NAPAKAALIWALAS ng paligid sapagkat kakasikat lamang ng araw ng mga panahong iyon. Kung normal lang na araw iyon ng Academia de Adler ay malamang maraming estudyante ang nakakalat sa buong paligid. Siguro mayamaya ay hihinto na sila sa kani-kanilang mga ginagawa upang makisali sa flag ceremony ng paaralan, ngunit hindi ito gaya ng mga normal na araw ng nasabing paaralan.
Nang makita na nang tuluyan ng buong seksyon at ni Miss Nikkole kung ano ang nangyayari kung bakit pinapapunta sila sa school oval ay nagsimula silang humikbi at magpalahaw. Karamihan sa kanila ay halos matulala sa mga nakikita.
Ang tanawin na kanilang natatanaw ay ang mga hinahanap nila kanina na si Andrea na nasa kaliwa , si Kian sa gitna, at si Sandra na nasa kanan habang nakaupo ang mga ito sa isang silya na gawa sa bakal. Ang bawat mga pulso at mga binti nito ay napapalibutan ng makapal na bakal. Maging ang mga bibig din ng mga ito ay natatakpan ng duct tape.
Kasalukuyang nakayuko ang mga ito na halatang mga walang malay. Marurumi na ang mga damit ng mga ito ngunit wala namang makikitang ni sugat o galos sa kanilang mga katawan.
"Nandito na pala ang ating mga panauhin sa programang magaganap ngayon dito sa gitna ng oval!" nagagalak na turan ng killer sa speaker ng eskwelahan. "Welcome to the WB Game! Kung saan live tayong napapanood sa deep web! Say hi sa mga live spectators!"
Dahil sa sinabi ng killer ay napatingin ang ilan sa kanila sa paligid upang hanapin ang mga kamera nito. Nagitla sila nang makita na may malaki palang drone ang kasalukuyang nagbibidyo sa kanila sa taas, at meron ring dalawa pang kamera sa kanilang harapan at likuran na nakalagay sa isang tripod. Agad na nadagdagan ang galit na kanina pa nila kinikimkim.
"What will you do to them?!"
"Wala kang awa! Kampon ka ng dilim!"
"Pakiusap maawa ka sa amin!"
"Magsitayo nga kayo! 'Wag kayong lumuhod sa baliw na 'yan!" nanggagalaiting sigaw ni Ken nang makita na nagsiluhod ang ilan sa kanyang mga kaklase.
"P-please! T-tell me where is Mayumi?" tanong ni Astrid.
"Pwede bang maghintay ka muna?!"
"Ok, back to our game. Simple lang naman ang mechanics. You have to guess the answer to the questions that I will be asking. The choices will be their names. And it's up to all of you kung ano ang magiging sagot ninyo. All you need to do is pumwesto sa harapan ng choice ninyo. Kung tama ang sagot ninyo, then next question. But! Failure to choose the correct answer is a punishment sa napili ninyo. Pero since, mabait ako ngayon may bonus kayo. Two consecutive correct answers saves the next incorrect answer. That's all!" nagagalak na sambit ng killer.
"And also, I'll be expecting the participation of your beloved teacher."
"Damn! Anong akala mo sa amin mga laruan mo?!"
"Nasisiraan ka na ng bait!"
Napatulala si Miss Nikkole sa tinuran ng killer. Gustuhin man niyang tumanggi ngunit dahil kasali ang kanyang mga estudyante sa larong ito ng killer, pinili na lamang niya na hindi umangal sapagkat alam niyang kasali na siya sa laro kahit noong una pa lang.
Whoosh!
Napanganga ang lahat ng bigla na lamang nagising ang tatlong mga estudyante sa kanilang harapan. Binuhusan pala ito ng tig-iisang timba ng malamig na tubig ng isang taong balot ang buong katawan ng puti na kasuotan, na tanging ang mga butas lamang sa mata ang makikita.
![](https://img.wattpad.com/cover/72586726-288-k161482.jpg)
BINABASA MO ANG
Wild Blood
HororKategorya: HORROR ______ Nasa peligro ang buhay ng mga estudyante ng seksyon Euclid sa kamay ng gumagalang killer sa loob ng kanilang eskwelahan. Wala silang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pakay ng killer hanggang sa isiwalat nito na gusto niton...