Ang Simula

166 32 49
                                    

Ika-27 ng Mayo, Taong 2009

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ika-27 ng Mayo, Taong 2009

Kumatok muna ako nang tatlong beses sa kwarto ng anak ng mga amo ko bago ako tuluyang pumasok. Pagkatapos ay pinihit ko ito nang dahan-dahan, at humakbang papasok. Sumalubong sa 'kin ang napakalansang amoy ng patay na daga na halatang matagal nang nabubulok.

Yumuko ako at saka ko tinawag ang bata.

"S-señiorito?" nanginginig kong tanong nang makalapit ako sa kanya.

Lumingon siya nang bahagya sa akin. Waring hinihintay ang susunod kong mga sasabihin. Napakagwapo naman ng batang 'to! Hindi nga lang halata. Mas una pa kasing mapapansin ang kaputlaan ng balat nito.

"P-pinatawag m-mo daw a-ako?" Pagkarinig niya no'n ay mala-anghel siyang ngumiti.

"Maaari po bang ilipat ninyo ako sa kama?"

Dali-dali ko siyang binuhat at ipinatong sa kama. 'Di naman s'ya gaano kabigat sapagkat may kapayatan rin ang bata.

"M-may iuutos po pa ba k-kayo?"

"Maaari mo po bang suklayin ang aking buhok?" malumanay niyang utos sa 'kin. Kahit kasi lalaki s'ya ay medyo mahaba 'yung mga hibla ng buhok n'ya.

Kinuha ko ang pulang suklay na inabot n'ya sa 'kin. Pero nagitla ako nang may maamoy ako dito. Napakalansa! Parang dito nakadikit ang amoy ng patay na daga!

Kahit na alam kong may ipag-uutos pa s'ya sa akin, ay tinanong ko pa rin s'ya, "M-may ipag-uutos po pa ba kayo, S-señiorito?"

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon