap ni Ivan Rosario. As. Soon. As. Possible."

"Ivan? Puta! Sino 'yan?" tanong ni Ken.

Samantalang ang 'Ivan' naman na tinutukoy ng killer ay biglang lumaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwalang siya pala talaga ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga kaguluhang ito. Bigla niyang naalala ang kanyang mga magulang, maging ang kanyang kapatid na matagal nang nawalay sa kanya. Naisip niyang pagkatapos siguro na patayin ng kanilang hardinero ang kanilang mga magulang ay isinunod nito ang kanyang bunsong kapatid.

"Makikilala n'yo lang siya 'pag inamin na niya ang mga kasalanan niya. And I know... he's one of you," misteryosong utal ng killer dahilang upang magsipagtingin ang mga magkaklase sa bawat isa.

•••••

MARIRINIG ANG MAYA'T-MAYANG pagkulog sa paligid. Umuulan ng malakas ngunit para sa mga estudyante ng seksyon Euclid at kay Miss Nikkole, ay wala nang mas ilalakas pa ang pagkabog ng kanilang mga dibdib dahil sa nangyari kanina. Natatakot sila na baka hindi na sila magising kinabukasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon